OHN 52
HELLA
Dalawang araw, dalawang araw na niyang napapansin ang kakaiba sa ikinikilos ni Aki. He's with her, but sometimes out of her reach. Minsan itong natutulala, kahit pa tawagin niya ito ay parang wala itong naririnig. Minsan nahuhuli niya itong balisa at may kinakausap sa cellphone.
Napabuntong hininga siyang tinitingnan si Aki, may kausap na naman ito sa kanyang telepono. Nakaupo siya sa hammock na naroon sa labas, umiinom ng kanyang shake. Hapon na at kagigising lang niya, nang bumaba siya ay ipinaggawa agad siya nito ng shake. Matapos ay humalik lang ito sa kanyang noo at nagpaalam na may gagawin.
Napatikhim siya ng malingunan siya ni Aki, na nakatanaw dito. Hawak ang telepono nito sa kanang kamay, ang kaliwa ay nasa beywang nito. Tumaas ang labi ni Aki, pagkakuwan ay nagpaalam ito sa kausap. Naglakad ito palapit sa kanya, napaayos siya ng upo.
"Hey, need something? " Lumapit ito sa kanya, hinaplos ang kanyang ulo saka ngumiti.
Tiningnan niya ito, umiling. Kita niya na kahit nakangiti ang lalaki ay mababanaag ang pagkabalisa sa mga mata nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa ulo niya.
" Sino ang kausap mo? " Ibinaba niya ang kamay nito, napabuntong hininga.
"Can I seat with you?" Aki ask instead of answering, she glared at him.
Inirapan niya ito saka umusog, dahil sa pag upo ni Aki ay na palapit siya dito. Dahil na rin sa bigat nito ay umusog siya palapit dito, hinawakan naman agad ni Aki ang kanyang beywang."Hmm, smell good." Inamoy nito ang kanyang buhok, bahagya niya itong siniko.
"You're avoiding my question Aki." she said seriously, Aki cleared his throat.
"It's nothing." Sagot nito at hinalikan ang kanyang ulo,umangat ang tingin niya dito saka ito sinamaan ng tingin.
"Really?" Nakataas ang kilay na tanong niya, tumango lang si Aki.
Inilahad niya ang kanyang kamay dito, napatingin si Aki roon.
"Can I call my brother then?"Nakita niyang bahagyang lumaki ang mata ng katabi, pinanliitan niya ito ng mata.
"What, can't I call kuya Alejandro? We've been here for days, and hindi ko pa nakakausap ni isa sa pamilya ko. I just want to talk to them."
Bumuntong hininga itong umiling. " Not now Hella, he's busy as of the moment, we'll call him this evening okay?"
She look at him, suspiciously. He looks like someone who's hiding something from her." Okay. " sagot na lang niya, isinandal ang ulo sa balikat nito.
Umakbay si Aki sa kanya, ramdam niyang may dinadala itong problema na hindi sinasabi sa kanya. Maybe talking to her brother, she can ask.
They stayed that way until it's time for Aki to make dinner.
"I'll come with you , let me help cooking."
Tumaas ang sulok ng labi ni Aki, tinaasan niya ito ng kilay. "What?"
"Baby, you can just rest or watch a movie. You don't really need to help me cook." Sinamaan niya ito ng tingin, hinampas ang braso nito.
"I'm always resting, nakakapagod din ang walang ginagawa akala mo.Just let me help you, ikaw naman ang magluluto. I'll just watch." Inismiran niya ito, nauna nang maglakad papasok at iniwan ito.
Narinig niya ang halakhak ni Aki, saka ito sumunod sa kanyang. Agad naman na umikot ang kamay nito sa beywang niya, saka hinalikan ang gilid ng kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...