"KASAMA"
Nakatira ako sa isang malaking subdivision dito sa Rizal and been renting this place for almost 9 years na. Malaki yung bahay at 3 lang kaming nakatira. Me, my partner and my son. Madaming experiences kami dito pero this are the most na tumatak sa amin. Medyo long post ahead, bear with me.
First night after paglipat, wala pa kaming masyadong gamit that time so sa sala kami natulog at nakabanig lang. Bali ako yung nasa pinakamalapit sa door tapos partner ko sa gitna and pinakaloob or dulo is yung anak ko. Pumaling ako sa may pintuan trying to find my sleep nang biglang nakaramdam ako ng kalabit na sobrang diin sa ulo ko mismo. Na parang masakit na kasi baon na baon. Pagharap ko sa partner ko expecting na tinatakot nya lang ako at tatawa, tulog na tulog siya at naghihilik pa. Kinuwento ko sa kanila yun kinabukasan.Nagwowork ako on a graveyard shift so wala talaga ako madalas sa bahay during gabi at Delivery Rider si Partner. Yung son ko naman is only 10 years old then nubg nangyari itong 2nd story. Nagkataon na maaga akong pumasok so mga 9pm pa lang umalis na ako sa bahay at di pa nakakauwi ang partner ko galing sa byahe nya. Mag isa sa bahay ang anak ko. Sanay na siya at alam nya ang gagawin for security purposes at may mga kapitbahay naman kami na tumitingin din sa kanya. Nakaupo daw siya sa sala with his phone at nakatapat sa TV na patay. 55 inches yung TV at alam nyo yung kita yung image mo kapag nakaharap ka sa patay na TV? Napatitig daw siya sa image nya to find out na may katabi siya na matandang lalaki nakabarong. Paglingon nya naman daw sa kaliwa nya wala naman daw tao.
Natutulog ako sa kwarto after shift naman this time, nasa baba nang bahay yung dalawa. Pagabi na ito at sadyang madilim sa kwarto ko kasi nga tulog ako during day time kaya I made sure na pina tint ko yung bintana at blackout curtains sa kwarto. May night light na maliit naman akong sinisindihan. Sleep paralysis siguro nangyari sa akin kse may naaaninang akong babaeng naglalakad sa gilid ng kama, black laced gown suot. Yung feeling na para akong lumulubog sa kama at pinipilit kong magising at igalaw katawan ko hanggang sa nagdasal na ako and thankfully after a few nagising din ako.
This happned just recently. Nasa baba kami ng bahay ng anak ko when we heard his voice galing sa taas ng bahay calling me. "Ma..??".. Nagkatinginan kami ng anak ko siguro to confirm if nadinig ng isat isa yung pagtawag. Kita ko na natakot anak ko at sinabihan ko lang siya na just in case something like that happens again, wag na wag siyang sasagot.
Nagpunta ang mga office mates sa bahay. Tanghaling tapat kasi after shift. Nagulat na lang ako sa isa kong team mate na may pinagagalitan siya sa hagdanan namin. Pinapapanik nya at wag daw manakot. May nakita daw siyang batang babae na nakaitim.
Asid from these experiences, okay na okay kami dito sa bahay. Tahimik at convenient para sa aming lahat. Malayo sa ingay ng siyudad. I would say mag stay pa din kami dito just as long as di naman mananakit "kasama" namin dito.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.