We lived in a Haunted House for 12 years

106 1 0
                                    

We lived in a Haunted House for 12 years

You heard it right, way back early 2000 we lived in a haunted house. Family members and friends experienced unexplained/paranormal events sa house na yun. FYI, Wala samin magkakapatid ang may 3rd eye, it’s just that talagang active lang ang events sa bahay.

Year 2004, work day. Nag carpool kami ng mga officemates ko, ako ang unang dinadaanan ng officemate ko na itago nalang natin sa kanyang tunay na pangalang Ben 😁 since ako ang mas malapit. Ben is a very rational person, hindi sya naniniwala sa paranormal, for him, may logical explanation any lahat.

But one day, medyo late ako nagising so nagmamadali ako mag shower and while brushing my teeth, narinig ko na bumubusina na si Ben.

So nagsabi ako sa kasambahay namin nun na sabihan si Ben na pumasok muna kasi magbibihis palang ako. Tumigil naman ang pag busina ni Ben, pero habang nagbibihis ako napapansin ko na bumubusina na ulit then hihinto. Naisip ko na baka di nasabihan ng kasambahay namin since sa pag aalaga ng mga aso sya talaga nakatutok. Palabas nako ng gate ng bumusina na naman si Ben, kaya binilisan ko ang paglalakad.

Paglabas ko ng gate at pagbukas ko na pinto ng kotse nya, gulat na gulat ang itsura ni Ben, na parang namumutla.

Me: sorry pare, na late ako ng gising.
Ben: (gulat at namumutla) pare may multo ba sa bahay nyo?
Me: bakit?

Tinuro ni Ben ang terrace na located sa taas ng garahe namin.

Ben: pare, pagdating ko palang dito nakita na kita nakasilip dun sa terrace nyo. Akala ko nagyoyosi ka lang kaya binubusinahan na kita. Bigla ka nawawala kaya akala ko ba baba ka na. Pero babalik ka tapos nakatingin ka lang sakin, kala ko nang aasar ka lang kaya busina ako ng busina. Basta paulit ulit mo ginagawa, tapos talagang naka dungaw ka pa sakin dun ng bigla ka nalang lumabas ng gate nyo, pagtingin ko sa terrace ulit, wala ka na dun.

Pero bago ka lumabas eh talagang nakatingin ka sakin dun sa terrace na parang nag aasar.

Simula nun, everytime na dadaanan nya ako, lagi nya tinatanong kung ako ba talaga ang papasok ng kotse nya.

Mag kwento pako ng mga experiences namin sa bahay na yun next time.

---------

We lived in a Haunted House for 12 years
#2 (a short bedtime story)

So this one is a story of my brother. Dahil lurker lang sya dito, ako na magkwento sa pagkakaalala ko ng story na to, so here it goes.

Year 2006, night time. Inaantok na yung brother ko, so his usual routine of listening to music para makatulog, earphones and mp3 player pa ang gamit nun 🙂. Even though madami na kami experiences sa bahay na to, parang nakasanayan na namin, hindi na kami masyado natatakot. So solo lang sya natutulog sa kwarto nya.

Kasarapan na ng tulog nya ng may marinig syang ingay, so nagising sya and observed yung ingay na naririnig nya, it was a tapping sound. Hindi sya ganun kalakas pero enough para magising sya. Madilim since patay ang ilaw, tumingin sya sa paanan ng kama nya, nakita nya yung anak ko, that time mga 5 years old palang.

To give you guys a background, mataas na talaga grado ng mata ng brother ko, I think nasa 400+ na both eyes nya during that time, so pag wala syang contact lenses or eyeglasses, and nagkataon kakagising lang nya and madilim pa sa room nya, eh alam nyo na.

So akala nya anak ko, kasi lalaki yung naaninag nya and may hawak na hanger(ng damit) na ginagamit na  pang hampas yung post ng kama nya na parang naglalaro. Sasawayin nya dapat yung akala nyang pamangkin nya pero before nya pa magawa yun, tumingin sa kanya yung bata, although hindi nya makita yung details ng mukha dahil madilim, alam nyang tumingin sa kanya dahil sa position ng ulo… tumigil to sa pag palo sa kama nya, tumalikod at naglakad papuntang pinto…

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now