Daddy

84 0 0
                                    

Daddy

August 2008 namatay ang lola ko sa mother side, same month na parang naguumpisa nang mamayat at manghina ang daddy ko. My dad was a nurse way back nung 80's kaya hindi sya naniniwala sa mga kulam/tawas/suob etc. though kinalakihan namin magkapatid yung pagpapasuob dahil kay mommy.

So ayun nga naguumpisa na pumayat ang daddy ko, ang dami nyang nararamdaman like super init ng katawan especially sa likod nya.. kaya madalas nagpapalagay yun ng towel na binabad sa tubig na may yelo para lang mabawasan yung init. Kasi super init talaga nakakapaso at hindi yung init lagnat.. pakonti konti lumalaki na din yung tyan nya. So nagpapatingin sila kung saan saang ospital, kung kanikaninong doctor din sila napunta.

Nagkakaron sya ng tubig sa may tyan nya(di ko na alam anong part/organ) basta dinedrain nila. Nakailang biopcy rin pero negative talaga. Until isang doctor na daw sa PGH ang nagsabi sa kanila na wala daw talaga hindi nila makita kung saan nanggagaling yung tubig na dinedrain nila, tapos kung naniniwala daw sila sa manggagamot? I-try nila.

Ang mommy ko oo, pero si daddy hesitant sya. e wala naman daw mawawala kaya nagtry kami.

I do remember 1x na meron kaming pinuntahan pero hindi ako sure kung si daddy ba yung pinatingin namin doom or si lola. I cant remember the place na rin. Ang naaalala ko lang ang bayad ay isang kahang sigarilyo.

Ang natatandaan kong malinaw ay sa caloocan, september 2008, may bahay kaming pinuntahan doon. sa sala nila pinahiga si daddy sa sofa. tapos nakaupo kami don sa kabilang side, merong lalaki, siguro around 40s or 50s nung time na yun.. kalbuhin sya, bilugan ang mukha. Naupo sya sa single sofa sa may uluhan side ng daddy ko tapos nakapikit lang sya nakikipagkwentuhan kay daddy matagal din un na ganon lang sila. Then biglang umatras ung lalaki kasama ung sofa, naduwak duwak, nasusuka. Dumudura sya ng dugo sa sahig. tapos inabutan sya nga tabo ata yun or maliit na planggana basta color light green. Tapos biglang nagbago yung mukha nya. Hindi naman instant, pakonti konti nagbabago yung shaps ng face nya ska yung buhok. Ako mismo nakita ko kaya naamaze na natakot ako non. Yung naging kamukha nya kilala ko, kilala namin.
After non, gumanda ang pakiramdam ni daddy, umaliwalas yung mukha nya.
Umuwi kami ng laguna.

May mga pinupuntahan pa rin silang mangagamot ni mami, pero hindi kami kasama ng kapatid ko sila nalang 2 or kasama yung mga "bff" ni daddy.

Eto yung last, naikwento nalang to ni mami medyo huli na..
Sa katabing bayan lang may pinuntahan sila, ang sabi sa kanila kasama nila yung isang nagpapagawa. Nakabantay kaya magiingat sila. Then sinabihan sila na sa date na ganto bumalik sila doon, malalaman nila kung sino sino ang nagpagawa kay daddy.

So eto na, the day na dapat babalik sila sa mangagamot.

October 2008 Friday yon, papasok kami ng school ng kapatid ko, kailangan e, may recitation or parang exam ako noon sa chemistry dapat ng thursday na hindi natuloy gagawin friday. Bago kami umalis ng kapatid ko naririnig ko nagiiyak si mommy at daddy sa cr, nahihirapan na ang daddy. Kaya hindi na ako nagpaalam non kasi nagluluha na rin ang mata ko..

FF, nagulat ako nung makita ko yung kapitbahay namin sa hallway. Kinabahan ako, inexcuse nya kaming magkapatid sa school at pinauwi.. paguwi namin sa bahay nakikipagkwentuhan ang daddy kay mommy. Ang dami pang pinabibili noon gusto daw nya yung black gulaman sa chowking, bibilhan nya ng phone ang kapatid ko kasi matagal na nya inuungot yung nokia N70 pa noon..
Nasa kama ako sa left side ng daddy tabi ng wall, sa paanan is TV, sabi nya bakit daw bukas yung tv sayang ang kuryente.. e patay naman yung tv kaya sabi ng tito ko buhayin nalang daw saka patayin. Tapos nahingi sya ng tubig. Styro cup yung pinaglagyan so color white. Bakit daw ang dumi ng tubig bakit maputik. Nagtataka kaming lahat pinapalitan nalang ulit yung tubig.

Nung mahiga sya, ang dami nyang ibinibilin sa akin, maging malakas ako, alagaan ko ang mommy at ang kapatid ko ganyan.. tapos itinataas nya yung kamay nya sa ulo nya. Kaya nagumpisa akong umiyak kasi alam ko na, sign na yon na mawawala na sya. Ganon din kasi yung ginagawa ni lola nung bago sya mamatay. Kaya pinaalis muna nila kami.. dun daw muna kami sa isang kwarto.. sumunod naman kami. Mga ilang oras dumating yung pari. Pinagkukumpisal na nila si daddy.

Ang kwento ng mommy ko ang sabi ni daddy nung sabihin daw ni father na patawarin na sila ang sagot ni daddy, "hindi, ano yon ganon ganon nalang? Isasama ko sila".

Around 3pm, nasa kwarto kami ng kapatid ko biglang umiyak si mommy, Tumakbo kami papunta doon, wala na si daddy.

Tinabihan ko pa sya sa kama, pero sabi nila wag na wag ko daw matutuluan ng luha ang daddy kaya pinigilan ko ang pagiyak ko.. napansin din namin na lumiliit na yung tyan nya.. BTW hindi pantay ang laki ng tyan ng daddy ko tagilid sya isang side lang ang malaki.. nagpapantay yun nung mamatay na si daddy.

FF, 4thday na nakaburol si daddy nandon kami magpipinsan sa harap ng kabaong nya. Kasama si mommy at yung isa kong tita.. nagkwento ang tita ko sabi nya gantong araw nagiikot ikot pa ang kaluluwa ni daddy pero pabalik na din daw doon.. And parang yun ang cue biglang nagpatay buhay ang ilaw. So natakot kami nagtaas kami ng paa ng pinsan ko tapos tumakbo papasok yung tito ko sabi ano daw ginalaw namin. Sabi namin wala. Sabi ng tita ko pagalis ng tito ko natakot din daw yun..

anyway sa libing ni daddy sobrang daming tao, doon din kami idinaan sa gitnang kalsada kasi nandon ang ancestral house nila, hindi na kasi makakababa ang tita ng daddy dahil matanda na talaga.. pagtingin ko sa lola, sa itaas, umiiyak sya.. may posisyon din sya sa barangay namin. Matagal din sya nanilbihan at medyo kilala talaga kami.

Nung nakauwi na kami, ayan nanaman ang kwentuhan.. sabi ni mommy babalik daw sana sila nong araw na namatay si daddy sa mangagamot, kaso parang pinahirapan na talaga si daddy para hindi makabalik doon at ayun nga pinatay na rin nung araw na yon. Nasabi naman ng mangagamot kay mami kung sino sino, marami sila. Dala ng inggit at ambisyon sa posisyon.. nagumpisa daw yung panggagaway kay daddy mga katapusang ng July, may naipakain kay daddy na hindi nya alam. Kumbaga may itinanim sila sa katawan ng daddy ko. Kaya sya nagumpisa manghina, tabangan ng pagkain at mamayat. Ibinaon din daw ang picture ng daddy sa isang hukay at sa ibabaw noon nagpapabaga kaya sobrang init ng katawan ng daddy.. dahil kasama nila yunh isang "bff" ni daddy na nagchuchuchu sa kanila ng nangyayari nafeel nila na hindi na sila safe, tinuluyan nila si daddy para hindi na makabalik sa manggagamot.

Mula noon, parang taon taon isaisang namamatay or magkasakit ng malala ang mga nagpagaway sa daddy ko. Isa isa nya talaga isinama.. meron pa naman buhay ngayon pero sobrang hirap sa buhay.. yung business nila dati na dinadayo, wala bagsak talaga..

May dalawang tao na nakakita sa terrace ng bahay namin kay daddy, nakatayo tuwid na tuwid at yung isa nakapangalumbaba sa pasemano. Pero after mamatay ng karamihan, wala nang pinagpakitaan si daddy.

📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now