OHN 58
HELLA
Napaungol si Hella,naalimpungatan sa pagkakatulog.Napaupo siya,nasapo ang noo. Nilinga niya ang mata sa paligid,panaginip . Napapikit siya at sinapo ang dibdib,panaginip lang ang lahat. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi,humugot ng malalim na paghinga. Naiiyak na tumingala,akala niya totoo ang lahat nang nangyayari. Ramdam niya ‘yon,pero bakit paggisinhg niya ay bigla na lang naglaho si Aki. Maybe she missed him so much, to the point of of having him in her sleep . She collected herself,she got up and fix herself.
Matamlay si Hella,pansin ‘yon ng mga taong nasa paligid niya. Sa tuwing tinatanong siya ng mga ito ,ayos lang ang sagot niya. Ayaw niyang ipahalata ang tunay na nararamdaman. Matatapos na rin ang pag-aayos sa kanilang bahay at pwede na silang bumalik kahit kailan nilang gustuhin. Three weeks has past already,but still no Aki. Hindi na ito nagparamdam pa ,marahil nga ay dinamdam talaga nito ang mga sinabi niya. Naalala niyang hindi din nagpakita si Aki sa kanya noon ,nang sabihin niya dito na ayaw na niya itong makita. Alam niyang wala siyang sinasabi na ganoon ,nang huli silang magkita. Pero nang maalala ang huling mga salita at panunumbat niya dito,nanlumo siya.
“ Hija,maghanda kana para sa check-up niyo ni baby.” Pukaw ng kanyang ina,napatingin siya dito. Bakas ang pag-aalala samga mata nito. Nasa sala sila ngayon,ang kanyang ama na kasama ang apo nito na nakikipaglaro kasama ang kanyang kuya Alejandro. Wala ang kuya Alexander niya at naging busy ito ,si Nerissa naman ay nasa kusina.
Napalunok siya,tumayo na at tumango na lamang sa kanyang ina. Pumanhik siya sa kanyang silid,naghanda . Katulad nang sabi ng kanyang ina,check up niya ngayon,nila ni baby.It’s her fifth month already,and they can already know the gender. Excited ang mommy niya para doo.,napabuntong hininga siyang humarap sa salamin. Bumaba nang kaunti ang kanyang timbang,nitong nakaraan ay wala siyang ganang kumain. Nabahala ang kanyang ina,kaya niresitahan siya ng doctor ng vitamins. Kahit na ganoon ,hindi niya pa rin makuhang kumain . Parang kumakain na lang siya para sa kanyang anak,palaging pinapaalala ng ina ang kanyang pagkain. Lalo na sa prutas,maging sa gulay kahit na noon ay hindi niya kinakain.
Nang makarating sa clinic ng kanyang doktor,naghintay lang sila saglit saka pumasok pagkatapos ng una nitong naging pasyente.Kasama niyang pumasok sa loob ang ina,ang kanyang ama ay nanatili sa labas kasama ang mga bodyguard nila.Ngumiti ang babaeng doktor,ngumiti naman siya pabalik saka ito binati.Nang makaupo,tinanong lang siya nito . Mga karaniwang tanong para amga nagdadalang tao,pagkatapos ng general check up ay tinanong siya kung gusto ba niyang malaman na ang gender ng anak.
“ I don’t see the baby’s father with you,so I’m asking again if you’re ready for the gender. Or are you doing a gender reveal?” Pinagsiklop ng ob niya ang mga kamay ,excited .
Napalunok siya,nilingon ang katabing ina.She rolled her lips in,her mind is on Aki. Kung gagawin niya ito ngayon ng wala si Aki,o tulad ng sabi ng doktor ay mag -gender reveal na lang siya. Uso naman ‘yon ngayon. Nakangiting naghintay ang doktor,mataman niya itong nginitian.
“ I’ll wait for my baby’s father doc.”Nakakaintindi itong tumango,ngumiti. Matapos ang mga bilin,mga vitamins niya ay nagpaalam na sila dito.
Hawak ng kanyang ina ang kamay,sabay silang lumabas. Nakaabang naman ang kanyang ama,napatayo ito sa pagkakaupo at nakangiting lumapit sa kanila.
“ So,nalaman niyo ba ang gender? Ayos lang ba ang health niyong dalawa ni baby?” Sunod sunod nitong tanong sa kanya,natawa silang dalawa ng kanyang ina sa reaksyon ng ama.
“ We are both healthy dad,but the gender will stay mysterious for now. I wan to wait for Aki,I want to know the gender of our baby with him.” Naluluha niyang turan,marahang suminghot.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...