PINALITAN NG SAGING ANG KATAWAN NI TITA

339 6 0
                                    

PINALITAN NG SAGING ANG KATAWAN NI TITA

⚠️⚠️⚠️

balikan natin ang taong 1879 panahon papo nila mama ko.. Tatlo silang mag pipinsan si mama si tita salva at si tita goreng, parehas sila ng paaralan na pinapasukan at magkakalapit bahay din po sila ito pala ay nangyari sa Camarines Sur. Hindi uso noon sa estudyante ang sumakay dahil nga sa kahirapan ng buhay noon maswerte nga daw ang new generation ngayon eh.
Lagi silang mag kakasabay umuwi at lagi silang tatlo ang magkakasabay hanggang sa isang Hapon nangyari eto.

pauwi na sila bagamat pagod ay wala silang magawa dahil walang pamasahe idinadaan nalang nila eto sa kwentuhan  at asaran napasobra ata ay hindi na nila napansin na nawala sa tabi nila si tita goreng.
-oh asan na si goreng kanina andito lang sya sa tabi ko ah-sabi ni mama
-ay malay ko puro kasi tayo katuwaan eh. hayaan muna at baka sinundo ng itay nya at hindi lang natin napansin kakatawa -pasagot ni Tita salva
nagpatuloy lang sila sa paglakad hanggang sa makauwi dumeretso muna si mama sa bahay nila tita goreng para makasigurado.
-tiyo nakauwi nba si goreng
-ay hindi pa ineng akala koba mag kakasabay kayo umuwi
-oo nga po tiyo, hindi nyo po ba sya sinundo, nakakapagtaka po eh nawala po sya sa tabi namin kanina
-hindi ineng inasikaso ko ang kalabaw sa bukid eh, hayaan mo at papuntahin konalng sa bahay ninyo mamaya -sagot ni tiyo
-sige tiyo salamat.
nang gabing iyon ay naghintay si mama pero walang goreng na nagpakita.
kinaumagahan nagtaka ang mama at tita salva kung bakit hindi pumasok si tita goreng kaya napagdesisyunan na pu-puntahan nila mamaya si tita gorreng. nang uuwi na sila gaya nang dati lakad lang ang tanging daan para makauwi sila sa kalagitnaan ng pag lalakad nila mama at tita salva nakita nila ang ipit sa buhok ni tita goreng malapit sa punso!
-o kay goreng ito tama ba eto daw yung regalo sakanya ni inay mo salva!
-oo tama ka pero pano napunta dyaan iyan
-hindi ko alam tara na at ibigay nalang nating kay goreng -usapan nilang dalwa
nang makauwi na sila ay sinalubong agad sila ng itay ni tita goreng.. hinahanap ng itay nya ang nawawala nilang pinsan at nag tataka kung bakit hindi pa nauwi sumagot nalang silang hindi din po namin alam. ngayong napag alamng dipa nakakauwi ang pinsan nila napagdesisyunan na umuwi na
2dys past
nabigla si mama ng sumigaw si tita salva mula sa labas ng bahay kubo nila.
lenda! lenda nakauwi na si goreng!! -pasigaw na sabi ni tita salva
patakbo na lumabas si mama patungo sa pinsan nya..
kinausap nila ito pero hindi nagsasalita parang pagod na pagod at pag dating doun ay agad nahiga at nakatulog

2dys past ulit

nagising si mama dahil napaka ingay sa labas tinungo nya ito at laking gulat nya ng patay na ang tita goreng nag simula nang bumuhos ang luha nya at nag tanong 'kahapon sinusubukan ko syang kausapin at pakainin hindi nya ako pinapansin ngunit makalaunan may sinabi sya . umiyak sya at pinagpatuloy.. nagsalita sya at sabi nya mayaman ako duon itay lahat ng kagamitan ginto sinama nila ako roon at ako ang reyna nila hindi kana maghihirp itay. nagulat at naguluhan ako pero kumalma parin ako khit alamn kong may mali sagot ng itay ni tita goreng

sa mga ganoong pag kakataon ay alam na ng matatanda ang nangyari

nagpatuloy pa sa pagsabi ang itay ni tita goreng. "kumain kaba ng inihain nila sayo? " sumagot ang tita -oo itay nakakatuwa pala at may kanin silang itim napabuhos ang luha ng tiyoin ni mama ang huling salita ng anak ko ay pahingi ng tubig nauuhaw ako doun ay nagiyakan na sila..

ang  albolaryo namn na malapit sa lugar nila mama ay sinabing nakuha na ang anak ninyo at pinalitan ng katawan ng saging kaya ganuon sya matamlay nung umuwi dito at lumapit kay mama ang albuatyo at doun nila napagtanto na may dinadaan silang punso at ang nagustuhan o natipuhan ay si tita salva kaya doon nila nakuha ang ipit.. pag katapos dasalan ang bangkay ni tita goreng inihagis to mula sa mataas na bahay uso noon yun yung may silong ang bahay . doun nagulat ang lahat dahil totoo ang sinabi ng albularyo
"PINALITAN NG SAGING ANG KATAWAN NI TITA"
diko din sure kung doun napunta sa tinatawag nilang " biringan or the lost city of biringan!?

:yanagael



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now