Kwentong Emma
Dahil to kay Kwentong Junjun eh! Maliligo na talaga ako ng holy water 😩😩😩
First job ko was a call center agent sa province namin. I worked there for 9.5 years. First year ko, wala akong any unusual experience until na promote ako to as a senior tech.
May separate kami na room for that particular account. First day ko pa lang sa account na yun, sabi nung isa, “Oh, Emma! May bago tayo ha. Wag mo takutin! Si Emma. Mabait yan.”
Ako naman lilinga-linga kasi di ko alam sino kinakausap nya. Maliit lang yung account na yun, wala pang 30 na agents.
May isang linya ng stations sa may gilid na walang umuupo. Saka lang nagkakaroon ng tao kapag nagpang abot ang mga GY at AM shift at wala nang ibang stations. Duon ako umupo one time kasi wala pang bakante dun sa stations sa gitna. Habang busy sa calls, naririnig ko yung keyboard ng katabi kong station na may nagta-type eh kaso, ako lang mag isa sa gilid. Yung nagsi-uwian na ang mga GY, tinawag ako ng tropa na dun na daw ako banda sa kanila sa gitna at may bakante na. In the middle of the shift, andun na naman yung typing keyboard sound. Sabi bigla ng tropa, “wag mong pansinin. Si Emma lang yan. Bored na yata.”
Kwento nila, unang nagparamdam si Emma sa LAN chat. Bigla na lang daw may lumabas na random letters sa chat room or group chat na andun lahat ng agents na naka log in sa shift na yun. Blank yung name pero may random letters. Eh kapag magse-send ka naman ng message sa GC, makikita mo naman name ng agent eh pero yun daw, walang name at nasa limang tao lang naka log in.
Madami pang paramdam si Emma pero may iba pang nagpaparamdam minsan sa room na yun. Dun kami takot sa ibang nagpaparamdam. Ang gloomy ng paligid kapag andun yung babae na yun. Black lady daw sabi ng iba. Di ko ma confirm kasi di ko naman nakikita. Nararamdaman ko na lang parang ambigat ng aura ng room kaya ginagawa namin minsan kasi avail naman most of the time, nagpapatugtog kami ng music.
Simula nung nalaman ko tungkol kay Emma, andami ko nang naririnig na kwento sa office namin. At sa lahat ng kwento, yung sa sleeping lounge yung pinaka nakakatakot kasi na experience ko din! Next time na yun. Ang haba na eh ✌️😂
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.