CHAPTER 41

154 2 0
                                    

0HN 41

HELLA

Hella wake up feeling her stomach upside down . Mabilis siyang napabangon at dumeretso sa banyo,saka dumuwal ng dumuwal. Hanggang sa wala na siyang mailuwa kun’di ang mapait na laway. Gusto niyang maiyak,napaupo siya sa sahig na tiles. Hindi na pinansin pa ang lamig nito. Makalipas ang ilang minuto,tumayo na siya at inayos ang sarili,humarap sa salamin bago lumabas. Huminga siya ng malalim bago tinahak ang palabas ng kanyang silid. Kagabi, nakatanggap siya ng mensahe galing sa pinsang si Adrian na nagsasabing gusto daw makaipag-usap ni Aki. Gusto man niyang mainis ,na kung bakit hindi ito ang nagsabi at kailangan pang ang pinsan niya ang magsabi sa kanya. Pinigilan niya ang sarili,kailangan niyang makausap ito,hindi din ito nagreply pa sa huli niyang mensahe.

Naabutan niya ang lalaki sa kusina,nag aayos ng almusal sa mesa. Nakatulugan na niya ito kagabi sa paghihintay,gustuhin man niyang hintayin ito para makapag-usap sila. Marahil na rin siguro sa pagbubuntis niya ay hindi niya napigilan ang antok.

Mabilis na nabaling ang tingin ni Aki sa kaniya,nakangiti itong lumapit sa kanya. Inalalayan siya ni Aki palapit sa mesa.

“ Good moring! Here,I already made our breakfast. I hope you like it.” Hindi nawala ang ngiti nito,giniya siyang maupo.

Nakatingin lang siya sa lalaki,hinayaan niya itong lagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. Nakangiti man ito ay ramdam niya ang kakaiba dito,matapos malagyan ng pagkain ang kangyang plato ay naupo na ito sa harap niya. Hindi ito gumalaw,nakatingin lang sa kanya. Napatikhim siya ,umiwas ng tingin saka nagsimula ng kumain. Maya maya naman ay nagsimula rin itong kumain. She can feel the erie feeling,Aki seems wary of her.

Tahimik silang kumain hanggang sa matapos,walang kibuan.Akmang magsasalita na siya,nang biglang tumayo si Aki.” I’ll wash the dishes,you can rest in your room or in the sala.”

Mabilis itong tumalikod sa kanya,nagligpit. Hindi siya tumayo at pinagmasdan ito. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi ,mabilis na tumingala at kumurap-kurap para pigilan ang luhang namumuo. Tumayo na siya,nakatingin sa likod ni Aki. Gusto niyang lapitan ito at yakapin mula sa likuran. Gusto niyang sulitin ang huling sandali na makakasama ito.

Ikinuyom niya ang mga palad,hindi na niya napigilian ang sarili na lapitan ito. Niyakap niya ito mula sa likuran, naramdaman niyang natigilan si Aki. Hindi ito gumalaw,humigpit naman ang yakap niya dito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata,nanginginig ang labi na isinandal niya ang noo sa malapad na likod nito.

A minute passed,she let go. Pero mabilis na hinawakan ni Aki ang kanyang mga braso ,yumuko ito. Naramdaman niya ang pagtaas baba ng balikat nito kalaunan,hanggang sa narinig na niya ang mahihina nitong hikbi. Hindi nakagalaw si Hella sa nasasaksihan ,hindi makapaniwalang umiiyak ngayon si Aki. Pilit niyang tinatagan ang sarili,hinila ang mga kamay mula rito. Hindi na pumalag pa si Aki dahil sa panghihina nito,nanatili itong nakayuko. Hinila niya ito paharap sa kanya,nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang mukha ni Aki na jila sa luha.

Umiling -iling si Aki,puno ng luha ang mukha nito. Dahil sa nakita ay hindi na niya napigilan ang butil ng luhang pumatak sa pisngi niya.


“We need to talk.” halos pabulong na sa bi niya dito. Hindi sumagot si Aki,hinawakan nito ang kamay niyang nasa pingi at hinalikan ang magkabilang kamay niya.

“ No.” Mahinang turan nito,pumikit,patuloy pa rin ang luhang dumadaloy sa pisngi. Nasasaktan siya, nasasaktan siyang makita ang taong mahal niya na nasasaktan ng ganito. Ramdam niyang alam na nito ang gusto niyang sabihin,kaya siguro ito umiiwas sa kanya ng ilang araw .

“ No.” Patuloy ang pagtanggi ni Aki,mayamaya ay niyakap na siya nito.

Isinubsob na ang mukha nito sa balikat niya. Tuluyan na din siyang napaiyak,dinudurog ang puso niya sa sakit. Pero kailangan niyang gawin ito. Maiintindihan din nito ang gagawin niya,magalit man ito pagkatapos ng gagawin niya. Basta ligtas ang anak nila,handa siyang harapin ang anumang galit nito.



ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon