OHN 47
“ I’m sorry.”
Ulit nito at mas niyakap siya, hindi niya ito kinibo . Huminga siya ng malalim,dumilat saka ito nilingon. Naramdaman ‘ yon ni Aki kaya nag-angat ito ng tingin sa kanya , tinitigan niya ito. Napapikit siya ng lumapat ang labi nito sa kanyang mga mata,pababa sa ilong ,sa kanyang mga pisngi at labi. Matapos ay isinandal nito ang noo sa kanyang noo.
“Let’s start over again,this time . You can’t turn me away,don’t push me away and tell me if there’s a problem. Pag-usapan natin kung may problema,hindi ko kayang mawala ka ulit sa’kin. Hindi na ako papayag na magkalayo pa tayong muli. No ,not anymore. “ Mahabang sambit nito, sabay silang dumilat kaya nagkatinginan silang dalawa.
Humaplos ang palad ni Aki sa kanyang pisngi,kumibot ang labi niya para sana magsalita. Pero walang salitang namutawi doon,sa huli ay naiyak nalang siya.
'Paano nito sasabi ang lahat ng ito kung nasaktan niya ito, ipinagtabuyan pa.'
Namungay ang mga mata ni Aki,inilapat nito ang pisngi niya sa dibdib. Yumakap siya kay Aki,hinagkan nito ang kanyang ulo. Inaalo siya,umiling siyang umiiyak. Nag-aalala pa rin,maraming what if’s sa isip niya. Ngayon magkasama silang dalawa ni Aki,paano kung bigla nalang may gawin ang ama nito sa kanyang pamilya. Paano kung sa huli ay masaktan lang siya,paano ang kanilang anak . Paano kung madamay pa ito sa gulo,hindi siya mapakali kahit pa nasa kulungan na ang ama nito. Mas lalong lumakas ang iyak niya,nabahala na si Aki kaya humiwalay ito sa yakap. Hinawakan ang kanyang pisngi,nag-alala ito sa kanya ng mabungaran niya.
“ Hey,what’s wrong. May masakit ba sa’yo,masakit ba ang tiyan mo?” Sunod sunod nitong tanong,umiling siya dito.
Huminga siya ng malalim,kinalma ang sarili. Nang makalma ang sarili ay tiningnan niya si Aki,napaiyak ulit siya.
“ Baby,please tell me what’s going on?” Nag-aalalang tanong nito,hindi malaman kung paano siya aaluin .
Hindi mapakali si Aki sa pagpunas sa mga luha niyang hindi mapigil. Dala na rin siguro ng pagbubuntis ay mas naging emosyunal siya. Mayamaya naman ay tumahan na siya,paulit-ulit nitong hinahagkan ang kanyang ulo. Ag kanyang pisngi at mga matang paminsan,minsan ay naiiyak pa din. Huminga siya ng malalim, suminghot saka tiningnan si Aki.
“ How about your father?” sumisigok na tanong niya,nabigla naman si Aki sa tanong niya.
“ What about my father?” Balik tanong nito,naguguluhan kung bakit nasali ang ama nitong nakakulong na ngayon.
“ Your father maybe in jail,what about his allies? Paano kung matuntun nila tayo,paano kung saktan niya ang pamilya ko. Hindi ko kakayanin Aki,ibalik mo na lang ako sa ‘min. Umuwi na tayo ngayon din,ayo’kong madamay sila. Hindi dapat tayo magkasama ngayon,paano na lang ‘pag nalaman ito ng iyong ama. Magpapadala siya ng mga tauhan sa bahay namin,baka saktan na niya nang tuluyan ang pamilya ko.”Hinawakan niya si Aki sa mga braso nito,nagtagis ang bagang nito . Galit ang emosyon nito,hinaplos ang kanyang ulo saka hinila palapit dito.
Niyakap siya ni Aki,hinahaplos ang kanyang likod.” My father won’t lay a finger on your family,he can’t do that anymore.”
Umiling siya sa sagot nito,humiwalay sa yakap. Hinawakan ni Aki ang magkabila niyang pisngi,natatakot na ito sa sobra niyang pag-iyak.
“ You have to calm down baby,come on . I’m here,I won’t ever leave your side anymore. I promise you,hinding-hindi na makakalapit pa ang kung sinuman na tauhan ng ama ko sa pamilya mo. We already captured them ,siniguro ko ‘yon . Kahit tanungin mo pa ang kapatid mo,alam ni Hace ang lahat ng ginawa ko mula ng lumayo ka sa’kin.”
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...