Klantsing

101 2 0
                                    

"Klantsing"

Sa isang Isla sa bandang Visayas ang kaganapan na ito. Ako ay nasa grade 5 pa lang noon at nag aaral sa isang public school sa Poblacion namin. Yung bahay namin, ay nasa dulo ng street at katapat yung mismong elementary school kung saan ako nag aaral. Yung bahay namin ay medyo tinabingi yung pagpatayo, dahil naniniwala sa mga albularyo at mga "mananambal" yung pamilya ko at ang sabi, kailangan naka tabingi ng  konti yung bahay para hindi daw gawing daanan or pamahayan ng mga ndi kagaya satin na nandun namamahayan sa paaralan. Sabi kasi nila yung elementary school na yun ay portal at lagusan ng mga kakaibang elementong hindi tao. Nilibingan din ng orasyon at mga barya yung pundasyon ng bahay namin nung albularyo. Pangontra daw iyon  para walang kahit na anong makapasok na hindi invited sa bahay namin.

Lumaki ako sa bahay na iyon na hindi naman nakaramdam ng kahit na ano. Malakas naman din ang paniniwala ko sa panginoon at palagi akong nagsisimba kada Linggo kasama si lola.

Pero kapag nasa paaralan ako tila may mga kakaiba akong mga karanasan na noon, ayaw kong paniwalaan or palagi kong hinahanapan ng rason kahit hndi tugma sa pangyayari para lang mabalewala ko ang kaganapan.

Nalason na din ako nung Grade 2 ako at palagi akong na uusog pero sa susunod na estorya na ang mga iyon.

Ang karanasan kong ito ang nagtulak sa akin na tanggapin na, kahit anong deny ko sa mga nangyayari sa paligid ko na kakaiba, totoo talaga na may mga elemento at mga bagay bagay tayo na hindi nakikita.

Alas kwatro na ng hapon at uwian na sa paaralan namin noon. At dahil public school naman ito, walang janitor at kung ano anong privileges ang mga bata kagaya sa private schools. Palaging may maiiwan na assignend sweepers na maglilinis sa classroom at naka assign ako na sweeper sa araw na iyon. Nagpaiwan ako at yung pito ko pang mga kaklase para linisin ang loob at labas ng room, may bakuran din kami noon, at nagtatanim ng mga gulay yung adviser namin doon.

Para ma bigyan ko kayo ng lay out ng buong Public school, ito ay parang mataas na bukid sa loob... sa baba ng bukid, Grade 1-4, tapos mag mahabang hindi magkakapantay na lumang hagdan na gawa sa bato doon na paakyat sa taas ng bukid at doon yung classrooms ng Grade 5 at 6. Yung bahay namin tapat sa main entrance sa baba.
Yung paaralan daw namin na iyon ay ginawang watch tower noong sinaunang panahon ng mga unang settlers sa Isla namin para matanaw kung may paparating na mga banka or barko ng mga kalaban or mga sumasalaot na mangingisda na papa uwi. Sa kalaunan ginawa na siyang Public School.

Balik tayo sa storya, habang naglilinis kami sa classroom, apat lang kami sa loob at tatlo yung nagwawalis sa labas. Maingay masaya makulit kasi naman, mga bata diba hindi talaga mawawala yan. Yung adviser namin, andoon cya sa mesa nya at nag tatrabaho habang hinihintay kaming matapos.

Habang naglilinis ako sa CR kasi ako ang natalo sa bato bato pick, bigla akong may narinig na tunog ng mga barya na nahuhulog sa sahig. naririnig ko talaga yung kalantsing nya sa sahig. tiningnan ko yng paligid ng CR, wala namang barya akong nakita, kaya napaisip ako na baka classmates ko lang sa labas na nagwawalis nakahulog nun at rinig lang sa CR.

dinedma ko na yung pangyayari kasi hindi na cya na ulit. Sabi ko pa sa sarili ko baka guni guni ko lang.

Matapos kami mag linis ng room at sa labas, sabi ng adviser namin na umuwi na kami kasi hindi daw maganda ma lampasan ng 5pm sa school, yung bahay nila ma'am pala malapit lang din sa paaralan pero sa may labasan sila na gate malapit sa grade 5 at 6 sa may taas ng bundok bahay nila at nung iba pa naming mga kasama na sweepers. apat lang kami ang bababa sa hangdan papuntang main gate ng school.

At dahil bata, at makulit, hindi kami nagmamadaling umiwi. Ako na lalo kasi nasa malapit lang bahay namin, walang urgency na umuwi kaagad. naabutan na kami ng mga quarter to 5pm nasa taas pa rin kami ng school ndi pa kami bumaba. Puro kwentuhan at kulitan lang ginawa namin at nung napansin na namin na parang pa dilim na yung paligid bumaba na kami. ako yung na una sa hagdan na bumaba tapos may sia pa kaming super kulit na kasama na andun pa rinsa taas tawa ng tawa sigaw ng sigaw. puro tawanan lang kami at boses nalang namin ang maririnig sa paligid, kasama ang mga insekto na nagiingay na dulot ng dapit hapon na.

Hanbang naglalakad ako pababa ng hangdan, biglang tumakbo yung naiwan naming kaklase sa taas ng napakabilis pababa. Para na siyang tumatakbo sa pagmamadali nya ng pagbaba ng hagdan. Nilagpasan nya ako at bakas sa mukha nya ang takot at kaba na para bang may ano ano siyang na ranasan doon sa taas. Sinigawan ko siya

"HOY!ANO NANGYAYARI SAYO! WAG MO KAMI IIWAN"

sumigaw cya pabalik sabi nya "MAY BIGLANG SUMITSIT SA TENGA KO DUN SA TAAS! TAKBO!!! WALA NANG TAO DOON!!!!!"

Nung narinig iyon ng mga kasama ko na nakasunod sa akin tumakbo na din sila pababa ng nagmamadali kasi natakot na din sila sa pinagsasabi ng kaklase namin. Ako naman ay hindi masyado mahilig noon paman na tumabko, naglakad lang ako pababa pero mas mabilis na yung hakbang ko.

habang pababa ako at pilit na maka habol sa mga kasama ko, may naririnig akong yapak sa likod ko, mabibigat na mga yapak pero alam ko sa sarili ko, wala nang tao sa taas at kung ano man ang nakasunod sa akin, hindi na kasama namin iyon.

Medyo kinakabahan na ako nitong oras na ito, pero nagmamadali lang akong maglakad pababa ng hangdan, halos hindi ko na tanaw yung mga kasama ko kasi naka liko na sila sa kanto papunta sa gate, may narinig ako sa likod ko

"PSST" parang pabulong lang cya at kasama nun, ang kalantsing ng mga barya katunog ng mga barya na hawak mo lang sa mga kamay mo at inaalog mo. nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa nangyayari. Sa sobrang kilabot ko, tumakbo na ako para magkakumpol na kami ng mga kaklase ko na tumatakbo papuntang gate.

Pag dating pa namin sa main gate, sarado na at naka padlock na AHAHAHAHA lagpas alasingko na kasi at sinasarado na ng princial ang main gate kasi umuwi na cya. Ano ang sunod na ginawa namin? Alangan naman babalik kami sa taas HAHAHA asa! Akyat bakod gaming kaming apat makalabas lang ng paaralan at kanya kanyang karipas na kami ng takbo pa uwi sa bahay namin. Hindi na wala ang kilabot ko kahit nasa labas na ako ng gate noon kaka talon ko lang palabas, dahil narinig ko pa rin ang kalantsing ng barya pero tila nahulog na ang mga ito sa sahig at ang tagal ma wala ng tunog ng kalantsing.

nung maka uwi ako sa bahay, kinwento ko sa lola ko ang pangyayari, at sabi niya, mabuti na lang daw at hindi ko nilingon, at baka daw ma papaano pa ako. Kapag daw makakarinig ka ng may kumakalantsing na barya sa likod mo na alam mo walang, tao, hindi daw iyon pwede lingunin.

Hanggang nayon, hindi ko pa rin alam ano ang rason bakit bawal lumingon,  at kung ano man ang yung nakasunod sa amin.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now