CHAPTER 23

191 2 0
                                    

Nakangiwing napatingin siya sa suot na roba,malaki ‘yon sa kanya at halatang panlalaki. Inayos niya nalang ang pagkakapulupot ng tuwalya sa ulo,saka naglakad palabas ng banyo. Matapos makapagbihis,naghanap siya ng blower na hindi niya naman nakita.
Napabuntong hinga siya,baka wala talagang blower dahil lalaki ang nakatira sa penthouse na ‘yon. Naalala niyang hindi din gumagamit ang ama ng blower,kaya siguro ganoon.

Naglakad na siya palabas ng k’warto,nagtungo sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator na doble door habang winawasiwas ang buhok para matuyo.Napakiling ang ulo niya ng makita ang laman noon,napakurap siya sa ganda ng pagkakaayos ng laman .

Mula sa drinks, prutas at mga pagkain na nakasilid sa lalagyan. Kinuha niya ang isang ulam na nandoon at tiningnan,iinitin niya nalang ‘yon.May nakasulat pa sa ibabaw ng takip..

“ Please microwave and eat me!”

Natawa siya,nailing na sinara ulit ang ref at nagtungo sa microwave na nandoon.Habang iniinit niya ang ulam,nagsaing na siya sa rice cooker. Sinunod niya ang nakalagay na note sa rice cooker kung pa’no ang luto na dapat n’yang gawin. Seryoso siya habang ginagawa ‘yon,matapos maisalang ang kanin binalikan niya ang ulam na iniinit.

Matapos ay bumalik siya sa sala ,naupo habang hinintay na maluto ang pagkain nya .Binuksan na niya ang cellphone ,at tulad ng inaasahan sunod sunod ang mga mensahe na pumasok doon. Ang missed calls na galing sa mga magulang ,sa uncle niya at sa dalawang kapatid.

Napabuntong hinga siyang inuna na buksan ang mensahe galing sa uncle niya.

“ Alexandrea,I know you have a family problems and I understand. But you know na maraming kaso ang hawak ng firm ngayon,we need you. Pero kung hindi mo talaga kaya,take your time. And please contact your parents,your mom is still in the hospital.”

Nanlaki ang mata niya sa huling nabasa,napakurap pa siya at baka may mali sa binasa niya.

“ Your mom is still in the hospital”

Basa niya ulit,nakagat niya ang ibabang labi.

Still means,her mother was brought in the hospital .Kinabahan siya,hinanap ang mensahe ng ina niya . Nanginginig ang kamay na binuksan ‘yon,mariin na pinaglapat niya ang labi.

“ Mommy is sorry,please come back home anak.”

Naiyak na siya nang mabasa ang mensahe ng ina,mariin na kinagat ang ibabang labi .

“ I’m sorry mom…”

She wants to go home immediately, pero hindi pa niya talaga kaya na harapin ito. Naiinis na tinawagan niya ang kuya Alexander niya,wala man lang itong nabanggit sa kanya tungkol sa pagkaka ospital ng ina nila.

Ilang ring lang ay may sumagot na,pero maingay ang back ground na ikinakunoot niya ng noo.

“ You did not mention about mom being in the hospital!”

Sigaw niya,naiiyak pa rin.

“ Oh sorry about that ,hindi lang namin gusto na mag alala ka pa. Your mom said she’s okay,as long as your okay. At ayaw niyang ipalam pa sa’yo ang nangyari sa kanya. Do you want to go back home now?”

Medyo pasigaw na sagot nito,naiinis na napatayo siya.

“ Nasaan ka ba kasi,bakit ang ingay. Don’t tell me you’re drinking?”

“ Then I won’t tell you.”

Natatawa sagot nito,napaingos siya. Mukhang nakainom na ang kapatid,napabuntong hinga nalang siya.

“ Where are you,susunduin na kita.”

“ No need princess,I’m with my friends . Just stay there and rest,papasok ka na bukas ‘di ba?”

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon