CHAPTER 15

219 6 0
                                    

OHN 15

“ Mom,ayos lang po talaga ako. Walang nangyari sa’kin,and uncle was there naman. “

“ Kahit na,dapat padagdagan na ang mga security doon para segurado. Sasabihin ko ito sa kuya Alejandro mo para magpadala ng karagdagan na security.”

Napabuntong hinga nalang siya na hinayaan na ang ina na tinatawagan na ngayon ang kapatid niya . Nahihilo siyang tiningnan ito na nagpapalakad lakad sa harap niya,napailing siyang tumayo na at iniwan ito sa sala at nagpunta sa kusina.

Nang makarating sa kusina,dumeretso siya sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig, nilagay muna ‘yon sa mesa para kumuha ng baso. Napakunot ang noo niya ng paglingon ay makita ang mayordoma ng bahay nila.

“ Nanay Lara,ano po ang ginagawa niyo dito,hindi ba dapat nasa bahay ka nila kuya Alejandro ngayon?”

Nagtatakang tanong niya dito,napabuntong hinga naman ito bago sumagot .

“ Tumawag kasi ang mommy kanina,at pinapunta ako dito para dalhan ng niluto niya ang buntis . Nahihiya pa siyang magpakita kay Nerissa kaya ako nalang ang magdadala ng pagkain doon,ayaw na din kasing pagalawin sa kusina ng kuya mo ang asawa at malaki na ang tiyan!”

Napatango na lang siya dito,nagsalin na siya ng tubig sa baso at uminom.
Pinanood niya si ‘nay Lara na naglalagay ng mga pagkain sa mga tupper ware na nasa mesa.

Natakam siya sa eggroll na nar’on,kaya mabilis niya ‘yong kinuha at sinubo. Nang mapalingon ang mayordoma sa kanya,sinamaan siya nito ng tingin at napailing. Nginitian niya lang ito ng matamis,paminsan na dumudukot ng pagkain.

“ Aww!”

Napahawak s'ya sa kamay niya na pinalo nito,kukuha sana siya ng lumpia roll na hindi pa nito naipapasok sa paper bag ng paluin nito ang kamay niya,pinandilatan siya ng mata ni ‘nay Lara.

“ Ikaw na bata ka,kapag nakita ka ng mommy mo! Mayr’on pa naman doon sa lagayan bakit hindi ka doon kumuha?”

Ngumuso lang siya dito ,uminom na lang ng tubig.

“ Lahat po ba ‘yan dadalhin niyo?”

“ Oo ,nandoon rin kasi ang mga kapatid ni Nerissa ngayon,kaya siguro dinamihan ng mommy mo ang luto.”

“ 'Nay you know,wala pa naman akong gagawin ngayon. Pwede ko kayong ipagdrive doon pahatid,tsaka gusto ko rin makita si Nerissa.”

Nay Lara looked at her suspeciously.
“ Ate,dapat tinatawag mo siyang ate dahil mas matanda siya sa’yo at asawa siya ng kapatid mo!”

Palihim siyang umirap ,kumibot ang labi niya pero hindi nagsalita.

“ At alam ko ang mukhang ‘yan Alexandrea,kakain ka lang naman doon eh. “

Natawa siya sa sinabi nito,nabuko siya.

“ Eh kasi naman,that’s too much food. Mauubos ba nila ‘yan?”

“ May ref na lagayan kapag hindi naubos ngayon.”

Sinamaan niya ng tingin ito,ito lang ang nakakabara sa kanya sa mga kasama nila sa bahay. Matagal na itong naninilbihan sa kanila,ito na ang nagpalaki sa kuya Alejandro niya kaya parang lola na niya ito at may respeto naman siya dito kaya hinayaan niya na lang ito. At tama din naman ito ,pinagsasabihan siya minsan kapag nagkakamali siya na hindi siya masaway ng ina.

” Isama niyo nalang kasi ako,maririndi lang ako kay mommy dito dahil hindi na ako makakapasok ngayon dahil sa nangyari.”

“ Nag aalala lang ang ina mo sa’yo,narinig ko ang usapan nila ni Adrian kanina kaya naiinitindihan ko siya.”


ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon