OHN 40
Ilang araw makalipas ng makabalik si Hella sa bahay nila,pero hindi pa rin nagpaparamdam si Aki.
“ Masyado ba akong obvious sa sasabihin ko sa kanya,na nahulaan niya agad?” tanong niya s a sarili.
Matapos ang napagkasunduan nila ni Douglas ay hinayaan na siya nitong umalis,ipinahatid siya sa city at doon niya tinawagan ang kapatid. Hinatid lang siya ng mga tauhan nito at iniwan sa isang bus terminal,pagkatapos ay nakitawag .Sa sobrang tuwa ng kapatid ay sinundo siya nito ng chopper,at makalipas nga ang ilang oras ay nakarating ito. Natagalan lang ng ilang minuto dahil kailangan pa nitong maghanap ng landing space.
Mahigpit na niyakap siya ni Alejandro,hinalikan ang kanyang buhok at paulit ulit na humihingi ng patawad.
“ I’m sorry,late si kuya. Late na naman ako,patawarin mo sana ang kuya.”
Hindi siya sumagot,hinayaan lang ito . Hanggang sa maisakay siya sa helicopter ay wala siyang imik,paminsan-minsan naman ay nililingon siya ng kapatid at tinatanong. Tango at iling lang ang sagot niya dito. Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya ngayon,kung papaano sasabihin kay Aki ang pagbubuntis niya. Kung paano niya ito,kokomprontahin sa pagsisinungaling nito sa kanya, at kung paano niya gagawin dito ang napagkasunduan nila ng ama ni Aki.
Nabalik ang ulirat niya ng may kumatok sa pinto,bumangon siya sa kama saka ito pinagbuksan.
“ Mom.” Nakangiti nitong ipinakita ang dalang meryenda,kinuha niya naman dito ang tray at siya na ang nagdala sa loob. Sumunod ang kanyang ina at naupo sa gilid ng kanyang kama.
“ How are you feeling,nahihilo ka pa ba?” Tanong nito,naabutan kasi siya nito nitong umaga na nahihilo.
Umiling siya dito.“ No mom,ayos na po ako ngayon.Kailangan ko lang po talagang magpahinga, magiging maayos din po ang pakiramdam ko.”
“ Mabuti kung ganoon,pero kung nahihilo ka pa din . Magpapatawag na lang ako ng doktor paara mapuntahin dito. Kailangan nating makasiguro,hindi mo sinasabi sa’min kung ano ba talaga ang nangyari simula ng mawala ka. Aba’y mahigit isang buwan kang nawala,tapos sasabihin mong nagbakasyon ka lang?” naiiling nitong sabi,hindi alam ng mommy niya ang tunay na nangayri sa kanya. Tanging ang kangyang ama at mga kapatid lang ang nakakaalam.
Mas pinili nilang ilihim at ipalabas na nagbakasyon lang siya,kahit na may mga katanungan ang ina ay pinili nalang nitong manahimik. Ang mahalaga daw ay nakauwi siya ng ligtas.
“ Ayos lang po ako,hindi niyo po kailangang mag-alala. Napagod lang po ako sa mga ginawa ko sa bakasyon ko,medyo nasobrahan ‘ata ako sa pagpapahinga doon kaya nahihilo ako ngayon.” Sinabayan pa niya ito ng tawa,pero hindi ito umimik man lang.
“ Mom.”tawag niya dito,umiling lang ang ina at tumayo na ito. Lumapit sa kanya ,niyakap siya saka hinalikan ang kanyang.
“ Maghahanda na ako ng hapuna natin,tumawag ka lang kapag may kailangan ka.” Tumango na lang siya dito,nang makalabas ang ina napabuntong hininga siya. Alam niyang hindi ito naniniwalang basta lamang siyang nagbakasyon,pero mas pipiliin niyang ‘yon ang paniwalaan ng ina kaysa ang kamuhian nito si Aki dahil sa ginawa ng ama nito.
Hawak ang cellphone,ilang beses siyang nagpalakad -lakad sa loob ng kwarto. Kailangan na niyang makausap si Aki,at gawin ang dapat gawin. Kailangan na niyang magdesisyon,buhay ng anak nila ang nakataya . Pero ilang beses na niyang tinawagan si Aki ay hindi pa rin ito sumsagot ,parang sadya nitong iniiwasan siya. Ang huli nilang pagkikita ay noong nakabalik na siya ,at isang linggo na ang nakakalipas mula noon. Hindi pa rin nagpaparamdam si Aki,mukhang natunugan nga nito ang gagawin niya,kaya ngayon ay iniiwasan.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romantik" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...