CHAPTER 34

170 3 0
                                    


“ shh.. I’m so sorry too. Hindi ko dapat sinabi ‘yon. Hindi ko dapat ginawa ‘yon,I’m sorry mommy.” She hug her mother,and her mother hug back.

Nasa ganoon silang puwesto ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng kanyang magulang at pumasok doon ang kanyang ama na humhangos pa, marahil sa pagtakbo . Napatingin siya doon, mas lalo siyang napaiyak at napahagulhol,napakurap kurap ang kanyang ama at hindi makapaniwalang nakikita siya.

Napasinghot siya,napatigil din ang kanyang ina at tumingin sa pinto. Dahan dahan na naglakad palapit ang kanyang ama palapit sa kanila ng kanyang ina.

“ Hella anak..” Sambit ng kanyang ama,may isang butil ng luha ang nahulog sa mata nito.

“ Dad..” Nahihirapan niyang sambit dahil sa sobrang iyak,lumapit na nang tuluyan ang kanyang ama at yumukap sa kanilang mag ina.

“ Anak..” Tanging nasabi ng kanyang ama at umiyak na din. Maya maya ay paulit ulit na din itong humingi ng tawad,na katulad ng kanyang ina ay nagsisi na rin ito. Hindi siya makasagot dahil sa pag iyak,ganoon din ang kanyang ina.

Yakap siya ng kanyang mga magulang,mahigpit na yakap na parang ayaw na siyang pakawalan at baka bigla na lang siyang maglaho. Nanatili siyang umiiyak sa pagitang ng kanyang mga magulang, hinahalikan nito ang kanyang ulo at paulit ulit na humihingi ng kapatawaran sa kanya.

And she know the answer,even before she came here. She already forgive them,no parents are perfect . Akala lang ng lahat ‘yon,pero ang totoo hindi . In reality,no parents are perfect. No children are perfect,no human being are perfect . Lahat nagkakamali at nagkakasala,sa pag ibig ,sa pamilya o sa batas man . But being imperfect doesn’t invalidate you on being hurt. It’s okay to be hurt,to trip .But at the end of the day,you will always get up,and fight to go on.

Life must go on,and being hurt is part of that. And life with your family,that’s the best thing you could have in this world.

Because no matter what happen,a family will always be a family. And no family is perfect.
Matapos makapagpatawaran sa mga magulang ,nanatili si Hella at Aki sa kanilang bahay. Kahit namamaga ang mata at nanghihina ay pinilit siya ng ina na doon na maghapunan .

At ngayon nga ay nagluluto ito,kasama ang kanya ama sa kusina. At mga kasama sa bahay naman ay hindi magkamayaw sa pagsunod sa aligagang utos ng mga amo.

Gusto sanang tumulong ni Hella ,pero hindi siya hinayaan ng kangyang mga magulang at pinasamahan na lang si Aki sa kanilang sala. And Aki is beside her,she was leaning her head on his shoulder. While Aki is caressing her face,kaya napapikit siya.

“ Your eyes,it’s so puffy.”
Mahinang bulong nito,napatango siya. Sa sobrang maga ng mata niya ay nahihirapan pa siyang dumilat.

“ It’s okay, atleast we’re fine now." Mahina niyang sagot dito,napabuntong hinga si Aki at pinasiklop ang kanilang kamay . Pagkatapos ay hinalikan ang kanyang kamay na hawak nito,pagkatapos ay ang kanyang ulo.

“ Yes baby,I told you you’ll be fine. You’re so brave,I’m proud of you.” Napangit siya sa sinabi ni Aki,pumikit siya ulit .

Kahit hindi na siya magkwento ay naintindihan naman ni Aki ang nararamdaman niya.

” Thank you.” Bulong niya dito. Hindi na sumagot pa si Aki at hinalikan lang ang kanyang ulo. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Nagising si Hella sa mahinang yugyog sa balikat ,at magagaan na halik sa kanyang labi.

Umungot siya dahil nakakaramdam pa ng antok,narinig niyang natawa si Aki. Idinilat niya ang isang mata at ang nakangiting mukha ni Aki ang bumungad sa kanya.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon