Hustisya
hello readers, kamusta?
This is my experience dati sa school namin siguro year 2017 anyways you guys can call me aicaa. I-keep ko nalang siguro yung name ng school para sa privacy na rin
So that time sumali ako sa Supreme Student Government also known as SSG ng school. I am running for president. Mataas na posisyon talaga tinakbuhan ko kasi bukod sa makakatulong sa school eh marami rin kasing perks, mas mapapadali rin daw pagkuha ko sa mga scholarships kung sasali ako sa mga ganiyan ayun ang sabi nila. Katatapos lang ng botohan nun, kami ng mga friends ko ayun abang-abang sa magiging resulta (nagsitakbo rin kasi mga yun) ang kaibahan lang eh sa mas mababang posisyon. Pagkatapos siguro ng tatlong oras mahigit na paghihintay nilabas na yung list, sobrang saya namin kasi lahat kaming magkakaibigan nanalo at dahil nagkasayahan nga nagdecide kaming magcelebrate, medyo magastos kung kakain kami sa labas kaya nag-insist ako na dun nalang sa lumang building tumambay, bili nalang kako kami ng makakain, ppwede pa naman maglagi ron kasi wala pa namang alas sais.
Ang bilin kasi sa mga students, dapat before mag-6 eh magsiuwi na siguro dahil delikado na rin kasi, hindi ko naman alam na may iba pa palang dahilan. So yung lumang building na tinutukoy ko eh kaharap ng chapel ng school namin. Matagal na yung hindi nagamit kaya naging bodega or parang tambakan nalang ng mga sirang gamit. Bali second floor lang naman yung building, tig-apat na classroom kada palapag. Sa first floor, lahat ng silid dun puro libro ang laman or di kaya mga cabinet na sira kaya nga nagdecide kami na sa second floor tumambay kasi doon naman eh puro upuan edi tamang tama lang sa pagtambay namin.
Nahuli ako sa pag-akyat kasi kinuha ko pa yung mga pagkain, habang umaakyat ako sa hagdan, nakasalubong ko si kuyang guard binati ko nga siya pero ang weird lang kasi di man lang siya umimik, inisip ko nalang na baka pagod lang kaya ganon nalipad isip.
Pagdating ko ron, nagchismisan lang naman kami at kumain, pinag-usapan din namin kung ano bang plano nila para sa school since ssg na kami lahat pero medyo nagtataka ko kasi yung isa kong kaibigan na itago nalang natin sa pangalang yana, hindi siya umiimik parang ewan, eh sa pagkakakilala ko ron napakadaldal at bibo niya kaya nakapagtataka na ganon na lang yung ikinikilos niya nung araw na yun.
Maya maya pa may narinig kaming nagwawalis at nagbubuhos ng tubig, para bang naglilinis eh kung susumahin yung oras nun eh bandang alas singko na, sino naman ang gagawa nun sa ganong oras? lumabas kaming lahat para icheck, wala naman ngang tao. Bumalik kami sa pagkakaupo hindi nalang namin pinansin, sunod na nangyari riyan eh biglang bumulong sakin si yana. Magkatabi kasi kami tapos sabi niya sakin ""tawag ka niya, tulungan mo siya"" inisip ko nalang nun tinatakot niya lang ako kaya dinedma ko lang.
Habang tumatagal mas lalo akong kinikilabutan kasi may naririnig akong halinghing ng babae, hindi siya ganon kalinaw. feeling ko rin ako lang ang nakakarinig kasi wala naman silang reaction kaya inisip ko nalang na guni-guni ko lang ang mga yun.
Mag-aalas sais imedya na, nagkakayayaan na kaming umuwi eh kaso itong isa kong kaibigan inopen yung kwento tungkol sa building na yun. Sabi niya kaya raw hindi na pinagamit ng school yun kasi raw may nirape raw na studyante ron at ang sabi pa guard pa raw yung suspect, dagdag pa niya nagpakamatay din naman daw yung guard after nun dun din sa building na yun. Napatanong naman ako sakanila kung sinong guard, sabi nila si mang andoy daw? Natuliro na ko ng mga oras na yan, kasi sa pagkakaalala ko kakasalubong ko lang kay mang andoy kanina.
Hindi ako nagkwento sakanila hanggang sa pagbaba namin, akala ko makakauwi na ko ng payapa after niyan. Pero pagkasakay ko sa jeep, nakita ko si yana sabi niya sakin ""Uy sensya na, di ako nakasama sainyo kanina may lakad kasi kami ni mama, pero congrats"" HA ANO RAW? hindi namin siya kasama kanina eh sino yung bumulong sakin dun? sobrang gulong-gulo na ko ng mga oras na yan kaya nagdecide na akong magkwento kay mama pag-uwi.
Alam niyo after 2 days, biglang nagsuspend ng class school namin, may natagpuan daw na bangkay sa building na yun kakilabot, babae raw ulit and based sa nilabas na balita ng school, rape raw ulit yung dahilan. Ang ikinataas pa ng balahibo ko eh dalawang araw pa lang daw nandun yung bangkay? ibig sabihin ba nung tumambay kami ron yun din yung araw na pinatay siya?
Hindi ko na talaga alam nung mga oras na yan nablangko na ako ng sobra, kaya iniwan ko posisyon ko eh lumipat ako ng school after. Nakakatrauma na rin kasi talaga.
Aica
📜Spookify
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.