Groto
Dito sa lugar namin noon meron kame tinatawag na “groto”. May imahe ni Mama Mary tapos may tatlong estatwa ng mga bata na nakaluhod sa harap niya. As years went by, unti unti nasira yung mga statues hanggang sa isang estatwa na lang ng bata matira tsaka ni Mama Mary. Etong groto na to built sa corner malapit sa basketball court, na nasa right side ng isang cross road.
Yung tito ng friend ko one late afternoon, pauwi na siya at dumaan sa cross road na to. Napahinto daw sa gitna ng daan kase pagtingin niya sa paligid, para siyang nag time travel sa ibang lugar. Ang description niya sa lugar was para daw siyang nasa isang city na sobrang unusual. Yun bang sa diamonds and gold gawa yung mga buildings. Hindi niya alam gaano siya katagal nakatulala habang na-amaze siya sa paligid, nang bigla daw may tumapik sa kanya and just lke that, napansin niya na bumalik siya sa lugar na malapit sa groto. As in, parang nagising siya from a day dream!
Tinanong siya nung nakakita sa kanya bakit daw siya parang nakatulala tapos paikot ikot. Sabi lang daw nung tito ng kaibigan ko na para daw siyang “naligaw.”
Until now di niya pa rin maexplain ano nangyari sa kanya. Weird huh?
- tita Probinsiyana
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.