CHAPTER 25

190 2 0
                                    


Napangiti si Hella ng dumating na ang pinsan niya,kinuha niya ang bag at ang folder saka sabay na silang lumabas ng opisina niya.

Naglakad na sila papuntang elevator ng magtanong ang pinsan niya .

“ So,ano itong kailangan mong itanong sa’kin at hindi ka pa tatawag kung hindi tungkol sa trabaho?”

Nagtatampong tanong ni Adrian,natawa si Hella at nailing.

“ How are you,I heard what happened.”

Malumanay nitong tanong kalaunan,huminga siya ng malalim.

“ I’m fine.”
She heard Adrian tsked.
“ You know what’s the best common lie a person can say?”

Napatingin siya dito,napakunot ang noo . Nailing itong namulsa,humarap sa dingding ng elevator sa harapan

“ I’m fine,everyone is using that word. Kahit hindi naman totoo na ayos lang sila,that’s the most common lie a person or everyone has.The same goes for you,sinasabi mong ayos ka lang kahit hindi naman.” Bumaling ito sa kanya at ngumiti ng malungkot.” you know,minsan kahit ga’no pa tayo kalakas. Kailangan din nating sabihin kung ano talaga ang totoong nararamdaman natin,hindi masama kung sasabihin mong nahihirapan ka din. I know you are strong ,independent woman ,pero hindi masama kung minsan ay sasandal ka sa pamilya o kaibigan mo paminsan minsan . You’re a human after all ,you can feel pain and all. Kaya sana sa susunod na mawalan ka ng gana o kung may problema ka don’t hesitate to tell me. After all ako ang pinaka gwapo mong pinsan.”

Natawa siya sa huling sinabi nito,hinawakan pa nito ang baba at natawa na din.

“ Is that from experience?”

Tanong niya kalaunan,bahagyang tumaas ang kilay nito saka nailing. Napangisi siya ,nilagay ang dalawang braso sa dibdib at pinag cross. Sumandal siya at pinagmasdan ito,kinunutan siya nito ng noo.

“ You know,I sometimes wonder kung hindi ko din pinagdaanan ang nangyari sa’kin. I’m not sure if I will be a lawyer,or if I can be as independent now.”

"Of course you can!”

Sansala nito sa sinabi niya,napailing siyang umayos ng tayo.

“ What I mean is,maybe that happen to me to make me stronger as I was now.Mas aware na ako sa sakit,and that’s part of life right? Maybe I just, I need a little more time for myself,maybe just maybe. “

Kinagat niya ang ibabang labi ,ngumiti siya ng malungkot sa pinsan na nailing lang.

DINALA siya ni Adrian sa malapit lang na restaurant sa firm nila,ilang minuto lang ang layo nito. Napakunot ang noo niya ng makaupo at sinundan ang tingin ng kaharap. Adrian is looking at a beautiful woman,no other than Stella Chua her client.

“ Do you know her?”

Nagtatakang tanong niya dito,napakurap naman si Adrian na bumaling sa kanya.

“ Everyone knows her Alexa,she is a model and an actress singer.”

Kibit balikat nitong sagot,pinaningkitan niya ng mata ang kaharap at pinagmasdan ito. Paminsan minsan itong lumilingon kung nasaan si Stella kasama ang isang lalaki na kumaikain din. Nagtatagis ang bagang ni Adrian,mahigpit ang hawak sa menu na binabasa nito.

Malakas siyang tumikhim kaya napatingin ito sa kanya,tinaasan niya ito ng kilay at napakunot naman ang noo nito .

“ Why,wala ka bang gusto sa menu?”

Tanong nito ,tumingin ulit sa menu na hawak. Bumuntong hinga siya at umayos ng upo,sinabi niya nalang ang pagkaing napili sa waiter na naghihintay.Matapos makuha ang order nila,umalis na din ang waiter. Pero ang pinsan niya,parang may lalabas ng apoy sa mata nito sa kakatingin sa babae. Mukhang may something ito para sa babae,napataas ang isa niyang kilay ng maalala ang sinabi ni Raf na manager ni Stella kanina sa opisna niya.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon