Admin. Building
73 years na mula ng maitatag ang school kung saan ako nagwowork ngayon. Maraming kwentong kababalaghan na rin ang nababanggit ng mga estudyante at maging ng mga empleyadong nagtatrabaho dito.
Year 2017 ng magtransfer ako mula sa Manila pauwi ng probinsya namin. Bilang bagong empleyado, wala akong masyadong kilala dahil sa ibang bayan naman ang hometown ko, 1-2 hours ang byahe mula sa aming lugar.Antukin ako sa mga unang buwan ng pagbubuntis ko kaya nakagawian kong magpower nap tuwing lunch break sa dulong office kung saan nandun ang conference room. May dalawang sofa doon na aming tinutulugan at minsan ay mag-isa lang akong natutulog dun. Isang beses ay napahimbing ang tulog ko at di ko namalayan ang oras. Nanaginip ako na may anino ng lalaki sa paanan ng sofa kung saan ako nakahiga. Tiningnan ko syang mabuti, parang sa pagtingin ko ay lumilinaw ang itsura nya at tila nakangiti sa akin. Nakatitig ako ng matagal sa kanya kaya natandaan ko yung mukha nya. Biglang may gumising sa akin at sinabing late na ako kaya biglang napabangon ako. Tinanong ko yung nanggising sa akin kung kaninong office yung room na tinutulugan namin. Sabi nya "sa dating president po ito ng school na namayapa na." Kinilabutan ako at agad kong pinadescribe sa kanya yung itsura ng pres na sinasabi nya at kung anong itsura ng description nya ay yun din yung nakita ko sa panaginip. Inassume ko na lang na winewelcome ako ni sir kasi nakangiti naman sya sa panaginip ko. May mga nakapagkwento sa akin na madalas nilang nakikita ang anino ni sir na naglalakad sa may hagdan ng building at sa dulong office kung saan kami natutulog pag lunch break. May isang empleyado naman ang nakikitang nakatayo si sir sa harap ng building kahit matagal na itong wala.
----
Minsan ay naiwan akong mag-isa sa office. Akala ko bumalik na ang mga kasama ko kasi dinig na dinig kong may umupo sa swivel chair. Hindi naman mag-iingay ang swivel chair ng walang weight kaya akala ko talaga bumalik na sila. Napatingin ako sa upuan,pero wala naman palang tao. Nanindig ang balahibo ko at tumakbo sa takot. Bigla na lang din nagpprint ang printer na wala namang nagprint (inassume na lang namin na may naiwang files na di agad naprint siguro). May times din na biglang bumubukas ang pinto sa office namin kahit wala namang tao. Nagbibiruan pa nga kami ng mga kasama ko tuwing nangyayari yun at sabay-sabay sinasabing "sino yan? Yes,anong kailangan?"
Tuwing nafefeel namin ang presence nila ay nagsisindi kami ng kandila at nagdarasal.
---
2nd floor ang office namin at ang common CR ay nasa 1st floor. Mas madalas kaming makaramdam sa CR dahil na rin siguro may malaking mirror dun at ang likod ay maraming puno. Sa CR ay may 3 cubicles at favorite ko ang gitna or unang cubicle. Bihira or pag no choice lang,saka ako nagCCR sa dulong cubicle. Madalas kasi ay parang occupied sya. May biglang nagbubukas ng gripo,pero paglabas mo ng cubicle wala palang tao sa dulo. May times naman na may naririnig akong umiiyak sa dulo kaya di ko magawang dun magCR talaga. Worst na naexperience ko eh mag-isa lang ako nagCR that time pero biglang nagsara yung 2 cubicle. Paglabas ko sinilip ko kung may tao pero wala naman pala at wala rin ako natanaw na dumang paa. Yung CR kasi hallow yung sa babang pinto ng cubicle kaya kita mo kung may dadaan.
Minsan ay bumaba ang kasama ko para magCR at tumatakbo syang bumalik sa office. Nakita nya pala yung batang multo sa dulong cubicle na binansagan nilang si "Heart." Mapaglaro si Heart, madalas umaakyat din sya sa 2nd floor at kung saan-saang office nararamdaman. Madalas ay sa mga dulong opisina sya nagagawi kung saan medyo madilim. Active sya tuwing umuulan kasi yun yung time na maraming nakakakita at nakakaramdam sa kanya. Minsan ay anino form,may times na parang totoong bata naman sya kasi pag nakikita nilang naglalaro ay parang totoong bata na biglang nawawala. Madalas ginagabi ako sa office at pag naiihi na ako,nagpapatugtog ako sa cellphone para di nya ako gambalain, pero one time nagulat ako sa isang pusa na malapit sa CR.Pagpasok at paglabas ko ang tagal nyang nakatingin sa dulo ng CR na para bang may nakikita sya, kinilabutan ako at biglang tumakbo ang pusa sa dulong cubicle na parang may hinahabol,napatakbo din ako paakyat para magsara ng office at umuwi.
---
May times na may nakakita sa isang office ng maitim na anino na bumababa mula sa ilaw
at nangangamoy mabaho. Meron ding nakuhanan ng picture na mga entities habang nagseselfie ang isang empleyado. Sabi nya ay magtitiktok lang daw sana sya kaya lang ay may napansin syang ibang kasama sa picture kaya napatigil sya. Sa mga dorms na malapit sa building na ito ay di rin nakaliligtas sa mga ganitong pangyayari dahil mas madalas dun ang mas nakakakilabot. May mga students na nakikita ng pugot na ulo, lumilipad na apoy, doppelganger at white and black lady.
Ang buong school naman ay pinabebless tuwing anniversary at pag may bagong building na itinatayo, nagcoconduct din ng Monthly mass at pag may mga events. Siguro ay hindi sila basta-bastang mawawala kasi mas nauna na sila dito, pero mas naniniwala pa rin akong mas makapangyarihan ang Lumikha at ang pagdarasal.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.