Rented House
Share ko lang yung experience namin sa nirentahan naming bahay way back 2014-2016
Last week of March 2014 nagdecide kami ng husband ko na bumukod na sa bahay ng parents ko. Sa lahat ng bahay na for rent dito lang sa bahay na to na di mabigat ang pakiramdam namin ng husband ko unlike sa mga ibang bahay na nacheck namin na pagpasok mo pa lang sa pintoan parang ang bigat bigat ng katawan mo.
Matatakutin talaga ako pero kahit matakutin ako mahilig pa rin ako manood ng mga horror movies but since then bumukod kami hindi na ako nanonood kasi ayoko mag invite ng mga bad spirits sa bahay na yun. Feeling ko kasi baka ma trigger mga spirits kung meron man dahil nanunood ako ng horror di ko pa naman alam kwento ng bahay.
Fast forward:
May 3rd week, inenroll ko ang anak (3yrs old) namin sa summer class. 8am ang pasok nya mga 7:30 alis namin sa bahay. Nakaupo yung anak ko sa sala. Ako andun sa kusina uminom muna ng tubig dun sa ref na nasa likod ng divider namin sa sala. Maliit lang kasi yung bahay.
Narinig ko anak ko parang may kinakausap sya parang pabulong kasi hindi ko naintindahan ano mga sinasabi nya tapos bigla nalang syang sumigaw “halaaaaa mama, ang bata mama oh hugaw ang tiil. Halaaaaaa mamaaaaaaa” (hala mama, ang bata marumi ang paa. Hala mama).
Natakot ako kasi wala namang bata, imposibleng may bata e sarado yung gate pero di ko pinaramdam na natakot ako baka matakot din anak ko. Strong-strongan nalang ang mother. Papunta na kami sa school nya, tinanong ko anak ko kung saan ba nakatira yung bata? Nagulat ako sa sagot ng anak ko “sa bongbong sa atop” sa kisame daw nakatira ang bata. Natakot talaga ako sa sagot ng anak ko kasi everytime naglilinis ako ng bahay, winawalis mga wall pati ang kisame marami talagang mahabang buhok sa may kisame nagtataka ako kung bakit mahaba ang buhok eh maiksi naman buhok ko. Kahit natatakot ako di ko nalang pinapansin mga sinasabi ng anak ko na yung bata kawawa, yung bata pangit daw 🥲 Siguro nga nakakakita mga bata kasi noong 2 years old sya doon pa kami nakatira sa bahay ng parents ko , andun kami sa kwarto nun bigla nalang nya hinawakan pisngi nya sabi sinampal sya ni “boo” tapos sabay sabi “ang pangit ni boo, papa” tinanong namin kung saan nakatira si boo tinuro nya doon sa may sulok ng kwarto tumatawa pa 😫
Di nga mabigat sa katawan pakiramdam namin sa pagpasok sa bahay pero di ko maiwasan na di matakot.
Marami pang kwento mamaya.
Yan yung bahay na nirentahan namin, maliit pero may something 👻 Akala ko sa malalaking bahay lang may mumu heheh
#Ltapreal
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
YOU ARE READING
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.