Beh may mga na-trapped doon...

78 0 0
                                    

"Beh may mga na-trapped doon..." 💔

2023, may vacation trip ang bestfriend ko at fiancé niya sa Cebu kaso nagkaproblema sila dahil days before ng trip umatras ang tatao dapat sa house nila, they can't leave their lovable dogs behind ng basta basta lang kaya kahit malayo kami....nasa medyo dulo pa ng Cavite, we volunteer na ng husband ko tutal WFH naman siya and I'm a freelancer so taong bahay talaga kami. Halos 5 days lang naman so pussssh! 🙂

Medyo maaga pa kami that day, alam ko na tulog pa sila kaya nagbreakfast muna kami ng asawa ko sa Jollibee around the area then sa kanto nila may 7/11 kaya naman we went inside ng asawa ko to buy some personal hygiene toiletries. Naaalala ko na 6am na nun busy na ang paligid, papasok na ang mga estudyante at ibang mga manggagawa. Alam mong nagmamadali ang lahat...ni halos di nga naglilingunan.

But when we got inside the store nahilo ako. Yung hilo na para bang may nakausog sayo. Nagulat ang asawa ko dahil kahit malakas ang aircon sa store, butil butil daw ang pawis ko sa noo. Ehh hindi naman malayo nilakad namin, tabi lang ng 7/11 yung Jollibee. I went around the store para alamin ano makikita at pwede pa bilhin maliban pa sa hanap ko.....ang weird kasi each aisle para bang may nakatingin sa amin, sa akin. Di ako komportable. Lumalaki na nga at namamanhid ang ulo at batok ko tapos nafefeel ko pa na damp ang lugar, para bang basa siya kaso impossible naman, it's April. Summer time. So paano? Though may nakalagay nga na wet floor signage sa area so iniisip ko baka kaya ko naisip na damp ang place gawa ng may signage nga. Naglilinis ata yung crew nila. I just shoved it off.

Nakadagdag pa sa feels ng lugar ang ilaw nila sa store na para bang ang lungkot lungkot, may area na madilim siya kahit bukas ang ilaw. Di ko alam if bunga ba ng kalumaan or sadyang dim lights lang. Yung happy feeling ko since bumyahe kami para bang unti unting lumulungkot. Alam niyo yun? May di ka mapaliwanag na lungkot. I am an empath, ganun ako sa mga tao na nakakasama ko pero weird kasi it was just me & my husband na magkausap that morning. Halos 10mnts lang kami sa loob pero it feels like more than that. Di ko talaga kinaya, paglabas namin sumuka ako pero puro saliva lang. Ganun ako everytime masama talaga pakiramdam ko and it is so rare to happen. Ang weird lang dahil di naman ako gutom nor hilo sa byahe. It just all started when we went inside....

When we went to my bff's house nagalala sila when they saw me. Ang pale ko. Siguro dahil sa pagsusuka. Out of nowhere nakwento ko sa bestfriend ko at fiancé niya na nagkaganun ako when we went inside the 7/11 sa kanto nila. Ayos lang naman ang asawa ko. Ako lang talaga 'tong nagiba ang timpla. 😅

Then my bff's fiancé na friend din naming magasawa said na may tragedy na nangyari doon, nagkatinginan sila at binigyan ng cue ng guy si girl na siya na magsalita...

My bff said "BEH MAY MGA NATRAPPED DOON NUNG TUMAAS ANG TULYAHAN RIVER ALMOST A DECADE AGO NA RIN...tatlong tao ang namatay, dalawang crew at yung guard. Nakuha silang bloated na" sinegundahan yun ng fiancé niya na may fair share of experience din during that time. Nasa bubong na daw siya kasama ibang nga tao sa isa sa mga fastfood sa area noon dahil natrapped na sila nung biglang lumaki ang tubig.

When the flash flood subside, nakita niya mismo na may nilabas sa store na mga katawan. Later on nalaman nila na sinara daw ng isa sa tatlo ang store habang palaki ang tubig, not knowing na it can surpass them. They died because of drowning. Sa lakas ng current di na daw po nabuksan ang pinto na nilocked nila.

Eureka!!! It explained why ko naramdaman lahat ng yun sa store.......dali dali ako humingi ng rock salt para magcleanse, after ko maligo okay na ko. I also pray kasi ramdam ko na hanggang panaginip susundan ako. Truth behold, lahat ng nangyare nakita ko sa dream ko that day. 🥺

**2024, last week of April we went again sa bahay ng bestfriend ko, madami na nagbago, di na kami commute. Thank you Lord sa provisions. Pero same pa rin yung store. I ushered a prayer when we passed it, di ko alam if dahil ba sa imprint bakit ko nafeel yun o baka nandun pa rin sila? Trapped?
I rarely see pero madalas ako makaramdam. Nagpapasalamat na lang ako di namin kasama ang anak namin that time, baka mas marami siya mapansin at makita. (I have some posts about her)

📌Lesson learned, if there's a sign na manganganib ang buhay niyo. Choose your life no matter what!!! Wag ang trabaho. Because we are all replaceable. Just like that store, na doesn't have any signs na nalubog ito sa baha, for sure marami na ring crew ang dumaan dito. The incident was never been in any media outlet so wala ko mahanap na clippings pero para sa mga tiga-roon alam nila it happened. 🥺

___________
Miss Rin Rin 🌷


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now