0HN 60
AKIHIRO
“ Ang tigas mo rin ano,ilang araw ka nang hindi natutulog o kumakain pero buhay ka pa din!”Sigaw sa kanya ni Nicholas,kasabay ng pagsaboy nito sa kanya ng malamig na tubig .
Lihim siyang napasinghap sa pumasok na tubig sa kanyang ilong,gumalaw ang katawan niya. Nakatayo siya,nakatali ang parehong kamay at nakasabit sa ere. Ramdam niya ang pangangalay at sakit sa una,pero sa ilang araw na puro paghihirap naging manhid na ang katawan niya. Nicholas was livid,he’s making sure he will suffer.
“ Oh well,don’t worry hindi ka na magtatagal pa ng isang araw!” Mala-demonyo itong tumawa na parang nababaliw na.
“Kalagan ‘yan!” Malakas ang boses nitong utos sa mga tauhan,mabilis siyang bumagsak sa sahig nang matanggal ang pagkakatali.
Walang lakas na hindi siya gumalaw,tanging mga mata na nagmamasid. Alam niyang ilang araw na din ang lumipas nang dalhin siya ng pinsan sa liblib na lugar.Araw gabi siyang binubugbog,hindi siya pinapatulog. Kapag nakikita ng mga itong pipikit siya ay saka ulit siya papahirapan.
He endured those days,thinking Hella and their upcoming baby. He needs to go back,even if it’s impossible. He wants to tell NIcholas that’s it’s not him,it’s his father who framed Nicholas. But as soon as they got to this place,he was beaten . And Nicholas was just enjoying his misery,even clapping his hands whenever he groaned in pain.
“ Alam niyo na ang aggawin diyan,siguraduhin niyong maayos ang trabaho! Dahil kung hindi,kayo ang ililibing ko nang buhay!”
Naramdaman na lang ni Aki ang pag-akay sa kanya ng walang pag-iingat. Umiigik siya ,pero walang pakialam ang mga taong halos hilain na siya palabas at pabagsak na isinakay sa likod ng isang puting van na may kalumaan na.
Naririnig niya ang halos sigawang pag-uusap ng dalawang lalaki,kahit halos walang pandinig ay pinilit niyang makinig.
“ Sayang talaga ‘yang pinsan ni boss!”
” Mas sayang kung tayo ang maililibing buhay,umayos ka nga!”
Mayamaya ay umandar ang sasakyan,napapikit siya. Taimtim na nagdadasal,na sana ay may makapansin man lang kahit isa sa mga kaibigan niya. Alam niyang lahat ng tulong naibigay niya sa mga ito ay hindi siya humihingi ng kapalit,ngayon ay umaasa pa rin siyang may makakaalala man lang sa pagkawala niya.
Nawawalan na siya ng ulirat,nang huminto ang sasakyan. Nagbukas sara ang mga pintuan,bago nagbukas ang pinto sa kanya. Pilit niyang binuksan ang mata,na halos hindi na makakita sa sobrang maga nito.
“ Bantayan mo muna ‘yan,check ko lang ang paglilibigan natin. Mahirap na baka magkaaberya at tayo ang malagot!”
Tinapik ng lalaki ang kasama nito,umalis at naiwan silang dalawa. The man infront of him looked a bit scared,he pitied him.Tumikhim ang lalaki,tatalikod na sana nang magsalita siya.
“ S-sandali..” Muling humarap ang lalaki sa kanya,nanlaki pa ang mata nito.
“ Huwag ka nang magsalita,huwag mo nang aksayahin ang laway mo. Ito na din naman ang huling araw mo sa mundong ‘to,kaya manahimik ka nalang!” His voice wavered,and he took it as a sign.
“ H-help m-me. I will d-do everything y-you want,anything.”
“ H-hindi mo ako madadala sa pera,at paano ka naman magkakapera gayong naghihirap ka ngayon dito. Siguradong hindi ka na din magtatagal,halos bali lahat ng buto mo sa katawan. Kahit madala ka sa hospital,hindi ka din magtatagal pa.” Umiling ito,pero hindi siya nawalan ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...