OHN 49
HELLA
Kumakain na si Hella nang bumaba si Aki, umiika-ika pa ito. Naupo ito sa kaharap na upuan,masama ang tingin sa kanya.Tinaasan niya ito ng kilay,napayuko naman ito saka kumuha na nang pagkain.
Naiinis pa rin siya dito,kung bakit kasi naalala pa niya ang nangyari sa restaurant. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na tadyakan ito. Namali pa ang tadyak niya at sa gitna nang mga hita nito dumapo ang paa niya. Dala pa nang pagkapahiya na naabutan siya nito sa kwarto,pinagpatuloy niya ang pagkain.
Inaasikaso pa rin siya ni Aki kahit na hindi niya ito kinikibo,matapos kumain ay iniwan nya ito sa kusina at pumunta sa sala. Saglit na nagpahinga doon,mayamaya ay lumabas si Aki na nakabusangot ang mukha. Nilagpasan lang siya nito at lumabas,inirapan niya ito.
Kinahapunan ay nagpasya siyang maligo,kaya naghanda siya. Nang bumaba ay hindi niya naabutan si Aki ,hindi niya ito makita kaya deretso ang lakad niya papunta sa dalampasigan. Bitbit ang isang tuwalya,sunblock at naka shades.
Pumuwesto siya sa hindi masyadong maaraw at nilatag ang dalang tuwalya.Naupo at nagsimula nang magpahid ng sunblock sa katawan,mabuti nalang talaga at may nakita siyang bikini sa closet nito. Nagulat pa siya nang makita ang mga damit niya doon ng sinubukan niyang maghanap nang maisusuot. Siguro ay kinuha ‘yon ni Aki sa bahay nila. Prepared!
Napasinghap siya ng maramdaman ang palad sa balikat niya,nilingon niya si Aki ,sinamaan ito ng tingin.
“Let me.” Baritonong boses nito,nakagat niya ang loob ng pisngi at iniwas ang tingin.
Hinayaan niya itong kunin sa kanya ang lotion at dumapa,pinagpatong ang dalawang braso na ginawang unan. Naramdaman niya ang kamay nitong tinanggal ang tali sa kanyang bra,mayamaya lang ay naramdaman na niya ang medyo magaspang nitong kamay. Ipinikit na lamang niya ang mga mata,naririnig ang mababang paghinga ng lalaki .Nang matapos at maikabit ulit ang tali ng bra ay umayos siya ng upo.
Tahimik silang pareho,hinayaan niya itong tumabi ng upo sa kanya. Parehong nakatingin sa dagat na malumanay ang alon,at katulad ng dagat ay kaumalma na ang sistema niya. Ngayon niya narealize ang mga pinaggagawa sa buong araw. She was being childish,and Aki was just there beside her. Inaalo siya ,sinusuyo. Marahas siyang napabuntong hininga ,naramdaman niya ang pagbaling ni Aki sa kanya.
“ I’m sorrry.” Sambit niyang hindi pa rin ito tinitingnan. She rolled her lips in ,and bit her lower lip.
“ It’s okay.” Mahinahong sagot nito,nabaling ang tingin niya kay Aki saka umiling.
“ No it’s not.” Kuntra niya,nagulat naman ito sa sinabi niya at napalunok.
“ It’s not okay Aki, I’m being childish and how can you put with me ? “ Naiiyak niyang tanong dito,lumamlam ang tingin ni Aki sa kanya. Inabot nito ang kanyang ulo at kinabig sa dibdib,tumulo na ang luha niya.
“ It ‘s really okay ,I understand baby.” Umiling siyang lumayo ,nasa beywang niya ang kamay .
Pinisil ni Aki ang kanyang ilong,saka siya kinintilan ng halik sa labi. Napanguso siya,tinulak nang bahagya ang kamay nito.
” Just don’t kick me down there again. Baka hindi na madagdagan pa ang anak natin.” Biro nitong natatawa pa,sinamaan niya ito ng tingin.
“ Anak ka diyan,tama na ang isa ‘no!” Inirapan niya nito,napangiti lang si Aki saka siya kinabig ulit payakap.
“ How many doesn’t matter to me baby,it’s your body. Your choice. The important thing is we’re together. ” Masuyo nitong sambit,napakagat labi siya.
BINABASA MO ANG
ONE HELLA NIGHT ( COMPLETED )
Любовные романы" I don't care if your name sounds like hell, I'm willing to enter hell just to bring you to heaven. Because you are my Hella." ONE HELLA NIGHT Hella Alexandrea Mondeñego, just graduated and pass the bar exam on becoming a lawyer. For the last tim...