PIPILIIN MO PA BANG MATULOG?

382 5 0
                                    

PIPILIIN MO PA BANG MATULOG?

Hello Spookifiers na lumilipad sa gabi CHAR! Isa ako sa mga avid reader ng spookify since high school 2012, natatandaan ko pa na na-discover ko ang page nato dahil sa isa kong kaibigan nung high school kaya mula noon ay nahilig nako na magbasa dito hanggang sa ngayon na active na ulit ang page.

So let's start the main entry of this story. I am 12 years old that time (Grade 7) sa isang Catholic School, an active choir member and leader sa Marian Club (all about religion). There was this day  na hindi ko makalimutan hanggang ngayon, mahimbing akong natutulog non tandang tanda ko pa na naka higa ako sa kama ng mag-isa, alas 6:00 na ng hapon that time dahil galing akong school at 4:30 pm ng mag decide ako na matulog muna habang nag a-antay ng kasama sa bahay. Ang nagseseparate ng kwarto namin sa sala before ay kurtin lang, sa loob ng kwarto pagpasok mo, sa kaliwang bahagi ay makikita mo ang dalawang kama na pinagdikit. Sa tapat ng kama sa may bandang paanan ay makikita mo naman yung lumang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit. Ang style pa noon ng cabinet ay kahoy, mayroong salamin sa loob at may sampayan ng mga bestida at uniform. Nung oras nayon ay sobrang makatotohanan talaga ng panag-inip ko, nag umpisa iyon sa inggay na naririnig ko mula sa kalsada na malapit sa bahay. Ang bahay namin ay nasa pinakadulong bahagi ng eskinita papuntang kalsada, dahil wala akong kasama sa bahay at na curios ako sinubukan kong puntahan at silipin ang nangyayari, nakita ko si Mama, Papa, kapatid ko, at isang kong pinsan na nakiki-usyoso doon sa kalsada. Sa pagkakataong yun ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit sa kanila, nakita ko ang isang patay na hindi ko matukoy kung babae o lalaki dahil ang kulay niya mula ulo hanggang paa ay itim na lang na parang sunog na katawan at naka talungko. After kong makita yun bumaba na agad ako at nagtago sa isang poste dahil narin sa takot, maya-maya ng sumilip ako nakita ko na bitbit na ni Mama yung bangkay at pababa sila sa eskinita patungo sa bahay. Ff, nakarating na sila sa bahay na bitbit parin yung bangkay at sa pagkakataong yun ay nakapag tago na ako sa kwarto ng bigla namang inilagay sa ibabaw ng cabinet na damitan namin yung bangkay. Nanginginig at takot na takot na ako non at hindi na makagalaw dahil kung sakaling lalabas ako ng kwarto madadaanan at madadaanan ko yung bangkay. Hindi talaga tinanggal yun ni Mama at hinayaan lang doon hanggang sa magising na lang akong pawis na pawis dahil tinawag na ako ni Mama para kumain ng hapunan. Tumagal ng halos isang linggo bago ko makalimutan ang pangyayaring iyon.

Makalipas ang tatlong linggo, naulit nanaman ang pangyayaring iyon pero sa pagkakataong ito, hindi na siya panag-inip. Nagising ako sa inggay ng mga tao sa kalsada at kung ano ang posisyon ng mga nakita kong tao sa aking panag-inip ay siya ring nakita ko sa personal ngayon. Dahil alam ko na nga at napagtanto na ito ang pangyayari sa panag-inip ko, hindi na ako umakyat sa kalsada at nanatili na lang na nakatago sa may poste. Ilang minuto lang ang nakalipas at umuwi narin ako sa bahay at nagkulong sa kwarto hanggang sa makababa sila Mama ng sa awa ng diyos ay walang bitbit na bangkay. Nakahinga ako ng maayos noon at nagtanong kung ano ang nangyari, ikinuwento sa akin na mayroong lalaking tricycle driver ang dumausdos sa kalsada dahil ito ay binaril sa ulo dahil napagkamalang nagdodroga . Mula noon ay hindi ako nakakatulog ng maayos na tumagal ng isang buwan, marami pa akong karanasan na kakaiba na talagang nangyayari sa totoong buhay. Pero mula ng ako ay tumuntong ng Grade 11 ay hindi ko na ito muli pang naranasan na talaga namang ipinagpapasalamat ko.

Kaya gusto kong ipa-alala sa inyo na wag niyo nang hilingin na maranasan ang mga ganitong bagay dahil baka hindi ninyo kayanin. Sana ay magkaroon pa ako ng pagkakataon na makapag share muli ng iba ko pang karanasan dito sa page. Sana ay naintindihan niyo yung aking kwento. Babush.

Ttalgi



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now