Nakangiting nag unat si Hella,hindi na siya nagtaka na wala na naman si Autumn ng magising siya.
“ Autumn,what a unique name for a man.”
Nakangiting sambit niya,bumangon na siya at nakangiting nilapitan ang bintana na naroon.
Napabuntong hinga si Hella,bored na siya .Wala siyang ginawa kun’di ang mahiga o ‘di kaya ay tumanaw sa labas. Gusto na niyang magtrabaho,siguradong marami nang natambak na trabaho sa firm ngayon.
Malalim na bumuntong hinga siya,gabi na naman .kinuyom niya ang palad ,nangangati ng buksan ang cellphone sa gilid ng kama. Tiningnan niya ‘yon ng masama na parang nandon ang kanyang kaaway. Nahiga na siya at hinintay lang ang pagdating ni Autumn,hindi naman nagtagal ay dumating ito.
Hinintay niyang makalapit ito sa kanya,tumabi ng higa.Agad siyang umusog para mayakap ito,natawa ito sa ginawa niya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito,mahinang kinagat ang balat.
“ That hurt a little,missed me?”
Ungol lang ang sinagot niya dito,niyakap siya nito .
“ Hindi ka ba nababagot dito?”
Napaangat ang tingin niya dito,kinapa ang mukha ni Autumn at hinaplos.
“ I’m actually bored ,I want to go back to work.”
Marahang sabi niya.“ What’s stopping you then?”
Tanong nito, hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito at hinalikan ang kamay niya.
“ I can’t face my parents right now,I’m ashamed of what I did. ““ I’m sure they will understand,you just have to face it. Hindi ka naman p'wedeng manatili dito ng matagal,kailangan mong harapin ang problema. “
“ You don’t understand…”
Mahinang bulong niya,tinalikuran ito at nagtalukbong ng kumot. Autumn move and hug her from behind,he kissed her head and nuzzle at her neck.
“ Whatever decision you made,I’m just here. Kung gusto mo talagang bumalik sa trabaho,hindi mo kailangan na mag alala. Kung hindi ka pa handa na harapin ang mga magulang mo,that’s okay. Take your time,and if you’re ready talk to them, hear their side. I’m sure they are missing you now,you’ve been out here for days.”
Sabi nito habang hinahaplos ang braso niya,maliliit na hinahalikan ang kanyang leeg. Napabuntong hinga siya,tama naman ito. Hindi naman siya maaring magtago na lang palagi,darating din ang araw na kailangan niyang harapin ang mga magulang. Walang magulang ang perpekto,lahat nagkakamali. Sinadya man o hindi,tao pa rin ang mga ito na nagkakamali din.
“ Thank you.”
Humarap na siya dito at niyakap ang kamay niya sa leeg nito.
“ I’m just here…”
Bulong nito ,hinalikan ang pisngi niya at niyakap siya.
And that night,she made a decision. Papasok na siya,bored na siya at ayaw na niyang manatili pa na walang ginagawa.
Mariin ang pagkagat niya sa ibabang labi na naghihintay ng masasakyan sa labas ng hotel. Nag check out na siya ,ngayon ay nag aabang na siya ng masasakyan. Naglakad siya ng walang may dumaan na taxi,pumunta sa kabilang kalsada at doon nag abang.
Itataas na niya sana ang kamay ng may makitang taxi,ng humarang ang isang itim na sasakyan kaya napaatras siya. Kinakabahan na mahigpit ang hawak niya sa bitbit na bag,napalunok ng may bumaba sa driver seat. Naghanda na siya para tumakbo,huminga siya ng malalim.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...