MGA DUWENDE SA MT. MAKILING
April 2007 — Yan ang unang akyat ko ng Peak 2 ng Mt. Makiling. Kasama ko yung kapatid ko, at apat na kapitbahay/kabarkada. Lahat sila ay unang akyat lang din nila.
Mabibilis umakyat yung mga kasama namin, kasi sarili lang nila ang dala nila, hindi gaya ko na may bitbit ako na dslr na naka-belt strap sa leeg ko, at helomoto na phone na may 1.3 mp res ata na camera. At kada may nakikita akong view ay tumitigil ako sandali upang kumuha ng mga larawan.
Nung pababa na kami mula sa peak, napansin ko na ako na lang talaga yung nahuhuli. Mga 3 minutes ang pagitan ganyan. Wala na rin yung mga tao sa peak kasi kami yung huling umalis dun bandang pasado 3pm na rin yun. Wala na rin yung mga members ng UP Badgers club na maya't maya ay nadaan sa trail. Dala na rin ng pagod pababa, hindi ko na pansin kung anong station na ba ako nuun.
Tumigil ako sandali sa isang spot dun na may konting patag bandang kaliwa ko. May mga sing-taas ng tuhod ko na ligaw na damo sa parteng iyon. Nilabas ko yung helomoto phone ko para magvideo sana. Then habang nagpa-panning ako mula kaliwa papuntang kanan, may nakita ako sa screen ng phone na tatlong makukulay na akala ko ay mga palaka 😅 Cute! Sabay-sabay silang natalon papunta sa gawing kanan ko, kalahating dipa lang mula sa kinatatayuan ko.Iba-iba ang kasuotan nila, may asul, dilaw, pula, berde. Walang isang kulay lang na kasuotan.
Sa taas naman nila, mga kalahating dangkal sa tantiya ko. Yung itsura din nila ay iba-iba, pero lahat ay may bigote, balbas na makapal at buhok na buhaghag na lahat din ay may nakapatong na sumbrero na tulad sa mga cartoons.Mabilis lang yung pangyayari, akala ko nga sasagasaan nila ako sa dadaanan nila, yun pala sa kanang gilid ko sila dumaan.
Hindi ko na ikinuwento sa mga kasama ko yung pangyayaring yun. Pagkarating ko sa aming bahay sa Calamba, ikinonek ko agad yung helomoto phone ko sa 32" led tv at nireview yung video. Nandun pa yung nanay ko, kapatid kong babae at mga anak nya nung nag-play ako.
Nag-pause din ako sa parte na anlaki ng mukha nung isang duwende sa screen ng tv. Hindi ko na kinuha yung opinyon nila sa napanood nila kasi wala pa akong pake sa kababalaghan nung mga panahon na yan, pero naniniwala ako.Pagpunta ko sa kwarto ko, inopen ko yung desktop pc at inupload ko sa YT gamit yung unang YT channel ko. Sinave ko rin sya sa desktop. Sabi ko ay para may kopya ako.
November 17, 2007 — RH Muziklaban sa Marikina Sports Complex. Na-busy ako kaka-slam sa unahan malapit sa stage 😅. Nanakaw yung helomoto phone ko na naglalaman nung video file. Pero sabi ko, ok lang. Kasi nasa YT naman sya, at nasa PC ko rin.
Pag-uwi ko sa amin at chineck ko yung video, sa hindi ko na malamang dahilan ay nabura yung ala-ala ko ng yahoo mail, user, password at maging ng title nung file na inupload ko limang buwan lang ang nakaraan sa YT. Last option ay naka-save yung video file sa PC ko, pero wala rin yung file sa loob ng PC. Umabot na ako sa punto na ipina-check ko na yung hard disk sa isang espesyalista if ever ma-retrieve pa kung naging broken file sya. Wala talaga.. Na kahit magpasa-hanggang ngayon na 17 years na ay hindi ko parin maalala. Ginawa ko na ang lahat ng paraan, pero waley parin. Hanggang sinukuan ko na ang pagbabakasakali na yun.
Nito lang 2019 ko napatunayan na may kakayahan silang mga espiritu na pawalain ang mga ebidensya, kasama ang memorya nating mga tao. Naranasan ko yan dyan lang sa bandang Taft. 🤔
Yun lang po.
Salamat sa pagbabasa.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.