CHAPTER 36

154 3 0
                                    



Aki is livid,he was gritting his teeth hard. Nagtatagis ang kanyang bagang sa nangyari,sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Hella. He was out because of the threat he receive from the unknown messenger sent him a message. At palagay niya ay kilala niya ang nagpadala ng mensahe kaya siya mismo ang pumunta at inutusan nalang ang dalawang tauhan na nagbabanatay kay Hella na bantayan ito . Ngunit hindi niya inaasahan ang nadatnan ng pagbalik niya. His men ,ang tauhan niyang pinagbantay kay Hella ay mga sugatan. Ang guard ay may tama din sa tuhod,at hindi niya nagustuhan ng malaman kung sino ang dumukot kay Hella. It was his father,binalaan na siya nito. Mukhang nainip na ang ama at kumilos na ito.



“ Where is my father right now?” he ask his men,tinawagan na niya ang ama pero hindi nito sinasagot ang tawag niya . Hindi rin nila ito mahagilap,mukhang pinaghandaan ang nangyari.

“ Hindi po namin siya mahanap young master,kahit ang right hand niya ay hindi din mahagilap . Naglaho sila na parang bula,hindi na ma trace kung nasaan sila.” Nakayukod na sagot nito,nagtatagis ang bagang na tiningnan niya ang laptop sa harap niya. Hindi niya din ma trace ang location nito,mukhang natunugan nito na may inilagay siyang tracking device dito.



Katulad niya ay tuso ang ama,magaling din ito . Katulad niya ay may alam din ito sa computer,dito siya natuto sa mga alam niya sa IT. Napatayo siya ng tumunog ang kanyang phone ,mariin siyang napapikit ng makita kung sino ang tumatawag. It’s H,Hella’s brother. Ikinuyom niya ang kamay bago sinagot ang tawag . Inihanda na niya ang sarili para sa sumbat at bulyaw nito sa kanya. Pero hindi ‘yon ang narinig niya mula dito. Mahinahon ang nasa kabilang linya,pero ramdam niya sa boses nito ang pagtimpi at galit.

“ Saan dinala ng ama mo ang kapatid ko? “ Bungad nito,humugot siya ng buntong hininga. Narinig niya ang pilit na pagpapakalma ng asawa nito.

“ I’m still looking H,but I assure you. I will find her no matter what,I will find my father. At hindi niya magugustuhan ang gagawin ko oras na galawin niya ang mahal ko. You know me Alejandro,” sinuntok niya ang mesang ansa harap bago nagsalita ulit. “ Iba ako magalit,at kahit tatay ko pa siya,hindi ako mangingiming tapusin ang buhay niya.”

Napahalakhak ang nasa kabilang linya,” Really,handa ka nang banggagin ang tatay mo? Alam ko kung gaano ka ka-loyal sa tatay mo ,Aki. Alam ko kung paano ka naging sunod sunuran sa kanya,kaya sabihin mo sa’king ngayon .Tapos na ba ang pagiging puppet mo sa kanya? Alam mo rin kung paano ako magalit Aki,kapatid ko ang pinag -uusapan dito. Kantiin na niya ang lahat,huwag ang pamilya ko. “





“ I know,alam mo rin kung bakit ako naging sunod -sunod noon H. He has my mother,and the only way for me to see her is follow my father's orders. Lumayo din ako dati para kay Hella,dahil natakot ako sa maari niyang gawin. At nagsisi ako na pinagkatiwalaan ko ang sinabi niyang wala siyang gagawin ,nagtiwala ako kasi akala ko . For once,he became a father to me. But fuck it ,I let my guard down. And now he has Hella,and he will pay for it. Inubos na niya ang pasensya ko,panahon na para matapos ang mga kahayupan niya! ” Nagtatagis ang mga bagang na sabi niya,kagat ang ibabang labi na nanginig dahil sa galit.

Matapos ang tawag,tinawagan niya ang ina . Gusto niyang marinig ang boses nito,matagal na ng huli niyang marinig ang boses nito. Tahimik lang ang ina niya,pero alam niyang galit ito sa ama. Dahil sa ginawa dito,ilang beses na din siyang inudyukan nito na umalis sa puder nito at magpakalayo layo na lang. Pero hindi niya magawa dahil sa takot na maaring gawin ng ama sa kanyang ina,pero ngayong sapat na ang kapangyarihan niya para kalabanin ito. Hindi na siya natatakot,his mother is in a safe place already. Away from his father. Matapos ang usapan nila ng ina,tinipon niya ulit ang mga tauhan. Hindi siya titigil hangga’t hindi nakikita ang mahal niya. Matagal siyang nagtiis at naghintay. Hindi niya palalagpasin ang ginawa ng ama.







ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon