Boardmate
Edit: Naka-post na po yung video sa comments section.
Taong 2019, ako ay nangungupahan ng isang room malapit sa Makati Ave. Ang kwarto ko ay maliit lamang at may isang single double deck. Sa aming floor (1st floor) ay may tatlong kwarto na plywood ang pagitan. I share this room with my officemate at ako ang nasa itaas na bed. Taong 2019 rin nang malaman ko na buntis pala ako. Ilang araw matapos kong malaman na buntis ako, biglang sumakit ang puson ko. Yung tipong sakit na akala mo ay may dysmenorrhea ako. Ang sabi ng kakilala ko, hindi daw normal ang ganitong sakit ng tiyan kapag nagbubuntis, kaya naman nag-absent ako ng araw na iyon upang magpahinga dahil baka kaya sumasakit ang puson ko ay dahil araw-araw akong naglalakad mula dorm hanggang office. Nakatulog ako ng umaga at pag-gising ko nga ay may narinig akong kumakatok sa kisame ng aking kwarto sa may bandang ulunan. At dahil nga nasa taas na bed ako, rinig na rinig ko iyon. Dahan dahan na pagkatok, isa, dalawa, tatlong beses. Pinagsa walang bahala ko na lamang yon at iniisip na baka may ginagawa lang yung mga tao sa 2nd floor. Umikot ako ng higa at dun na ako umulo sa dating paanan ko (sorry kung magulo. Hehe) maya maya pa, may narinig na naman akong katok at parang sinusundan ako nito dahil ang katok ay nasa may parteng ulunan ko na naman. Dito na ako kinabahan dahil naalala ko ang sinasabi ng mga nakatatanda na ang fetus ay napakabango para sa mga aswang. May parte sa isip ko na ayaw maniwala dahil nasa city ako. Paano naman makakapunta ang aswang dito? At dahil nga sa takot, lumabas ako ng bahay para bumili sa tindahan ng asin at bawang bilang pangontra. Pagbalik ko sa aking kwarto, itinabi ko sa higaan ko ang bawang at asin, at nakatulog na naman ako. Nang magising ako ng hapon, narinig ko na parang may tumutuklap ng plywood na pader ng aking kwarto. Malakas ang tunog at tipong tinutuklap nya layer by layer yung plywood. Dito na ako natakot at nagmura ako.
“P*t*ng*n* mo, layuan mo kami ng anak ko! P*t*ng*n* mo ka pag nalaman ko kung sino ka papatayin kita!”
Sabi ng Lolo ko noon na kapag minura mo daw ang aswang ay matatakot ito at aalis. After nito, umalis ako sa bahay para intayin na lang ang roommate ko para may kasama na ako sa kwarto.
Kinabukasan, naghakot na ako ng gamit para umalis sa dorm ko at sumama sa apartment ng boyfriend ko. Pero… hindi lang pala ako ang aalis. Dahil nakita kong naghahakot na rin ng gamit ang girlfriend ng anak ng landlady ko.
Nung nagtanong ako sa landlady, “Kanino pong gamit ito, Tita?”
Sumagot ito ng, “Ah, sa girlfriend ng anak ko yan. Uuwi na daw sa probinsya nila.” At ang sinabing probinsya ng landlady ko ay isang probinsya kung saan kilala ng karamihan na maraming aswang.
PS: Nung naikwento ko ito sa nanay ng boyfriend ko, sinabi nya na nung pingabbuntis rin nya ang boyfriend ko noon ay inaaswang rin daw sya.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.