CHAPTER 30

206 3 0
                                    

Naalimpungatan si Hella sa tunog ng kanyang cellphone, tumagilid siya at kinapa ang nag iingay na aparato na nasa side table. She groaned ng hindi niya ito makapa, kaya idinilat niya ang isang mata at bahagyang ibinangon ang kalahating katawan para mas maabot ang cellphone. Nang makuha na ito ay pabagsak siyang nahiga ulit, saka sinagot ang tawag na hindi tintingnan kung sino ang tumatawag.

"Yes?"

Namamaos pa niyang sagot dahil sa bagong gising, kaya tumikhim siya at hinintay na may sumagot sa kabilang linya. Napakunot ang noo niyang idinilat na ang parehong mata para matingnan kung sino ang umistorbo sa tulog niya, at hindi manlang ito nagsasalita. Tuluyan na siyang napaupo sa kama ng makitang unregistered number ang tumawag sa kaniya.

"Who is this?" Subok niya ulit, pero walang may sumagot hanggang sa may naririnig na siyang kakaiba, na nagpakaba sa kanya.

Nagtaas baba ang dibdib niya sa kaba, the long silence from the unknown caller turns into a creepy one.  The deepening silence, a cry of someone  from afar and a cry for help. And the last thing she heard was a scary scream of pain, and a sound of someone being beaten.

"Hey are you okay? Kanina ka pa tulala d'yan, simula ng lumabas ka sa kwarto mo. Hindi ba naging maayos ang tulog mo, o may masakit ba sa'yo? Kailangan na ba kitang ibalik sa ospital?"

Napabuntong hininga siya sa sunod sunod na tanong ni Aki, inilingan niya ito saka inabot ang baso ng tubig at uminom. Naglakad siya sa sala at naupo sa sopa, habang nakasunod lang si Aki sa kanya. Matapos ang tawag kanina ay natulala na siya, nabitawan niya ang cellphone at nanigas ang katawan niya sa kakaibang takot na nararamdam. Nang lumabas naman siya ay naabutan niya si Aki na naghahanda ng almusal, binati siya nito pero hindi niya ito kinibo kaya ngayon ay nag aalala ito sa kanya.

"You look bothered, pwede mong sabihin sa'kin." Nalipat ang tingin niya sa lalaki, bakas sa mukha nito ang pag aalala. Pumikit siya  ng mariin at huminga ng malalim.

"Someone called kanina.."

"And?"

"I don't know, maybe it's nothing?"Hindi niya siguradong sabi, Napakunot-noo naman ang kaharap niya. Naupo na ito sa kaharap na upuan, itinukod ang dalawang siko sa tuhod.

" You won't be like that if it's nothing. Tell me, what is it? "
Wala na siyang nagawa at ikinuwento na dito ang naganap  bago siya lumabas ng kanyang silid. Nakita niya kung paano nag igting ang panga ni Aki, naging mabagsik ang tingin nito na parang nagagalit. Nagtaas baba ang dibdib nito at ilang beses na nagbuga ng hangin, bago ito tumayo at tinalikuran siya. Naglakad ito papunta veranda at inilabas ang cellphone at may tinawagan.
Napabuntong hinga siya ng sumandal sa sopa at pumikit, hindi niya alam kung tama ba na sinabi niya pa 'yon kay Aki. Nagsisi tuloy siya kung bakit niya sinagot ang tawag kanina, at kung bakit hindi manlang niya tiningnan muna ang caller bago sagutin.

Napatayo siya ng marinig na tumunog na naman ang kanyang cellphone na iniwan niya sa  kanyang silid. Napasinghap pa siya ng bigla na lang bumukas ang sliding door sa veranda at pumasok si Aki, habang inilalagay nito sa bulsa ang hawak na phone. Nang magawi ang tingin nito sa kanya, napakunot ang noo nito. Katulad niya ay nabaling din ang mata nito papunta sa kanyang silid, hindi pa rin tumitigil ang kung sino man ang tumatawag sa kanya.

"Stay here, I'll go get it." nakita ni Aki ang pag aalinlangan niya kaya nagpasya na itong kunin ang kanya phone sa kanyang silid. Kaya naiwan siya sa sala, bigla ay kinabahan na baka tumawag ulit ang caller kanina.
Napalunok siya ng makitang lumabas na si Aki at hawak na nito ang kanyang phone, inabot nito ang kanyang phone nang makalapit na ito sa kaniya.

Napatingin lang siya sa doon at hindi gumalaw, kung hindi pa nagsalita si Aki sa harap niya at hinaplos ang braso niya.

"It's your uncle." Sabi nito, halata ang pag aalala. Napahinga siya ng malalim, saka inabot ang phone at nandoon nga sa screen ang pangalan ng kanya uncle. Na missed niya ang tawag nito, at kita din doon na may isa itong mensahe para sa kanya.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon