CHAPTER 28

191 2 0
                                    

Matapos ang lunch niya with Aki,tumawag naman ang pinsan niyang si Adrian. Gusto nitong makipagkita at makausap din ang kanyang kliyente ,sumang ayon na din siya ng sabihin nitong ito na ang magpapaliwanang at kakausap . Napagkasunduan nilang magkita kinabukasan,matapos ang tawag ay saka naman niya tinawagan ang kliyente .

Ilang ring lang ay sumagot naman agad ang manager ni Stella,at maingay pa sa kabilang linya.


“ Hello attorney,pasensya na wrong timing tawag mo. Pero kung importante sasabihin ko kay Stella na pumunta d’yan!”

Pasigaw nitong sabi,naririnig niya ang sigawan sa kabilang linya kasama ang boses ng kliyente niya.

“ No,no it’s okay. I just called to informed you that if you're free for a meeting ,I’ll just message you the meeting place tomorrow.”

“ Thank you attorney, ayos naman ang scheduled namin para bikas at free siya all day. Sasabihin ko kay Stella at medyo nagkakagulo ngayon dito eh. Pasensya na ulit attorney,salamat .”

Matapos ang tawag ,she sets an appoinment to the complainant side.

Napaangat ang tingin niya ng may kumatok ,sumilip si Mari na nakangiwi at may bitbit na bungkos ng bulaklak. Napakunot ang noo niya, napailing. Another red roses,with a card Mari handed her.

“ Who is it from this time?”

Nagkibit balikat si Mari at binuksan nito ang card sa harap niya ,inilapag sa mesa para mabasa niya.

“ Hindi ko na dapat ibibigay ‘yan,kaso nagpumilit ang isang gwardiya sa baba eh at parang takot na takot siya. And the words written in there is alarming,mas lumalala ngayon.”

As maricar explains,she read the notes.

‘DO YOU REALLY THINK YOU WILL BE ABLE TO SEE LIFE ,AFTER WHAT YOU DID?! WILL NO DARLING,SEE YOU SOONEST!”

May evil emoji pang nakalagay sa dulo,hindi siya natakot. Instead she sighed. Sanay na siya,pero sabi nga ni Maricar mas lumalala ngayon. Mukhang kailangan niyang maghanda,sasabihan na rin niya si Cameron. Ayaw na niyang maulit na sasabog na lang bigla ang sasakyan ,o ‘di kaya ay may masaktan pang iba.
After trashing the notes and flowers,she stood up and looked outside of the building. Marami ang pwedeng mangyari,pero hindi siya papatinag.


Pauwi na sila ni Cameron ng bigla itong tumigil sa pagmamaneho,huminto sila bago pa makarating sa penthouse. Nakakunot ang noo na nilingon niya si Cameron,medyo nanlaki ang mata nitong nakatingin sa harapan nila. Sinundan niya ‘yon ng tingin,ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang isang nakaitim na lalaki na halos mata lang ang kita. May hawak itong baril at nakatutok sa kanila,napasinghap siya.

“ Cameron…”

Mahina niyang tawag sa katabi,napalunok. Kumuyom ang palad ni Cameron ,manuevering the car backwards.

“ Cam!”

Napasigaw siya ng magpaputok ang lalaki,nag crack ang salamin ng sasakyan. Mabilis ang naging kilos ni Cameron para mailiko ang sasakyan . Napatakip siya sa tenga,napayuko. Napapamura naman si Cameron ,humahabol ang gunman sa kanila.

“ Ahh!”

Napasigaw siya ng matamaan nito ang side mirror at natanggal,mariin siyang nakakapit sa handle ng gumeywang ang sasakyan.

“ Attorney ,marunong ka ba bumaril?!”

“Ha?!”

Napamaang siya sa tanong ni Cameron,itinuro nito ang compartment . Binuksan niya ‘yon at nakakita ng mga baril, at magazines! Nanginginig ang kamay na dinampot niya ang isang baril,habang nakayuko.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon