CHAPTER 17

215 1 0
                                    



“ Hell.... ”

Itinaas ni Alejandro ang kamay at sinubukan na hawakan si Hella pero umiling ang dalaga.

“ It’s okay,reality really hurts. I know that now,not even your own family you can defend on.”

“ Hella,hindi sinasadya ni kuya. I'm sorry!”

Umiling si Hella,sunod sunod na tumulo ang luha niya kaya napaatras siya ng manlabo na ang paningin niya.Kumurap kurap siya ng ilang beses,kinuyom ang palad at pilit na kinalma ang sarili.

“ It’s okay really,this is much better than hurting inside.You don’t know what it feels being in the dark by yourself when your family is in chaos,who said our family was perfect?

Hindi na malaman ni Hella kung tatawa o iiyak,pero sabay niya ’yong nagawa . Napatingala siya sa langit at marahas na pinunasan ang pisngi saka ibinaling ang tingin sa kapatid. Ngumiti siya ng malungkot ng makita si ‘nay Lara sa likod . Umiiyak na rin ito at umiiling sa kanya.

Huminga siya ng malalim,mariin na pinaglapat ang labi.

“ I should go,I’m sorry . Hindi ko sinasadya na guluhin kayo,kalimutan niyo na lang ang mga sinabi ko. I’m just being a brat again.”

Mabilis siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan. Nagsuot ng seat belt,at hinintay na makaapsok si Cameron .

Napaangat ang tingin niya sa labas ng makita na lumapit si ‘nay Lara sa mag asawa at nagsalita,pero hindi na niya narinig pa ‘yon dahil pinaandar na ni Cameron ang sasakyan palayo.

“ Hindi mo dapat ginawa ‘yon sa kapatid mo Hace ,hindi mo alam kung ano’ng pinagdaanan niya para lang maipakita sa inyo na okay lang siya kahit na hindi. Hindi niyo alam ang mga ginagawa niya ,habang ang pamilya mo ay busy sa mga problema niyo na hindi niyo na siya napagtutuunan ng pansin kung ayos lang ba siya na makita kayong nagkakagulo . Lalo ka na Hace,simula ng umalis ka sa bahay noon sinubukan ng maging matatag ni Alexandrea sa murang edad niya. Maipakita lang na maayos siya sa harap niyo,maipakita lang na hindi siya nasasaktan kapag nakikita niya ang mga magulang niyo na nag-aaway dahil lang nambabae ang ama mo. Kaya huwag mong huhusgahan ang kapatid mo,hindi mo alam ang pinagdaanan niya na ayaw niyang ipaalam sa inyo. Na kahit ako ay nasasaktan para sa kanya,na wala akong magawa kun’di ang paalalahan siyang magiging matatag at huwag na ulit tangkain na kitlin ang buhay niya.”

Tuluyan ng naiyak si ‘nay Lara at napaupo sa lupa,naitakip ang dalawang palad sa mukha. Naalala niya ang mga taon na pinagdanan ng alaga niya ,kung pa’no ito umiyak ng palihm at palaging nagtatago sa kabinet nito para lang doon umiyak at hindi marinig ang pinag aawayan ng mga magulang.



Yumuko si Hace,hinawakan ang braso ni ‘nay Lara. Naguguluhan siya,hindi niya alam na may gano’ng nangyari dati.

Umiiyak na tumingala si ‘nay Lara kay Hace,umiling iling ang matanda.

“ Hindi kita mapapatawad kung may gawin na naman ang kapatid mo na ikapapahamak niya Hace,baka makalimutan kong ako ang nagpalaki sa’yo at kamuhian kita.”

“ Ano ba’ng nangyayari?”

Nakakunot ang noo na tanong ni Hace,umiling lang si ‘nay Lara at sinubukan na tumayo.Inalalayan naman ni Hace na makatayo ang matanda.

“ Hindi ba at huli na ang pag aalala mo, nangyari na . Ayo’ko na rin na sariwain ang mga sugat na naghilom na . Ipanalangin mo nalang na maging maayos ang kapatid, na sana hindi magbalik pa ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. ”

Naiwan ang mag asawa sa labas,nag alala naman nakatingin lang si Nerissa sa asawa.

Nagtatagis ang bagang na kinuha ni Hace ang phone sa bulsa at nagpadala ng mensahe kay Cameron.

ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon