Ate

203 4 0
                                    

2006, nagkasakit ang ate ko.
From Hospital 1(H1) to Hospital 2 (H2) nilipat namin in a span of 1 week kasi di nila ma-diagnose kung ano ba talaga ang sakit nya. Nagdedeliryo, sisigaw na sobrang sakit ang ulo, at di makakilala. Boses ko lang ang kilala nya. Kaya nung 4th day nya sa H1, nagdecide agad si mother na ilipat ng hospital. Nag-sign ng waiver kasi di pa talaga dapat ma-discharge. While in transit, "tulog" sya, pero naka-ihi na sa ambulance. Akala namin because of the tranquilizer kasi nga tinurukan sya dahil nagwawala sa sakit ng ulo.

Pagdating sa H2, pag-check ng vital signs sa ER, ang unang sinabi daw ng attending physician kay mother ay "Kelan pa po sya comatose?" Shocked si mother kasi di naman na-explain sa amin sa H1 na comatose na pala yong akala naming tulog nya.

Na-confine sa H2, kinagabihan ng Day1 nya dun, umuwi kami kasi isa lang allowed na bantay kaya si mother lang naiwan. Around 5AM, ginigising ako ng kasambahay namin.

Sabi nya: Gising ka, anjan na si ate mo! Nakauwi na!

Ako: Te, nasa ospital si ate. Di yon pwede ilabas.(Kala ko naalimpungatan lang sya kaya humiga ako ulit)

Ate: Hindi, nakita ko sya nakaupo sa sofa sa sala pagbaba ko. Iihi sana ako. Tinawag ko pa nga, di naman umimik nag-angat lang ng kamay nya. Di ko gaanong maaninag kasi ang mukha nya. Di ko nilapitan kasi na-excite ako sabihin sayo.

So tumayo ako at bumaba kami ulit sa sala. Walang tao!

Ako: Asan te? wala man. Di nga sabi uuwi yon. Comatose si ate. Paano makauwi?!

Ate: 😧😱 (namutla, di ko pa nasabi sa knya na comatose. sa pagod di ko na naikwento nakatulog ako agad)

Yong sofa, paborito naming hinihigaan pag manonood ng TV. Nag-aagawan pa kami dun, paunahang makakuha ng spot.

Kinabahan ako kasi sabi ko nagmulto na ata si ate. Punta agad ako sa ospital at dun, comatose pa din 😢

Fast-forward, after 2 weeks kinailangan i-airlift si ate at dinala sa PGH. Inantay lang na magkamalay sya.

Sabi nya, nakauwi na daw sya sa bahay, bakit binalik daw sya sa ospital.

So ayon, inabot kami 1 yr sa PGH, Meningitis ang sakit nya, totally blind, but survived the ordeal and living her life to the fullest for almost 18yrs now.

#LTaPreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now