Masayang umuwi galing eskwela ang batang Hella,ang lawak ng ngiti niya ng pumasok sa loob ng bahay at sa likod niya ay nakasunod si ‘nay Lara na sinasabihan siyang ‘wag tumakbo. Nagpatuloy siya sa pagpasok at mabilis na tinabkbo ang kwarto ng mga magulang,excited siyang sabihin sa mga ito na isa siya sa mga napiling may honors sa grade three . Dere-deretso ang pagbukas niya ng pinto at hindi pinansin ang sigaw ni ‘nay Lara na ‘wag papasok.
“ Mom,dad look! I have honors again ,I will have medals and ribbons!”
Masayang balita niya sa mga magulang,nawala ang ngiti niya sa labi ng makita ang mukha ng ina. Napakunot ang noo niya,napatingin sa ama na hindi makatingin sa kanya ng maayos.“ Mommy,why are you crying? May masakit po ba sa’yo,and why are you so quite? Hindi po ba kayo masaya sa nakuha kong achievements?”
Naluluha niyang tanong,bumaling ang tingin ng ama niya at ngumiti ng malungkot at nilapitan siya. Yumuko ito sa kanya,hinawakan ang magkabila niyang balikat at hinaplos ang braso niya.
“ Daddy is proud baby,you did a great job. Can you go to your room first,mom and I will just talk .”
Napatingin siya sa ina na nakayuko ,nagtataas baba ang balikat nito at mahinang humikbi.Napalunok siyang bumaling sa ama,naguguluhan.
“ Did you make mom cry?”
Mahinang bulong niya,hindi sumagot ang ama at tumayo lang ito ng maayos at iginiya siyang lumabas ng kwarto. Nakagat niya ang ibabang labi ng isara na ng ama ang pinto,nanatili siya sa labas hanggang sa narinig niya ang iyak ng ina at ang sigaw nito.
“ I can’t believe you did this to me,and now what? You’re bringing your bastard son here? How dare you!? ”
Tuluyan ng naglandas ang luha sa pisngi niya,napahikbi siya. Napaangat ang tingin niya ng maramdaman ang haplos sa likod niya ,nakangiti ng malungkot si ‘nay Lara. Kinuha nito ang kamay niya,hinila na siya papunta sa kwarto niya.
Sa murang edad,’yon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ina na hindi manlang siya pinansin. Mula ng araw na ‘yon naging mailap ang ina niya sa kanya,palagi na itong wala. Hindi na din niya nakita ang ama sa bahay,makalipas ang ilang buwan ay bumalik ang ama na may kasamang isang batang lalaki.Doon niya nalaman na may isa pa pala siyang kapatid,matanda lang ng isang taon sa kuya Alejandro niya.
Nalaman niya rin na ‘yon ang dahilan kung bakit nag away ang mga magulang niya,dahil na rin sa mga kasama sa bahay na pinag uusapan ang tungkol doon.
Tahimik siyang iiyak sa gilid,kapag nakikita naman siya ni ‘nay Lara ay sinasaway nito ang mga kasambahay at inaalo siya.
hindi natapos ang pag aaway ng mga magulang niya doon,hanggang sa nag first year high school siya. Palagi nitong pinag aawayan ang nakakatandang kapatid na si Alexander,ang half brother niya.Naging busy din sa school ang kuya Alejandro niya kaya wala siyang mapagsabihan,ayos lang naman dito na magkaroon ng isa pang kapatid,ayos lang din naman sa kanya. Pero hindi niya maiwasan na magalit minsan ,simula ng dumating ang half brother niya. Napunta na lahat dito ang atensyon ng mga magulang niya at naisantabi na siya.Sa tuwing may gusto siyang sasabihin,o ipapakita ay sinasarili niya na lang .
No one in their family really care,so she would hide inside her closet and cry there secretly. Doon siya makikita ni ‘nay Lara na tulog,puno ang mukha ng tuyong luha at namamaga ang mga mata sa kakaiyak.
Nang makita ang kuya Alejandro niya sa garden na nag iisa at nag aaral,nakangiti siyang lumapit dito. Umupo siya sa katapat na upuan,nakagat ang ibabang labi kung magsasalita ba o hindi. Napalunok siya ng mag angat ang tingin ng kuya niya sa kanya,seryoso ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...