Solano Ancestral House
Recently, nagOut-of-town kami ng anak ko at yng suking driver namin ang nagmaneho for us. Overnyt trip kami for Infanta via Tanay at medyo maaga kami umalis, pati pabalik. Para hindi antukin si Kuya Joel, pinilit ko rin di matulog at nakikipagkwentuhan ako sa kanya para alerto pa rin, lalo na't zigzag at very foggy yng daan.
Kalauna'y, napunta na kami sa mga lugar na narating nya dahil sa mga pinagda-drive nya. Hanggang sa naalala nya yng punta raw nila sa Solano, Nueva Vizcaya. Pamilya yng hinatid nya at dahil mahaba ang byahe, pinatulog muna sya bago bumalik ng Maynila. Sa isang ancestral home ng pamilya sila dumeretso, mala-mansion daw sa laki. Dahil nandun din ang mga kamag-anak para sumalubong sa mga balikbayan, punuan ang mga kwarto sa bahay. Kaya sa 3rd floor siya dinala dahil yun na lang ang bakante.
Maluwag yng taas na 3rd flr. Pwede nga living area ng isang buong pamilya. Kumpleto daw sa amenities - may sariling banyo na malakas ang tubig, may kitchenette area na pwede magluto at may sariling refrigerator altho di naka-plug. Dahil pagod at antok, nagpahinga raw sya agad pagkakain. Naririnig pa daw nya nagtatawanan at kwentuhan sa baba yng magkakamag-anak hanggang makatulog sya. Mahimbing daw ang tulog nya at medyo napahaba pa nga. Nagising daw sya dis-oras ng gabi tahimik na ang paligid, except dun sa tunog ng tubig. Parang may nagsa-shower sa banyo. Maya2x, nagsara pinto ng CR pero yng sa kusina naman nagbukas...parang naghuhugas. Malakas yng pressure nung tubig, kaya rinig mo yng buga mula sa gripo. Altho nakakapagtaka at maingay, itinulog na lang ni Kuya uli. Kinaumagahan, habang nagaalmusal, tinanong nya dun sa may-ari ng bahay kung may dumating pa bang iba at naligo pagkadating. Wala naman daw, sagot ni Manong na pinaka-nakatatandang kapatid. "E, sino yng naliligo kagabi? Ang ingay nga ng buga ng gripo..." Napatingin si Manong sa kanya at nagtataka, "Kuya, wlang iba dumating after nyo...wla ka rin ibang kasama sa 3rd flr kasi gusto ng mga pinsan at pamangkin ko magkakasama dito sa baba." Sandali pa at nagpahabol si Manong, "pero dun kasi sa taas nakatira yng Mother namin dati...dun din sya namatay a few months ago."
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.