22nd Floor

59 1 0
                                    

“22nd Floor”

Hi, Avid reader ako dito, and First time ko lang mag share ng first ever creepy experience ko na nangyare kaninang past 3p.m.

Nag wowork po ako as an “Agent” on a sales company.
And as an agent kasama po sa work namin ang mag field, magpunta sa ibat ibang lugar para ma introduce ang aming products and makipag meet sa malalaking companies.
Meron po akong client sa Taguig, isang kilalang courier dito sa pilipinas.
May meeting ako sa kanila kanina, after that usually sasakay na ako ng elevator para bumaba, nasa 11th floor kc yung office nila.
Tatlong elevator po kasi yung magkakahelera, yung unang elevator is nilagpasan ko kasi parang may narinig akong something na umiiyak, at hindi ko na pinansin kung ano pa man yun, kaya sa pangalawang elevator ako sumakay.
Wala akong kasabay pababa, pinindot ko yung Groundfloor, after ng pag pindot ko, tumingin muna sa cellphone ko to check baka may nag message na clients etc., ilang floor pa lang ang nalagpasan pero bumukas agad ang pinto, pag ka open niya sobrang dilim ng floor na yun ang tanging ilaw lang ay yung galing sa elevator, ang kinagulat ko pa sa tapat ng elevator na kinatatayuan ko eh meron pong mahabang lamesa na parang katulad po sa mga mansion, sobrang creepy ng awra nung oras na yon at tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko, kahit may aircon yung elevator at building sobrang pawis na pawis ako.. Binilisan kong pindutin yung close button, at nagulat ako ng makita kong nasa 22nd floor ako. Imposibleng napunta ako sa 22nd flr ng napakabilis galing sa 11th flr. Kaya naman habang nasa loob ako ng elevator, sobrang paranoid ko na baka kada flr mag open yung elevator, at sa wakas naman ay napunta akong Groundfloor ng walang naka sabay na kahit isa.. Pagdating ko sa reception, pawis na pawis ako at nanginginig sa trauma na dala ng 22nd floor.

First time ko lang tong na experience sa Building na to na ilang beses ko ng napuntahan, at yun na siguro yung pinaka nkakatakot na experience ko sa pagsakay ng elevator.. Salamat sa pag basa po ng experience na to. Gusto ko lang ma ishare sa mga mahilig sa horror stories po 🙂


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now