Third Eye or Not?

471 9 0
                                    

Third Eye or Not?

Hello Spookify! Sana mapost din ang story ko sa tagal kong reader and sa 29 years ng existence ko now ko lang talaga naisip i-share to may gusto ako malaman through opinions ng iba. Di ako magaling magkwento pero susubukan ko iayos to. May nabasa kasi akong story dito about third-eye experience. So that made me so curious if possible ba na i have it or baka assumera lang ako! 😅

Tawagin niyo nalang ako 'Faye'. Back in 2003 nakatira kami sa western bicutan nangungupahan lang kami dito, umaga yon mga bandang 8 o 9 ng umaga tapos inutusan ako ng mama ko bumili sa tindahan. Yung lugar namin paglabas mo ng gate e main road na meaning daanan ng sasakyan, pero sa tawid non parang private park siya pero accessible at may mga puno but since tabing kalsada meaning mausok. Nung nabili ako sa tindahan tapos inaantay ko ibigay yung binili ko napatingin o napatingala ako sa puno di ko alam if baka guni guni ko lang o baka dahil kakagising gising ko lang o dala ng mga usok ng sasakyan pero nakakita ako ng full form shape na puting babae na pag lalo tinitignan ng matagal e lumilinaw lahat na nung una e blurry mga ilang segundo ako napatigil tapos nakatitig pero randam ko yung unti-unting bumilbilis kabog ng dibdib ko kasi nga unti unting lumilinaw yung nakikita ko pero bago pa ko tuluyang matakot pumikit ako ng panandalian pero pagdilat ko nawala. sa isip ko baka guni guni ko lang I was 9 years old that time.

Fast forward, In 2005 lumipat kami ng lugar same city pa rin pero different brgy. na but this time yung bahay namin e samin na pero rights pa lang. Nung lumipat kami sa lugar na to di pa siya ganon kaayos ang layo niya sa itsura before ngayon dati kase yung kalsada lupa lang na pag umulan maputik walang mga poste ng ilaw tapos dati may mga puno pa ng mangga. Yung bahay pa namin non barong-barong lang, yung gawa sa kahoy pero tagpi-tagpi tapos wala pang source ng ilaw kasi nga wala pa dating meralco sa area akala mo nasa probinsya. Fast forward, napaayos na namin ang bahay kahit paano, at may anak na ako ngayon, nung 3 years old ung baby ko mahilig kasi yun magtatakbo or akyat baba sa hagdan so madalas non siya talaga promotor ng ingay yung hagdanan namin yari sa narra so pag may nababa regardless kung mabigat na yabag or mahinang yabag e maririnig mo, so pag naakyat baby ko non or nababa siya o natakbo sa hallway kasi naglalaro nariring namin one time pa nga tinatawag namin if sya ba yon or hindi kasi minsan nakakarinig kami ng ingay pero wala siya sa taas minsan naman napapatingin pa kami sa hagdan kasi parang may nababa kasi may tunog na tatlong beses na yabag pero pagtingin wala naman as in 3 beses na yabag lang. Minsan naman parang me batang natakbo sa hallway pero wala naman tao yung pakiramdam na may nababa pero paglingon mo wala naman. Malaki na  nga pala yung anak ko 12 years old na pero yung presence is andon pa rin. I consider it harmless kasi di naman siya nanakit or what. Sabi ng mama ko mayroon daw talaga not sure if nakikita nya or nafifeel nya lang rin, kasi before nagpractice or should i say may nagturo ng healing kay mama like 'pangtatawas' kung tawagin ang kaso binitawan nya rin kasi ayaw nya mag aral ng 'black magic' or 'pangkukulam', nga pala yung mama ko comes from family na albularyo, kasi yung tatay niya mismo ganon so parang di na ko nagulat kung bakit mabilis natuto mama ko sadyang di lang nya in-embrace yun, nung tinanong ko sabi nya lang kasi mahal nya daw kami. Hanggang ngayon maligalig pa rin yung alaga namin pero may time lang na super makulit sya like gusto nya lang ipaalam na nageexist din siya hahaha di naman na ako natatakot besides di ko pa naman nakikita siya in a form its more of a feeling and hearing lang talaga pero possible ba na half-open ang so called 'third-eye' ko? o sadyang assumera lang ako I only happen to see something creepy once nung 9 years old ako pero di ko sure if ano ba nakita ko at dinedma ko lang din as my life goes on  🤣😅 what are your thoughts?

Faye


📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now