6th Sense: Astral Projection, Entities, Premonition
***ASTRAL PROJECTION***
**Hi. I'm 28/F. Married.**
**1st**
I was 12 years old, 1st year high school nung first-time ko maka experience mag Astral Projection; as others say. Lunch time nun, galing school nakakapag power nap pa ako before kumain. Doon ako natutulog sa bakanteng kwarto na madaming bintana para presko ang hangin. di kasi uso ang electric fan sa amin nun kasi maaliwalas ang ambiance ng bahay kahit mainit. nakaduyan lang din ako nun habang natutulog.
So, habang natutulog ako, napalalim yata yung panaginip ko hanggang sa nagising ako na nasa sala na (yung mga kwarto namin nasa 2nd floor). nagtataka ako bakit di ko nakikita mga tao sa bahay maliban sa Papa ko na nasa kusina na nagluluto pa ng tanghalian namin ni Kuya at ang aso namin na sunod ng sunod sa akin. Habang nasa sala ako papuntang kusina, naririnig ko ang bawat hukay ni Papa sa niluluto niya sa kawali; pati ang pagkulo nito. masyadong weird para sa akin yun. Tinanong ko si Papa, "Pa, asan si Kuya?". Di niya ako sinasagot. Hinahanda na niya tanghalian namin sa kusina papunta sa la mesa. Tinawag na niya kami. Laki ng boses, yung tipong wala kami sa paligid niya. Tinanong ko ulit, "Pa, asan pala si Kuya?". Di parin ako nakakatanggap ng sagot. at napapansin kong mukhang di niya pala ako nakikita maliban sa aso kong sunod ng sunod sa akin, tinatalunan ako. Napaparanoid na ako, "Patay na ba ako? Bakit di mo ako nakikita Pa? Pa!" natatarantang tawag ko kay Papa.
**2nd**
Kaya umakyat ako sa kwarto bakasakaling makita ko katawan ko dun. Nakasunod pa din ang alaga naming aso. Di nga ako nagkakamali at nakita ko nga ang aking tulog na katawan sa duyan. Sobrang lakas ng aking kaba nung nakita ko sarili kong tulog. Sinubukan kong bumalik sa katawan bakasakaling makabalik, pero ayaw. Mga tatlong beses ako humiga ulit sa katawan ko na halos maiyak na ako sa paulit ulit kong ginagawa. Ayaw pa din. Sa huling beses kong ginawa, kumalma ako at sabay din ng pag talon ng aming alagang aso sa aking katawan, nagising ako.
Pagkagising ko, sobrang pagod ng katawan ko na halos di ko maigalaw. "Naglupaypay" siguro yung tamang term nun. Nakita ko din na nakapatong na sa akin ang aso namin. Sabay na kaming bumaba. Nakahain na nga yung tanghalian namin ni Kuya. Kakapasok lang din ni Kuya galing sa labas ng bahay, nagpakain ng mga alaga niyang manok.
Bale, tama yung mga nakikita ko nung nahiwalay ako sa katawan ko. Di ko sinabi to sa kahit kanino sa bahay kasi takot ako na di sila maniwala sa akin.
*Entities*
1stMatagal na di nasundan yung Astral Projection ko. Nasa college na ako nung nasundan. Nung college ako, yung boarding house na tinitirhan ko ay parang bahay lang. Hindi yung room by room na may hallway. Lahat ng boarders dun mga born again. Ako lang yung catholic. Sa mga born again kong kasama, may mga church activites sila n ginagawa nila minsan sa kwarto. Feeling ko dahil dun na trigger yung 6tg sense ko. One time, natulog ako ng maglalunch time na. Humimbing nanaman yung tulog ko at yung mga roommates ko, kumakain na. Naririnig ko na tinatawag nila ako para kumain na. Biglang nalabas nanaman ako sa katawan ko hanggang bewang lang kasi nakita ko na na wala ako sa tunay na mundo, nasa ibang dimension ako. Pagkatingin ko sa aking harapan, may nakaitim na lalaki, ginagapos niya yung mga ankle ko s kanyng mga kamay. (Imagine mo yung pagkakagapos niya, yung paran kang sinasakal). Gulat na gulat ako kasi 1st time kong makakita ng ganun at hindi pa sa real world! Nagkatitigan kami pero ang sama ng titig niya sa akin. Pumikit ako. Nagdadasal. Sobrang kaba ko dahil di ko nababanggit ang *FATHER* ng Our FATHER. Gagiiiii. Masakit na paa ko sa pagkakadiin ng gapos niya. Kumalma ako. Nagpatuloy akong mag dasal. Hanggang sa nagising ako kasi kinalabit ako ng roommate ko kasi ang lakas daw ng bangungot ko. Kinwento ko sa kanila yung nangyari. At natawa sila kasi alam n pala nila na bukod sa amin, may mga iba pa kaming kasama sa bahay.
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.