CHAPTER 8

313 4 0
                                    


Hella is pissed,halos mapudpod niya ang daliri sa kaka-type ng mensahe para kay Aki. Naiinis na sinend niya ‘yon ng hindi na binasa ulit. Nainis siyang hindi manlang ito sumagot sa tawag at text niya,tapos ng bumaba na siya para magbakasali na nar’on na ito sa baba at hinihintay lang siya . Gumuho ang natitira niyang pag-asa,isa sa mga tauhan ni Aki ang nagpakilala sa kanya na ito ang maghahatid dahil may importante daw na nilakad ang boss nito.

‘ Importante ha,ano’ng akala niya sa’kin? Matapos niya akong paasahin,bigla na naman siyang maglalaho?’

Inis na iniwan niya ang tauhan nito at pumara ng taxi ,hindi niya pinansin ang sumunod na tauhan nito. Nakita niya na lang na sumunod ang sasakyan nito sa taxi na sinakyan niya.Napairap siya sa hangin,huminga ng malalim.

Napahaplos siya sa pisngi ng maramdaman ang pagkabasa doon,napakurap siya ng makita ang basa sa daliri na ginamit niya sa pagpunas. Hindi niya namalayan na naiyak na pala siya,suminghot siya at binaling ang tingin sa labas.

Mahigpit ang hawak niya sa bag na bitbit,kinagat niya ang ibabang labi. Naiinis siya,bakit ba kasi umasa pa siya. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari,sana hindi niya na lang ito pinalapit kanina.
Natuwa na sana siya eh,excited pa naman siyang makita ito. Now look where it led her,disappointment.

Hindi na siya nagpapasok sa taxi sa mismong village ng bahay nila,bumaba na siya sa gate pa lang. Nagbayad na siya at naglakad papasok. Hindi niya pinansin ang mga guard na bumati sa kanya,deretso ang naging lakad niya.
Kailangan niyang maglakad lakad,para makapag isip.

Naglakad lang siya ng naglakad hanggang sa natagpuan niya ang sarili botanical garden ng village.Walang tao kaya malaya siyang nakapasok sa kubo ,inilapag niya ang bag niya at naupo.

Huminga siya ng malalim at dahan dahan ‘yon na binitawan,pumikit at inulit ang paghinga ng malalim. Nang kumalma ang sistema niya,nilibot niya ang mata sa paligid.

Marami ang bulaklak na nakapaligid,at buhay na din ang mga ilaw na makukulay sa paligid. Napangiti siya kahit papa’no,na miss niya ang garden. Matagal na ang huling punta niya dito,mula noon iniwasan na niya ang magpunta sa lugar.

Nang maalala ang huling tagpo niya doon,napatakip siya ng mukha.

Aki ‘s face showed up,smiling at her. May bitbit itong bulaklak na kinuha mismo sa garden,imbis na pagalitan katulad ng palagi niyang ginagawang pagsaway dito,nangiti na lang siya at nailing.

“ For my beatiful sunshine!”

Malawak ang ngiti nito sa mukha, nakangiti niyang inabot ang bulaklak.Hinampas niya ito sa dibidb ni Aki,napaatras ito at natawa.

“ Binobola mo na naman ako !”
Sinamaan niya ito ng tingin at napasimangot,humalakhak si Aki .

“ Alam mong hindi ka bola,sana sin-shoot na kita sa puso ko!”
Nakangisi na sabi nito,kumindat pa . Ang ang puso niya ay nagharihariki na naman at nagkagulo ang bulate niya sa tiyan.

“ Ang corni mo!”

Inirapan niya ito at itinago ang nararamdaman na kilig,inabot ni Aki ang kamay niya.Napatingin siya sa magkahugpo nilang kamay,pinagsiklop ni Aki ang mga daliri nila.Tumingin ito sa kanya na nakangiti,napangiti na lang din siya.

Nasa bungad sila ng garden kaya iginiya siya nito papasok,nagpatianod naman siya.

Napaawang ang labi niya sa nakita ng makarating sa kubo na nar’on,naka set up ito. Biglang lumiwanag ang mga makukulay na ilaw sa paligid,napalibutan ang lugar ng ilaw nito. At sa mesa na nar’on sa loob ng kubo ay may mga pagkain,sa gitna ay isang cake.

Naiiyak na napatingin siya kay Aki,malambing itong nakatingin sa kanya.Hinila niya ito at niyakap,isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.Hinaplos ni Aki ang likod niya,gumanti ng yakap at hinigpitan pa.Hinalikan nito ang ulo niya,pinalo niya ito sa likod,na ikinatawa nito.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon