This story happened sa ate ko year 2018. Nag tatrabaho sa barko asawa niya and may 3 silang anak. That time, they're together for 18 years already. They were really a happy family kaya everyone was shocked nung nangyari to.
Every 8 months umuuwi si kuya (asawa ni ate) dito sa pilipinas, but this time, something was wrong. Tahimik lang daw siya sa bahay, ni hindi kinakausap si ate or mga anak niya. Everything was weird. Lagi talagang tulala and gusto laging umalis. Ate said parang hindi niya kilala si kuya nung umuwi. Sa 18 years nila, that time lang niya naramdaman to.
Ate tried to investigate, meron siya kakilala sa isang phone company na marunong mag track ng calls. Meron isang number na laging tinatawagan ni kuya. Naisip agad ni ate na baka babae ni kuya yun so ang ginawa ni ate, yung phone number naman nung babae yung pina investigate niya and tinry niya tawagan yung isang phone number na nakita niya. A guy answered and at that moment, ate confirmed na may babae si kuya and yung lalaki na sumagot is asawa nung babae. Sinabi niya lahat ng nalaman niya kay kuya pero si kuya, blanko lang. Hindi ma explain ni ate pero yung feeling na kaya siya p*t*y*n ni kuya para makita lang yung babae.
Fast forward, nakaalis na ulit si kuya and hindi na alam ni ate gagawin, para talagang hopeless case na. Nung saktong kakaalis lang ni kuya, may mga anonymous na nag susumbong kay ate about kay kuya sa barko. Tinanong pa nga daw nila kung naniniwala si ate sa gayuma kasi kung oo, mag hanap na siya ng albularyo or something. Then naalala ni ate meron kaming family friend na may kilala na nag tatawas or parang clairvoyant sa bandang binondo. Pag dating nila dun, wala pa binabanggit si ate pero si lola na clairvoyant said na may ibang babae nga and she asked ate to do something and kung walang mangyare, wala na siyang magagawa. Lola said pag dating ng tuesday, mag alay daw ng bilog na chocolates, skyflakes, coke and mag sindi ng kandila dun sa puno sa likod ng bahay nila around 11am to 4pm pero dapat before 4pm done na and kainin daw dapat niya yung inalay niya. Sabi kasi nung lola pag nagawa daw ni ate to, pupuntahan niya daw kung nasan man si kuya kasama nung mga entities (mababait naman daw) na nakita ni lola sa puno kung saan nag alay si ate.
Kinagabihan that day, tawag ng tawag si kuya kay ate. Nung sinagot ni ate, iyak ng iyak si kuya and sorry ng sorry. Hindi niya daw alam bakit niya nagawa yun and kung pano nangyare. Para sa family ni ate, pinag bigyan niya si kuya pero halos ilang buwan daw masama pakiramdam ni kuya sa barko, parang may something daw sakanya na hindi niya maintindihan. Si kuya pa mismo nag sabi na gusto niya magpa tawas kasi iba talaga nararamdaman niya. Inisip ni ate, baka nga gayuma yun and nilalaban pa din nung babae.
2024 na and everyting went well naman and hindi na naulit yung nangyare. Ate is okay naman na pero hindi pa din niya makalimutan lahat but we still don't know kung gayuma ba talaga yun or hindi.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.