Napatigil si Hella, mabilis na nilingon ang pinto ng may kumatok. Napakagat labi siyang tumayo at binatiwan muna ang dokumento na binabasa niya. Tinanggal niya ang suot na salamin at nilakad ang papunta sa pinto. Huminga muna siya ng malalim bago nagpasya na buksan ito.
Palihim siyang napalunok at napaatras ng bahagya ng bumungad ang nakangusong Aki. Tinaasan niya ito ng kilay, napabuntong hininga naman ang kaharap.
"The food is ready." Sabi nito, matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya kinaya ang titig nito kaya siya na ang umiwas, kagat labi niya itong tinanguan.
"Susunod ako." Sagot niya na lamang at isasara na sana pabalik ang pinto ng pumasok na lang ito at bahagya pa siyang naitulak para lang makapasok ito ng tuluyan sa loob.
Napasinghap siya sa ginawa nito, lalo na ng basta na lang itong umupo sa gilid ng kama niya. Nakatingin lang si Aki sa kanya, pinandilatan niya naman ito. Napailing si Aki at napabuntong hininga.
"What?" Tanong niya dito, umiling lang si Aki.
"Finish what you are doing, sabay tayong lalabas sa kwartong 'to." Sagot nito, napamaang siya sa sinabi nito.
"Susunod nga ako, hindi mo ako kailangan na hintayin!" Naiinis niyang sagot, tinaasan lang nito ng kilay.' Aba't! ' Marahas siyang bumuntong hininga saka nilapitan muna ang ginagawa kanina para maayos bago lumabas ng kwarto. Nang matapos hindi na niya hinintay pa si Aki at iniwan ito.
Maya maya naman ay naramdaman niya din itong sumunod, hinayaan niya ito at nauna na sa kusina. Doon ay nakaayos na ang pagkain, hihilahin na niya sana ang upuan para makaupo ng maunahan siya ni Aki. Napapikit siya bago naupo na lamang at hindi na ito pinansin. At katulad ng dati, si Aki ang maglalagay ng pagkain sa plato niya. Kahit naman kasi anong sabi niya na kaya niyang maglagay ng sariling pagkain sa plato ay hindi naman ito nakikinig, kaya hinayaan niya na lang. Tahimik silang kumain, well akala lang pala niya. Dahil maya maya ay binasag ni Aki ang katamihimikan, at ang iniiwasan niya pang topic ang sinabi nito. Great!
"You've been avoiding me for three days now." It was a statement, not even a question! She just rolled her eyes up. Nakayuko naman siya kaya hindi 'yon napansin ni Aki.
"Hella." tawag nito, napakagat siya sa ibabang labi at napabuntong hininga bago ito hinarap.
"What?" Tinaasan niya ito ng kilay, matiim lang itong nakatitig sa kanya. Kalaunan ay napabuntong hinga rin at umiling.
" If this is about what happened between us the other day—"
"Na hindi dapat nangyari." Putol niya sa sasabihin nito, saka nagpatuloy sa pagkain. Napapikit at napabuntong huninga si Aki, rinig 'yon ni Hella dahil marahas nitong binitawan ang hininga.
" Hella.."
"Hindi na dapat pa mangyari pa' yon, and besides. Pareho na tayong nasa tamang edad, para ideny pa ang nararamdaman natin sa isa't isa. Yes, I have feelings left for you. But that doesn't mean anything. Hindi ko alam, naguguluhan ako actually. So, nakikiusap ako. Hayaan mo muna ako, kasi kahit ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa totoo lang nakakainis, bakit pa kasi—" napapikit siya ng mariin. Tumayo na at napabuntong hinga, bago umalis sa kusina at pumasok sa kwarto niya. Nang makapasok, sinapo niya ang ulo at inalog.
" Ano ba ang pinagsasabi mo, at umamin ka pa talaga? "Bulong niya sa sarili saka tinungo ang closet at binuksan 'yon para makapasok sa loob at doon ikinubli ang sarili.Tatlong araw na ang nakalioas matapos ang mainit na tagpo na nangyari sa pagitan nilang dalawa. At oo, iniwasan nga niya ang binata. She's torn, nakamove on na siya kay Aki. At nagugustuhan naman niya si Autumn, na kahit hindi niya kilala ang pagkatao ay naramdaman niya naman ang pag aalaga nito. Kahit pa nga minsan lang ito magpakita, at kung may mapagsasabihan siya ngayon tungkol kay Autumn. Siguradong sasabihan siyang nasisiraan na ng bait. Ano nga ba ang alam niya sa isang tao na ayaw din magpakilala sa kaniya?
At sa tuwing nag ooverthink siya, ang takbuhan niya ay ang closet. Nagpasalamat nga siya na dumating din kinabukasan ang mga dokumento na kailangan niya para kahit papaano ay madistrak siya. And everything was okay, not until Aki broke his silence and open up about the scene they made. And now, she's overthinking again. Na hindi naman dapat, gusto niya lang talaga pahirapan ang sarili niya. So that's what she did, nagpalipas siya ng kalahating oras sa loob ng closet. At lumabas lang ng may maalala na may trabaho pala siya. So instead of overthinking more, ginawa niyang busy ang sarili. So busy na hindi niya namalayan na sumisikat na pala ang araw kinabukasan.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...