CHAPTER 38

139 2 0
                                    

OHN 38
HELLA

Hella was pacing back and forth, she can't stay still knowing what will happen if she stay there.
Hapon nang maisipan niyang lumabas ng kwarto, kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas sa puder ng ama ni Aki.

Nadatnan niya ang matanda na nakaupo sa sala at nagbabasa ng diyaryo. Nakalapit na siya dito pero hindi man lang siya nito pinansin. Tumikhim siya at naupo sa katapat nitong upuan, nag angat naman ng tingin ang kaharap. Palihim siyang humugot ng hininga, abogado siya at sanay siyang tinitingnan ng maraming tao. Pero iba makatingin ang isang Douglas Jung, marahil na rin sa ikinabubuhay nito lalo na sa katayuan.

" Are you done assisting me?" tanong nitong nagpataas sa kilay niya.
Napatuwid siya ng upo, saka sumagot."What's your planning of keeping me here?"
Tumaas ang gilid ng labi nito bago sumagot. "You will stay as long as that son of mine stop being a nuisance. And to stop that, you have to dissappear. But, I won't do that now. I still have a lot of things to do with you." He smirked as he stood up. "At ikaw nalang ang alas ko para mapasunod siya. Nakuha na niya ang ina niya sa'kin kaya malakas ang loob niyang kalabanin ako ngayon."

"Do you really think I am that important to your son?" Tinaasan niya ito ng kilay, tumawa naman ang matanda na naiiling.

"What do you think attorney, you tell me?" nagtagis ang bagang niya sa balik nitong tanong sa kanya.
"I am not,"
" Then what do you think shall we do? Should we test his loyalty, attorney?" putol nito sa sasbihin niya, nakangisi pa din ang lalaki. Sinamaan niya lang ito ng tingin saka tumayo at tatalikuran na sana ito ng marinig niya itong magsalita ulit.

" We should really try that! " napalingon siya dito, nanlaki ang mata niyang may kasama na itong mga tauhan ngayon . Napaatras siya ng senyasan nito ang dalawang lalaki sa gilid nito na hawakan siya. "Bring her in!" pagkatapos ay tumalikod na ito.

"No, bitiwan niyo ako! Anong gagawin niyo sa'kin?!" nagpupumiglas siya sa magkabilang hawak ng mga ito sa kanya. "Ahh!"
She resisted but still, she just found herself in a basement being tied in a chair. Binusalan ang bibig niya para hindi na makapag-ingay.
"Uhmmm!!!"

Nagpupumiglas siya sa tali, pero wala pa rin magawa iyon kaya tumigil na siya, biglang naalala na hindi nalang siya nag iisa ngayon kaya kailangan niyang ingatan ang sarili.
Nagtataas baba ang dibdib niya sa sobrang inis, sa nangyayari ay napasandal nalang siya sa upuan. Mariing pumikit, napakagat labi. Kailangan niyang mag-isip. Pero sa kasamaang palad lahat ng posibilidad na isipin niyang tumakas. Wala siyang lusot, abogado siya hindi katulad ng kuya niyang agent.
'Ang matandamg hukluban na' yon!'
Mas lalo lang siyang nayamot ng may pumasok na dalawang babae, ang isa ay may dala pang camera. Kinalma niya ang sarili, walang buhay na nakatingin lang sa dalawang babae sa harap niya. Ang isa ay senet up ang camera sa harap niya, ang isa naman ay nakangising lumapit sa kanya.
Napasinghap siya ng bigla nitong marahas na hinawakan ang mukha niya. "Sayang ang mukhang ito kung magagalusan lang." nakangisi nitong sabi, umiiling .

" Kung hindi mo kaya, ako na. Masarap nga 'yang bangasan, hindi makatao ang ganyang ganda!" singit naman ng babaeng nag aayos ng camera, nakapameywang itong lumapit sa kanya. Masama ang tinging ibinigay niya sa dalawa, itinulak naman ng babae ang kamay nito sa pagkakahawak sa mukha niya.

" Sinong may sabi na hindi ko kaya. Saka sabi ni boss, 'wag puruhan. Buntis pa naman daw' yan!" bulong nito sa kasama na hindi na narinig pa ni Hella. Palihim na nag usap ang dalawa at tinalikuran siya.

"What are you going to do?" Matigas na tanong niya, nilingon lang siya ng mga ito saka nagpatuliy sa pag-uusap.

"You could be jailed for doing this, and whatever you are planning, think twice. 'cause i will make sure you will serve the rest of your life there!" pasigaw niyang sabi sa mga ito.
Humarap na ang dalawa sa kanya, pero hindi manlang ito kakakitaan ng pagkatakot o pangamba.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon