CHAPTER 37

161 1 0
                                    












“ You’re pregnant.” He stated,he gaze at her stomach.

Nasapo niya ang tiyan at tumayo ,saka hinarap ang matanda. Napalunok siya at hindi sumagot,napatango naman ang matanda.



“ The food is ready,if you are really pregnant you have to eat. Masama ang magpagutom,kailangan ‘yon ng bata.” Tumalikod na ito matapos sabihin ang katagang ‘yon,napapantastikuhan siyang napatingin sa likod nito.

Nanlaki ang mata niya ng bigla ito humarap sa kanya, iginiya nito ang ulo para sumunod siya.” Come along Atty.,I’m famished.” Naglakad na ito paalis,nag-aalangan man ay sumunod na din siya. Nakadama na din siya ng gutom,lalo na at hindi siya nakakain ng dinner.



Sumunod siya sa matanda, ng makarating sa dinning ay may nakahanda ng pagkain. Pero walang tao sa paligid,napatingin siya sa labas. Bukas ang pinto doon,napalunok siya sa naisip. Mahigpit na napahawak siya sa damit niya. Napasinghap siya at napatingin sa ama ni Aki ng magsalita ito saka umupo .



” If you are planning on escaping,don’t ever try Atty. Maraming akong mga tauhan na nakalibot sa bahay na’to,at hindi ka din naman makakalayo dahil malayo tayo sa kabihasnan .Even Aki can’t find this place,poor boy.” Saad nitong tumatawa ,saka nagsimula ng kumain.

Napipilitang lumapit siya dito,naghila ng upuan saka umupo . Napalunok siya at napatingin sa mga nakahain.

“ Don’t worry,there’s no poison in it. Nag-eenjoy pa ako sa mga nangyayari,tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang mailigats ka.” Tumatawa itong kumain,saka uminom ng kape.



“ A-anong ibig mong sabihin?” Kinakabang tanong niya dito,ngumisi lang ang matanda saka umiling.

Humugot siya ng hininga saka nagsimula na din na kumain,sa una ay pinakiramdaman pa niya ang sarili sa unang subo. Napapantastikuhang nakatingin ang matanda sa kanya,umiling lang ito at iginiya ang kamay para kumain.



Matapos kumain ay hinayaan siya ni Douglas na malibot sa bahay,pero hindi siya pwedeng lumabas . Binigyan din siya nito ng mga susuotin,wala pa daw itong balak na dispatsahin siya sa ngayon .Kaya hahayaan siya muna nito,at sinabihan na alagaan ang sarili dahil apo nito ang dinadala niya. Mukhang hindi na niya kailangan pang maglihim dito mukhang alam naman na nito ang lahat kahit hindi pa niya sinasabi.











Naiinip na napabuntong hinga si Hella,ilang araw na rin siyang nakakulong sa kwartong ‘yon. Naiinis na lumabas siya ng kwarto at lumabas,hinanap niya si Douglas . Hindi na niya ito nakausap pa ulit ,mula ng makasama itong kumain. Ang katulong na lang nito ang palaging tumatawag sa kanya para sa pagkain . Sinubukan na din niyang humingi ng tulong dito,pero wala siyang napala. Loyal ito sa amo,at walang emosyon kung kakausapin man niya ito.

Nalibot na niya ang bahay, ngunit hindi pa rin mahanap ang matanda.” Nasaan ba ang hukluban na ‘yon?” Naiinis na tanong niya sa kawalan.

Naglakad siya paalis ng may mapansin,may nakausling pader. Nilapitan niya ‘yon,napakunot ang noo . Naalala niyang may ganoon din ang bahay ng pinsan nilang si Aaron,naalala pa niya ang sinabi ng asawa nito na doon ito idinaan para mailabas sa bahay kahit na marami ang bantay . Sinubukan niya itong pihitin ,napasinghap siya ng mabuksan ito. A secret door ? Napatakip siya sa bibig at inilibot ang tingin sa paligid kung may nakatingin sa kanya. Nang makitang wala,pumasok siya sa loob. Nagulat pa siya ng makita na may hagdan nga pababa,dahan dahan siyang bumaba . Pigil ang hininga’t baka mahuli siya,ng makitang walang tao ay deretso niyang tinahak ang hallway.Napahinto siya sa isang pinto,may naririnig siyang boses sa loob. Idinikit niya ang tainga sa pinto,nanlalaki ang mata ng makilala ang boses sa loob. It’s Douglas, mukhang may kaaway ito sa galit.



ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon