Unexplained Phenomenon

62 2 0
                                    

"Unexplained Phenomenon"

Di ko alam kung may mga reader din ba ditong nakakaexperience ng same naeexp ko. Sana may makapag explain sa comment section.. Thank you.

So ayun nga. Pansin ko kasi netong mga nagdaan, napapadalas na at nakakaewan narin isipin kung pano or ano ba talagang nangyayare sakin. Kada may maiisip or sasagi sa isip ko na tao, lalo yung mga out of nowhere bigla nalang pumasok sa isip ko, kahit sobrang random lang, di kaclose, or nadaanan ko lang sa news feed na fb friend na di ko naman kilala sa personal, tapos napaisip lang ako ng konti about sa taong yun, bigla bigla nalang sila magmemessage kahit wala naman akong kahit anong intensyon sa kanila. Pero mas madalas mangyare to, dun sa mga taong kusa ko lang naisip. bigla nalang ako makareceive ng chat galing sa kanila. Seconds or minutes lang pagitan. Di ko na mabilang kung ilang beses na tong nangyare. Pinakamabilis na nangyare to.. pagkaisip ko sa tao, parang 3 seconds lang, nagpop up agad yung chatheads at mukha niya yung andun. Netong nakaraang araw nga, may naalala akong kausap ko about sa inorder ko, pagkatapos at pagkatapos ko banggitin yung name, automatic nagchat mga 2seconds lang pagitan. sa haba ng oras sa buong maghapon sa mismong eksaktong timing pa talaga sia nakaisip magchat. 

May isa pang sobrang weird na ganap. Kada mag iscroll ako sa news feed (na bihira mangyare pwera nalang pag sobrang bored talaga) nagtataka ko kasi madalas, umuulit yung mga post na sure ako 100% nabasa ko na kundi last month, nung mga nagdaang month pa at may mga times pa nga na tawang tawa ko sa comment section or tamang basa lang ako ng iba't ibang pananaw ng bawat tao dun sa post kaya madalas, matandaan ko yung mga msgs ng comment nila, gif, emoji, or memes na nakalagay sa comment section. Pero ang pinagtataka ko, pagcheck ko ng oras, kundi 9hrs ago, 21 hrs ago palang napopost yung mismong post.. so babalik ako sa comment section para icheck dahil baka nirepost lang ulit.. kaso.. same din na halos kakacomment lang din ng mga tao dun sa post.

Baka may nakakaalam or makakapag explain dito kung ano ba talagang nangyayare.. aabangan ko nalang po sa comment section. Thank you so much.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now