Napahawak si Hella sa ulo ng magising,nakaramdam siya ng sakit sa gilid ng noo niya at napapikit. Mahina siyang umungol sa sakit ng maramdaman ang sugat niya sa pisngi at ilong ,nang dumilat siya ay ang mukha ni Aki ang bumungad sa kanya.Deja’vu?
Nangyari na din ito ,at kailan lang ‘yon ng maospital siya dahil sa katigasan ng ulo niya . At ngayon nasa ospital na naman siya,at si Aki na naman ang nabungaran niyang natutulog sa sopa . Nakaupo itong natutulog,sa tabi nito ay ang kuya Alexander niya.
“ Um!”
Hindi niya naituloy ang pagkunot ng noo ng sumakit ang sugat niya,huminga siya ng malalim at sinubukang maupo sa kama.Napabuntong hinga siyang napatingin sa kamay na may mga galos galing sa bubog,at sa kamay niyang naka swero. Kagat labing dahan dahan siyang kumilos,inalis ang kumot sa katawan at ipinihit ang katawan para bumaba sa higaan.
Hinawakan niya ang kinabitan ng swero at tatayo na sana para magtungo sa banyo ng sa isang iglap ay nasa tabi na niya si Aki at hawak na ang kanyang beywang. Napasinghap siya,para kasing may dumaan na hangin na napakabilis at namalayan na lang niyang nasa tabi na niya si Aki.Napakurap siya dito,nakagat ang labi.
“ Where are you going ,hmm?”
Malumanay nitong tanong,nangungusap ang mata. Napalunok siya ng may maalala sa boses nito ang isa pang boses,ang taong hindi pa niya nakikita ang katauhan maliban sa boses nito. Autumn…
“B-banyo..”
Mahina niyang sagot dito,tumango si Aki at inalalayan siyang maglakad papuntang banyo. Nang makapasok,isinara niya ang pinto . Huminga siya ng malalim,napatingin sa salamin at napapikit.Umiling siya,dumilat at dahan dahan na tinungo ang bowl para umihi.
Matapos ay naghilamos siya ng mukha,winisikan niya ng tubig ang mukha niya. Nag iingat na hindi masagi ang sugat niya,napapakagat labi siya kapag nagagalaw ang swero niya at sumasakit ‘yon.Napaatras siya ng pagbukas niya ng pinto ay nakaabang si Aki sa labas,agad na nilahad nito ang kamay at ang isang kamay ay nasa beywang na niya. Hinayaan niya na lang ito,hanggang sa maiupo siya nito sa kama.
Napatingin si Aki sa kanya ng mapaigik na naman siya,nag aalala itong hinawakan ang balikat niya.“ What’s wrong,may masakit ba sa’yo?”
Napanguso siya at inilahad dito ang kamay niyang may swero,napatingin naman si Aki sa kamay niya.
“ Take this off,it’s uncomfortable.”
“ But b- ,Hella…”
“ Please,sumasakit na ang kamay ko oh.”
Napabuntong hinga si Aki ,nag paalam itong tatawag ng nurse . Napakagat labi siyang sinupil ang ngiti sa labi, napatingin siya sa sopa ng gumalaw ang kapatid niyang natutulog doon.
“ Tsk..”
Umiling iling ang ulo nito kahit nakapikit,tumagilid na ito ng upo .
“ Why are you here?”
Napadilat ang kuya niya sa tanong niya dito,bumuntong hinga ito saka umayos ng upo.
“ You freaking scared us all!”
Nanlaki ang mata niya,ngayon niya lang naalala ang nangyari sa kanya. Suminghap siya,lumipad ang isa niyang kamay sa labi ng maalala si Cameron.“ What happened to Cameron,is he okay?”
“ He is fine now,natanggal na ang ilang bala sa katawan niya at stable na siya ngayon.”
She sighed in relief,napahingang malalim sa narinig. Nakagat niya ang ibabang labi ng malingunan ang kuya niyang nakatingin ng matiim sa kanya.
“ You didn’t tell us.”
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...