Bahay ng Parents

209 6 0
                                    

Hello po admin sana po ma-approve po since di ko na rin alam ano gagawin ko.

Kwento ko po muna ung experience ko sa bahay ng parents ko simula nung dun pa ko sakanila nakatira at hindi pa nag aasawa. Siguro mga 2010 kami lumipat ng parents ko at kapatid ko sa bahay na 'to. Usual na apartment lang sya, up and down unit tapos nasa loob ng maliit na compound. Oks naman ung vibe, like pweds na sa small family gaya ng family namin. (Ako, parents ko tsaka yung kapatid kong bunso) tapos sa katabing unit namin yung kapatid ng papa ko tsaka ung asawa at anak nya.

Okay naman nung una, pero makalipas siguro ng ilang linggo, nakakarinig na kami ng footsteps na naakyat or nababa ng hagdan. Gawa sa kahoy ung hagdan kaya rinig mo talaga if may nababa or naakyat. Nung una, natatakot kami, pero nakasanayan nalang din since di naman nagpapakita or nananakit..

Year 2018 - mag aasawa nako, so bumukod na kami ng partner ko. Since then, wala na ko balita or di na rin namin napagkukwentuhan ng mom ko ung tungkol dun.

This year 2023 - may isa nakong anak. 4 years old. Bumalik kami sa bahay ng parents ko para sana makapag ipon at makahelp financially sa mom ko since sya na lang at ung kapatid ko nakatira sa bahay (nangibang bahay na kasi si papa) kakalipat lang namin sa bahay ng mom ko, tapos days after namin makalipat, habang nag aalmusal kami ng nanay ko around 7am, narinig namin na may nababa sa hagdan. So akala ko ung anak ko since mabigat ung pagbaba baka kako gising na. Mga 1 min kami nakatingin sa hagdan para sana icheck kung sino bababa pero walang bata or kahit na sino. Nagkatinginan kami ng nanay ko tapos eto ung sabi ko:

Ako: mi, andito pa din pala ung naakyat at nababa noh? Tagal na nyan dito.

Mom: naku, matagal na yang nawala nung wala ka, ewan ko ba nung bumalik ka andito nanaman yan mas lumakas pa nga ung mga yabag nyan.

- so natakot ako pero at the same time, hinayaan ko nalang. Then last week, may lagnat anak ko at ubo. So pinacheck up namin sya sa pedia. Wala naman nakita na something so baka viral infection lang, niresetahan kami ng gamot at nag antibiotic para sa cough..

Ngayon, mauubos na yung antibiotic wala pa rin progress yung kalagayan ng anak ko. Nagkaka sinat sya, ung ubo nya ganun pa din pero ang pinagtataka namin, sinasabi nya paulit ulit sa mom ko na may tao daw sa labas ng pinto ng kwarto namin which is kapag binuksan mo, small space lng tapos hagdan na. Pilit nyang sinasabi na may paa dw na nakatayo sa labas ng pinto.

Tapos another instance naman is, sinasabi nya sa mom ko na may "visitor" dw kami. 2 old people. Wala syang sinasabi if babae ba or lalaki. Basta sinasabi nya lang 2 old people, our visitor, na palagi dw nasa hagdanan namin. Tinry ko ipakita ung old pictures ng parents ng mom ko, pero hindi dw yun.

Any suggestions ka LTP? Habang tinatype ko to buhat ko ung anak ko, kasi masama pa rin ung pakiramdam at nakatitig lang sya dun sa may pinto papunta sa hagdan.

Thank you admin. ♥️



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now