CHAPTER 53

148 1 0
                                    

OHN 53

HELLA

“ Are you cold?”

Hindi niya nilingon ang pasigaw na tanong ni Aki,napabuntong hininga na inayos niya ang nililipad na buhok ng hangin.

Mayamaya ay naramdaman niya ang pagpatong ng isang jacket sa kanyang balikat,bahagya niyang nilingon si Aki. Mataman siya nitong tinitigan, bakas sa mga mata nito ang takot. Iniwas niya ang tingin ,at itinuon sa dagat.

Nasa laot sila ngayon,pabalik ng maynila. Kailangan nilang sumakay ng isang bangka,bago makarating sa pinakamalapit na helipad. Ramdam niya ang pangamba , hindi alam kung matutuwa ba na babalik na sila sa kabihasnan o matatakot dahil sa nalaman.

Kanina,Aki was about to answer her . But a phone call interupted them,Aki was livid while on the phone. She can sense something is not right,and something is about to happen. Kaya nang sabihin nito na ,

” We have to go back to manila!”

Mabilis siyang tumayo at lumapit dito,magtatanong pa sana nang mabilis na itong kumilos. Kumuha lang ito mas maayos na damit para rito at sa kanya. Kahit gabi at madilim na,isang tawag lang ni Aki ay may dumating na agad na bangka para maihatid sila sa paliparan.

Inalalayan ni Aki si Hella,pababa ng bangka. Hindi humawak si Hella kaya ito na ang nagkusa na hawakan siya sa beywang para makababa. Nililipad ng hangin ang kanilang mga buhok dahil sa lakas ng hangin,mabilis naman na lumapit si Aki para mayakap siya sa tagiliran at maibsan ang lamig na nararamdaman.

Nang makasakay at maiayos ang kanyang pagkakaupo, ay inutusan na ni Aki ang piloto na paliparin ang chopper.Tahimik si Hella,hindi niya binalingan man lang si Aki kahit na madalas na haplusin nito ang kanyang kamay at tiyan. Hinayaan niya itong halikan siya sa kanyang ulo,sa balikat maging ang kanyang kamay.Hindi niya maintindihan ang sarili,na kahit na may doubt siya dito ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito.

She really loves him,that even if he keep his secrets from her forever. She will still accept him,open arms.

Hindi namalayan ni Hella na nakatulog na pala siya sa biyahe,naramdaman na lang niya ang bahagyang paglapag ng sinasakyan nila. Namumungay ang mata niyang inangat ang mata kay Aki,nakasandal siya dito at nakatitig pala sa kanya, napapikit siya saka dumilat ulit. Nakatitig pa rin ito sa kanya,umangat ang kamay ni Aki at hinaplas ang kanyang pisngi. Inalis nito ang tumabing na buhok mukha niya at inipit sa likod ng kanyang tainga. Aki looked at her lovingly,it’s like he is afraid of something.

Naputol lang ang pagtitigan nila nang marinig na inanunsyo ng piloto na nakarating na sila at pwede nang bumaba. Napatikhim siya at umayos nang upo palayo sa lalaki,ganoon din ang ginawa ni Aki .
Aki helped her go down,the engine is already down and they walk through untill they reach an elevator . Nakita niya sa isang rooftop ng builiding sila naroon,mayroon maraming tauhan na nakaabang sa kanila. Bumati ang mga ito sa kanilang dalawa at yumukod. Napabuntong hininga na lang siya at deretso ang tingin sa daanan.

Hawak ni Aki ang kanyang baywang,habang ang isang kamay nito ay may tinatawagan. Tiningala niya ang lalaki,sumulyap naman ito sa kanya saka siya kinintilan ng halik sa ilong. Sinamaan niya ito ng tingin,namumuro na ang lalaking ito. Alam nito na nagtatampo siya dito kaya ngayon ay parang nilalambing siya.

Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa palapag, nanlaki pa ang mata niya ng makikilala ang pamilyar na na lugar.

” We’re on your penthouse?” Manghang tanong niya dito,tumango lang si Aki at iginiya siyang pumasok matapos itong may pindutin saka bumukas ang pinto.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang sobrang hi-tech ng penthose ni Aki. What a genious to think to have this kind of house .Pero nang maaalala niya ang secreto nito,hindi na siguro nakakapagtaka na magtayo ang lalaki ng ganitong fortress. Now ,she call it fortress. Walang makakapasok basta-basta.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon