OHN 44
HELLA
Napaangat ang tingin ni Hella sa pinto ng opisina ng may kumatok at sumilip ang kanyang sekretarya.Nakangiti itong itinaas ang kamay na may hawak na paper bag,lumapit ito sa mesa niya at inilapag doon ang dala.
“ It’s from attorney Harisson,you rejected his offered lunch date Ms. kaya nagpadala siya ng pagkain ngayon.” Nangingiting sabi nito,napatingin siya sa pagkain na naroon. It’s from a known restaurant,napailing siya.
“ I don’t like the food,but say my tahnks to him. And tell him,no need to give anything. “ Wala siyang ganang kumain ngayon,at iba ang gusto niya. She's craving for something sweet.
“ Naku sayang naman ito Ms . kung hindi niyo kakainin,saka naghihintay ng sagot sa labas si attorney Harisson.” Bulong nito sa huling sinambit. Napatingin naman siya sa pinto, kahit hindi nakikita dahil nakasara ang mga blinds ng opisina ay napailing siya.
“ You can have it Mari,and tell him I’m busy to even see him now. “ Ibinalik niya ang mata sa ginagawa,tumango naman si Maricar saka pumihit sa labas dala ang paper bag . Narinig niya ang pakikipag-usap nito sa lalaki,napabuntong hininga na lang siya. Ipinagpatuloy ang trabaho ,kinalimutan na ang tanghalian.
Kaya hindi na kataka-taka na pagdating ng alas tres ng hapon ay hindi na niya napansin pa ang pagbalik ulit ni Maricar sa loob ng opisina niya. Hindi niya ito pinansin,napaangat lang ang tingin niya dito ng maamoy niya ang mabangong amoy. Napakunot ang noo niya dito,napailing si Maricar sa kanya.
“ Attorney,hindi naman hectic ang schedule ngayon pero nakalimutan niyo yata ang tanghalian. Kumain na po kayo,at mamaya niyo na ipagpatuloy ang ginagawa.”
“ Did you buy this?” Napalunok siya ,natakam sa pagkaing nasa harap. Isa-isa niyang binuksan nag baunan,saka ang nasa water bottle na ang laman ay juice. And there's even an avocado shake.
” Ay naku hindi po,akala ko nga nakapagtanghalian ka na. Kung hindi pa tumawag ang kuya mo na nagpadala siya ng pagkain dito hindi ko pa malalaman.” Nakanguso nitong sagot.
“ My brother? Which one?” Tanong niyang sinimulan ng kumain,lumipat pa siya sa kabilang mesa para mas may space siyang kumain.
“ Si sir Alejandro,tapos ang gwapo pa noong naghatid niyan. Parang pamilyar nga ‘yon eh,hindi ko lang masyadong namukhaan kasi naka shades. Pero pamilyar talaga siya,parang nakita ko na dito dati. Nakalimutan ko lang ,sino nga ba ‘yon?”
Napatingin siya kay Maricar na napapakamot sa ulo,inaalala nito ang sinasabi nitong pamilyar na tao. Nilunok niya ang kinakain,nakaramdam ng kaba. Paano kung ang sinasabi nitong nagdeliver ay si Aki,o baka hindi.Napailing-iling siya,iwinaglit ang nasa isipan.
Ilang linggo na din mula ng huli niya itong makita,hindi na ito nagparamdam pa. Hindi na din isya ginugulo ng ama nito. Nang nagdesisyon siyang bumalik sa trabaho,mas nadagdagan ang bantay niya. Hindi na din nakabalik pa si Cameron sa pagbabantay sa kaniya,kinailangan nitong magpagamot . Bago na ang bantay niya,at sinabihan na din siya ng kapatid na may kasama siyang ibang bantay. Pero maliban doon ay may nakabantay pa sa kanya at hindi niya ‘yon mapapansin para maging komportable pa rin siya.
Matapos kumain ay napasandal siya ,hinaplos ang tiyan. Nagsisisi na pinabayaan niya ang sarili na malipasan ng gutom. Hindi pa masyadong halata ang kanyang tiyan,pero may umbok na. Nakapagkonsulta na din siya sa doktor noong isang araw lang,wala pa sana siyang balak. Dahil gusto pa niya sanang sabihin mo na ang pagbubuntis sa mga magulang dahil gusto niyang makasama ang ina sa doktor.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...
