OHN 45
HELLA
“Good morning anak,handa na ang breakfast. Nandito din ang kuya Alexander mo,nasa hapag na.” Bati ng kanyang ina,inayos niya ang sariling buhok,wala siyang pasok ngayon kaya bumaba siyang hindi pa nakakaligo.
“ Morning mom.” Bati niya dito,natawa ito sa hitsura niya. Napasimangot naman siyang kumapit sa braso nito,sabay na silang pumasok sa kusina. Nandoon nga ang kanyang kuya Alexander,nagkakape.
Ngumiti ito sa kanya,tumayo ito at pinaghila siya ng upuan. “ Morning princess.”
Tinanguan niya lang ito saka nauppo,una niyang inabot ang kanyang shake.Napangiwi naman ang katabi,sinamaan niya ito ng tingin. Natawa ang kanyang ina ,kaya pareho silang napatingin dito.
“ You will know the feeling kung magkakaanak kayo ng asawa mo Alexander. Kung nakita niyo lang ang ama niyo noong pinagbubuntis ko itong si Hella. Matatawa din kayo,kung saan saan nagpunta pa ‘yon para lang mahanap ang mga pinaglilihian kong wala dito sa pinas.” Nangingiting kwento nito sa kanila,napatingin siya sa katabi. Nakita niya kung paano nagtagis ang bagang nito,ang lungkot na dumaan sa mga mata ng kapatid.
Hinawakan niya ang kamay nitong nasa ibabaw ng mesa,napalingon ito sa kanya at ngumiti ng malungkot.Naiintindihan niya ito,nasasaktan siyang makita ang kapatid na nangungulila sa asawa ngayon. Matagal na itong naghahanap,pero hindi pa nito mahanap. Hindi man niya alam ang buong kwento,umaasa pa rin siyang matagpuan nito ang asawa at magkaayos.
Dahil walang magawa sa bahay ,tinawagan niya ang bestfriend niyang si Marga. Hindi pa ito makapaniwalang nag-aaya siya.
“ Are you sure you’re asking me out?” Tanong nitong ikinatawa niya.
“ Oo nga,ayaw mo ba?”
“ No way,minsan ka nalang magyaya kaya hindi ako tatanggi.”
Napagkasunduan nilang magkita nalang sa mall,kaya nag-ayos na siya.Matapos magpaalam sa ina ay nagpahatid na siya sa mall,hindi na siya nagtaka nang may nakasunod sa kanilang sasakyan. Napabuntong hininga siyang tiningnan ang driver at bodyguard niya ngayon,hindi siya makaangal dahil para na rin ‘yon sa kaligtasan nilang mag-ina.
Nang makarating sa mall,naglakad siya papasok sa loob at naghanap ng coffee shop. Kasunod ang dalawang bantay sa likod niya,hindi niya nalang pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya,marahil nagtataka kung bakit may kasama siyang bantay. Baka akalain pa ng mga itong importanteng tao siya.
Inayos niya ang suot na dress bago naupo,pinaghila pa siya ni James. Pumuwesto naman ang mga ito isang mesa ang layo sa kanya,para sa kanyang privacy. May lumapit na waiter kaya nag-order na muna siya. Pagkatapos ,saka siya nagpadala ng mensahe sa kaibigan. Hindi pa naman ito late,maaga lang siyang nakarating .
Napatingin siya sa kabilang table kung nasaan sila James,tumayo ito at hawak ang earpiece na suot. Napakunot ang noo niyang tiningnan ito,may kausap ito. Nagkatinginan ang dalawa niyang bantay,bago ito napatingin sa kanya.
Pinandilatan niya ito,nagtatanong kung anong nangyayari. Nakita niyang tumango ito bago bumalik sa pag-upo. Napakunot ang noo niyang tumayo at nilapitan ito.
” Anong nangyayari,may problema ba?”
Mabilis naman na umiling ang mga ito,pinaningkitan niya ito ng mga mata.” Wala ho ma’am ,ayos po ang lahat.”
Tintingan niya ang mga ito,nasa dibdib ang mga braso.Nawala lang ang tingin niya sa mga ito ng dumating ang kangyang order. Sinulyapan niya pa ng isang beses ang mga ito bago bumalik sa kanyang mesa. Kinausap niya din ang waiter na bigyan ng maiinom ang kasama niya,tumango lang ito saka lumapit sa kanyang mga bantay. Tumingin ang mga itong nagtatanong sa kanya,tinanguan niya lang ito. Nakita niyang nag-order na din ang mga ito.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Любовные романы" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...