Ten-Day Mission
Part 1Back in 2013, I had the opportunity to do missions in Viet Nam. This is one of the programs ng church namin, to do short-term missions in other countries and to minister to the locals, especially to the students. If you are familiar with this ten-day mission, then you know which church I am part of. Overall, the experience was priceless. But of course, there were experiences na hindi maipapaliwanag ng agham.
We arrived at our hotel at 1AM with the help of my mom na nagtatrabaho sa Viet Nam. Naging madali 'yung transfer namin from airport to hotel dahil sa kanya though nakalimutan ko na kung anong pangalan nung hotel basta nasa street sya ng Pham Ngu Lao katabi ng Highlands Coffee. Lumang luma na 'yung hotel. Check the pic below and makikita niyo kung gaano kaluma 'yung door. Back to our arrival, nabwiset ako kasi ang taas ng hagdan tas wala man lang ramp for wheelchairs and maleta. When we reached the door, nakalock sya sa loob and ginising pa namin 'yung nagbabantay sa pinto para pagbuksan kami. After nun, ginising pa namin 'yung dalawa sa reception then nagbayad na rin kami for our rooms. Naghintay kami sa lobby ng mga 30 mins pa ata habang nakapatay ang ilaw. Yes, patay ang ilaw sa lobby kahit lumang luma na lahat ng gamit. Siguro nasa kultura lang ng mga vietnamese na kahit hotel eh tinatratong bahay. Actually, hindi naman sya magarbong hotel, sobrang cheap nga ng hotel rates pero napakadecent naman sa loob and even the food. So ayun nga, habang naghihintay kami sa lobby, may kumalabog sa taas. Akala ko lahat kami narinig yun pero dalawa lang kami ni Ate H. (leader ng group namin) ang napalingon tas nagkatinginan kami then 'yung ibang member ng team namin dire-direcho lang sa pagcellphone at pagsetup ng sim cards nila.
Tinawag na kami para umakyat, nakalimutan ko na kung anong floor kami basta kailangan mag-elevator. 'Yung elevator, lumang luma na rin. May salamin bawat gilid, and anim na tao lang ang kasya. Dahil 9 kami sa team namin, may nauna and may naiwan. Kaming tatlong lalake ang nagpaiwan, pinauna namin yung anim na babaeng kasama namin. Nung turn na naming gumamit ng elevator, may singaporean na humahabol so pinasakay rin namin siya. Apat kami sa loob, only to notice na may katabing bata yung singaporean. Akala ko kasama nya yung bata, pero bakit nya isasama sa night life yung bata? Nasa red light district yung hotel, napapalibutan kami ng sex workers, thieves, mga bar and clubs, basta literal na red light district. Di ko nga gets bakit dun kami ibinook ng church namin sa Viet Nam haha. So ayun, nung tumunog na yung elevator, lumabas kami tas yung bata lumabas at tumingin sa kanan then tumakbo. Positive na hindi sya kasama nung singaporean kasi dapat sisigawan nya yung bata. Paglabas namin, napakadilim ng pasilyo. Promise, hindi sila katulad ng mga hotel sa atin na kahit 1-star hotel, maliwanag pa rin sa pasilyo. Doon, nagpapatay sila ng ilaw. Lumabas ako agad ng elevator, walang bata. Walang tumatakbo sa mahaba at madilim-dilim na pasilyo. Nakita namin na hinihintay kami ng mga kasama namin, tapos nagbigayan na ng susi. Dahil tatlo kaming lalake, dun kami sa kwartong may dalawang kama then by partner yung anim na babae: partner yung dalawang mommies, dalawang full-time church worker, and dalawang single professional.
Naunang magbukas ng pinto yung dalawang mommy, then yung dalawang single-professional, then nung pagkabukas ng pinto sa kwarto nung dalawang full-time church worker may lumabas na itim na parang usok. Alam ko nakita yun ni Ate H na leader namin. Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto namin, may humampas naman na hangin saken. Ang bigat sa pakiramdam...
Itutuloy...
Ten-Day Mission
Part 1: https://m.facebook.com/groups/633414313873993?view=permalink&id=697232197492204
Part 2
Yung room naming mga lalake, masyadong maliit yung espasyo kasi ang unrealistic ng laki nung dalawang kama - hindi proportioned haha. Nakasanayan ko na ang maligo lagi after magbyahe or basta matagal akong nababad sa labas. So, ligo ako habang si Robert at Kuya Larry nag-uusap sa labas. Wala namang nagparamdam. Habang nag-aayos, nagpapalit ng damit ang iba sa amin, si mama naghihintay sa lobby kasi kakain pa kaming lahat bago mag-aral ng Word.
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.