OHN 55
HELLA
Nakangiti siyang nakikipagkwentuhan sa mga magulang, habang kumakain nang hapunan. Kahit ang kanyang pamangkin ay nakangiting nakikidaldal sa kanila. Inaasikaso din siya nang ina,hindi na muna pinuna ang pananatili nang kanyang mga magulang sa bahay ng kapatid.
Matapos ay nanatili ang mga ito sa sala,ang kanyang mga magulang ay piniling manatili sa harden at magkape. Siya ,si Nerissa at ang kapatid na si Alexander ang natira sa loob. Ang panganay naman ni Nerissa ay pumanhik na at inaantok ,kasama ang nagbabantay dito. At ngayon ay binibiro nang kapatid si Nerissa,umiiling naman ang huli.
“ Kung ako sa’yo ,iiwan ko na ang gago na ‘yon. Matapos ka niyang pahirapan,tinanggap mo pa din talaga.” Saad nang kanyang kuya,sinamaan naman ito ng tingin ni Nerissa.
“ Paano kung bumalik si Avyanna,tapos hindi ka din niya tanggapin.Titigil,o susuko ka na lang ba?” Ang tanong ni Nerissa ang nagpatahimik sa kuya Alexander niya,napalunok at nagtagis ang bagang nito.
Biglang nagbago ang ekspresyon nito,tumikhim at tumayo.
” I should go now.” Mariin nitong sabi,tumaas naman ang kilay ni Nerissa sa kapatid.
“ Oh. ‘di ikaw ngayon ang napikon? Ikaw nagsimula ng usapan na’to,at hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo sa kanya. Sana lang kapag bumalik siya,huwag mo nang sasaktan pa. If that happens,F.O na talaga tayo.”
Naiiling na sabi dito ni Nerissa,hindi niya mapigilan ang mapatingin sa dalawa. Alam niyang matalik na magkaibigan ang mga ito, kaya ayos lang na magkabiruan .Pero kapag personal na ay hindi na tino-tolerate ang isa.
“ I would never ,ever.”
Matapos ay tinalikuran na sila nito,napabuntgong hininga siya. Tiningnan si Nerissa ,bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.Nang mabaling ang tingin nito sa kanya ,matipid itong ngumiti saka tumayo.
“ Dito ka na magpalipas nanag gabi,ihahanda ko lang ang magiging silid mo.” Sabi nito ,saka siya tinalikuran.
Biglang sumakit ang ulo niya,malalim na bumuntong hininga.
“ Why do I have this kind of family?” Hinilot niya ang sintido,tumayo saka hinanap ang kanyang mga magulang.
Hawak ang tiyan ay naglakad siya,nang makarating sa hardin ay natanaw niya ang mga ito. Napakunot ang noo niya nang makitang ,parang nagtatalo ang mga ito. Mahina ang boses,pero bakas sa mga mukha nito ang hindi pagkakaunawaan.
Lakad takbo ang ginawa niya ,makarating lang sa mga magulang. Napahinto siya nang tumaas na ang boses ng ina,nabato sa narinig.
“ At ano,mananatili tayo dito? Habang ang mga walang hiyang ‘yon ay sinisira ang mga ari-arian natin? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang idamay ni Douglas ang anak natin. Ang firm na pinasabog niya,ang bahay natin. Kakarenovate nga lang noon,tapos sinunog niya lang? How can he do this to us? Naging magkaibigan naman kayo,hindi ba at kababata mo pa nga si Douglas.Kaya hindi ko maintindihan,bakit? Ano’ng kasalanan natin sa kanya,na kailangan niyang sirain ang mayroon tayo?”
Nanghihinang napaupo ang ina niya sa sahig,sinalo naman ito nang kanyang ama. Napalunok siya,hindi makapaniwala sa mga nalaman. Naglumikot ang mga mata niya,hindi siya nakagalaw. Naikuyom niya ang mga palad, lumabo ang mga mata sa luha.
Tuluyang tumulo ang luha niya nang marinig ang pagtangis nang ina,yumakap ito sa kanyang ama. Umawang ang labi niya,bumigat ang paghinga.
Kaya ba pinagbawalan siyang bumalik kaagad ni Aki sa syudad,dahil sa nangyari sa firm nila? Kaya ba ,ayaw nang kuya Alexander niyang lumabas at pumunta sa bahay nila ay dahil sa ginawa ni Douglas?
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Romance" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...