Kulam

184 2 0
                                    

Kulam

Kwento po ‘to based on my experience nung bata pa ko. I was in elementary. Malapit na magfiesta sa bayan namin nung na-witness ko yung tito ko na kinulam/nakulam.

Hapon na at wala na kame ginagawa nang mga pinsan ko nung nag-aya tito ko sa isang tito ko na mamili nang alak at yelo. Since may tricycle naman at sadyang mahilig lang kame gumala, sumama kame nung dalawang pinsan ko sa mga tito ko sa tric. Nasa loob kameng tatlo, tapos nakaangkas sa likod ng tric yung isa kong tito.

Pagdating namin sa may tindahan, may mga mangilan ngilan na tambay sa malapit. May ilang bahay na mejo malapit din sa tindahan, tapos maraming puno sa paligid. Bago kame umuwi, nakita ko yung tito ko may kausap na babae. Akala ko kakilala niya. After nila magusap, umuwi na kame kase hapon na at nag-start na dumilim.

Yung tito ko na yun, meron LIP na buntis. Yung house nila malapit lang din samin. Nakarating kame sa bahay mejo madilim na. Nung kumakain na kame nang dinner, narinig namin naguusap silang dalawa sa may balkonahe namin. Sabi ng tito ko wag daw lumapit sa kanya kase yung kamay niya di niya daw nakokontrol, yung tipong parang gusto daw manakit. Nung una hinayaan lang namin kase akala namin nag-didiskusyon, pero nung lumakas na boses ng tito ko at paulit ulit na sinasabi “lumayo ka dalian mo!” biglang lumabas si Mama at tinanong sila ano nangyayari. Nakita daw ni Mama na nakahawak yung tito ko sa isang kamay niya, parang pinipigilan sariling braso. Tapos yung LIP niya ganun din, hawak yung braso ng tito ko.

Ang ginawa ng tatay ko, dinala tito ko sa loob ng bahay namin, tapos pinahiga sa sahig habang pigil pigil yung braso. Sabi nung LIP ni tito tawagin daw namin nanay niya at sabihin ano nangyayari. Tumakbo kame agad ng ate ko sa bahay nung parents ng LIP ni tito and kinuwento namin mabilis at habang hinihingal yung nangyayari. Sumama naman samin yung nanay tapos may bitbit na agua bendita. Ewan ko bakit niya naisip magdala nun.

Pagdating sa house namin, nakita ko hawak ng tatay ko si tito sa paa. Yung nanay ko at LIP ni tito nakaapak sa right arms niya. Mind you, buntis yung LIP niya and my mom that time mejo chubby naman, but my tito easily lifted his arms up and down na parang wala lang. Tapos sinasabi niya sa nanay ko “ate, wag niyo hayaan na makawala kamay ko.”

Kaya ayun, yung nanay ng LIP agad umupo sa tabi ng Tito ko tapos pinahiran niya nang aqua bendita yung braso ni tito, at que horror! Nakita ko, namin, na umusok braso ni tito pero hindi man lang namula or nasunog. Basta umuusok na akala mo may steam! Shutainames mga dzai! Nagulantang kame lahat, tapos biglang sumigaw tito ko, pero ibang boses. Parang boses babae. Tapos ayun, nawalan ulirat tito ko. Dinasalan nung nanay ng LIP si tito,napansin namin biglang nawala yung bagsik sa itsura niya. Sabi nung nanay, kinulam daw tito ko. 🫣

Kinabukasan, ininterview ni mama si tito. San daw ba galing at ano ginawa. Ang pinakanatandaan lang ng tito ko yung namili kame ng alak at yelo. Tapos bigla niya pala naalala yung kausap niyang babae. Sabi daw sa kanya maganda yung braso niya, matipuno ganun. Pero di niya daw kilala yung babae, bigla na lang daw siya kinausap. After that, sabi ni mama sa isa kong tito samahan daw at balikan yung babae, at kausapin. Yung maga tito ko, nagpanggap na matatapang at bumalik dun sa pinuntahan namin na tindahan. Pero nung andun na sila, mga biglang naduwag. Kaya di na nila tinuloy kausapin, pero sabi nung tito ko nakita nya yung babae, nakaupo malapit sa puno ng mangga, may benda yung kanang braso na tila nasunog daw. 🫠🥴

Kulam part 2

Para po sa mga naghihintay…

Kwento naman po ‘to about sa tatay ko nung nag-work siya somewhere in Visayas.

Quick background: this happened 2010, nagwork si papa as HR Manager/right hand ng may-ari ng isang construction company. Siya yung nasa field at nag-ha-handle nang mga trabahador.

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now